Mag aalas tres ng hapon, hindi ko alam na ganoon pala katagal ang naging pag uusap namin ni Sir Jacob. Kumakalam na ang aking sikmura dahil hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga at ngayon ay gutom na gutom na ako. 100 pesos lang ang laman ng aking wallet dahil sa isang linggo pa an sweldo ko sa cafe, at isa pa, laging eksakto lang ang perang dinadala ko, ang iba ang tinatabi ko na para kay Mimi, kay dad at sa iba pang gastusin sa bahay.
Kinompute ko kung magkano na lang ang matitira na pangkain ko kung ibabawas ko sa 100 ang pamasage ko pauwi, may matitira na lamang sa akin na 55 pesos, at dahil sa sosyal na lugar nakatayo ang kompanya ni Sir Jacob kung saan puro high maintenance at kapitalista ang mga tao, wala akong makita na karinderya or kahit anong pwedeng kainan na mura lang. Kaya't tiniis ko na lang ito hanggang sa makarating ako sa may lrt at doon bumili ng biscuit at juice sa tindahan na malapit dito, ok na rin pangtawid gutom.
Matagal rin ang byahe ko dahil kailangan ko pa sumakay ng jeep pag kababa sa lrt at matindi ang traffic, may nagbanggaan daw kasi at dahil alam ko na matatagalan pa ito, nilakad ko na lang hanggang sakayan ng tricycle at sa wakas ay nakauwi na rin ako. I texted Andi first:
Girl, di na ako makakadaan diyan sa inyo. I'm so tired na at kadadating ko lang sa bahay. - M
Oh, it's okay. Have a rest first. Bukas na lang tayo magkita, meron din kasi akong lakad ngayon. Wanna come? ;) Para makapag unwind ka din. - A
Paano naman ako makakapag relax sa loob ng isang bar. Itutulog ko na lang ito. Have fun! - M
Manang alert! hahaha, ok. Basta ikwento mo sa akin lahat bukas kung anong nagyari sa meeting mo with Jacob. Just text me if you need anything. :) - A
Sure, ikaw pa ba. Noted. Bye, see ya tomorrow! - M
Byee - A
Pagkatapos ko siyang itext ay pumasok na ako sa loob ng bahay.
"Hay kapagod." I told myself sabay bagsak sa isang lumang sofa. Akala ko ay makakapag relax na ako ng mapansin ko na sobrang gulo at ang dumi ng bahay. Nakakalat ang ilang school supplies ni Mimi pati na rin ang sapatos nito. May ilang silya din na nakatumba, ang kakaunti naming dekorasyon katulad ng mga picture frame at kung ano ano pa ay nagkalat sa sahig, meron ding basag na plato at baso. Mistulang may nagrambulang aso at pusa dito sa loob ng bahay.
Naalala ko ng alas tres mga pala ang uwian nina Mimi ay ngayon ay 4:30 na kaya't sigurado ako na naandito na yun sa bahay at malamang ay may alam yun sa kung ano man ang nagyari.
"AMITY! ANONG NANGYARI DITO?!" Pasigaw na tawag ko sa kanya.
"Wala siya dito. Umalis." Nagulat ako nang sa halip na ang matinis na boses ni Mimi ang sumagot ay isang mahina at malaking boses. Halata mong lasing na lasing ay may ari ng boses na iyon sapagkat medyo nabubulol din siya sa pagsasalita.
"Dad! What happened? Asan si Mimi?" Nagaalala kong tanong. Nakalupasay sa sahig ang tatay ko at lasing na lasing.
"Shh, wag kang maingay" Bulol na sagot nito, nakapikit lang ang kanyang mga mata at pinipilit na abutin ang bibig ko upang takpan ito.
"Dad, please just answer me, what happened? At bakit lasing na lasing ka ng ganitong oras?" Kalmado kong tanong, kahit na naiinis na ako ay hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon na ito at magalit dahil alam ko na lalo lamang gugulo ang mga pangyayari. Isa pa, ayoko na ring magalit sa tatay ko dahil nakakapagod na din at nakakasawa na pagsabihan ito tungkol sa araw araw na paglalasing at paninigarilyo nito. Sa tingin ko rin naman ay kahit na magmistulang sirang plaka ako sa pagsaway dito ay hindi ako nito iintindihin. Pinabayaan na ng tuluyan ni dad ang kanyang sarili, palagi itong amoy alak at sigarilyo, mahaba na rin ang balbas nito at kahit ang paliligo ay nakakaligtaan na rin niya. Malayong malayo na ang itsura nito kaysa sa dati.
![](https://img.wattpad.com/cover/74205538-288-k80574.jpg)
BINABASA MO ANG
For Her
RomanceThe letters and words were not for her, but they're hers. The effort was not for her, but it's hers. She was fine that way, until everything felt like a lie, just like her very own name. Can this lie bring them the truth? Can this lie bring feeli...