Nandito ako ngayon sa park na malapit sa subdivision kung nasaan yung apartment na tinitirahan namin, it's not an exclusive subdivision kaya can afford naman ang renta and after all, subdivisions have their security guards kaya hindi na ako nag aalala na may mangyayaring masama sa akin ngayon gabi, so I went to the park to unwind.
Nakaupo ako ngayon sa isang bench dito, at ang mga luha na kanina ko pa pinipigalan ay tuluyan ng lumabas, hindi ko napigilan na humagulhol ng iyak dahil sa sobrang sakit, pagod, galit, inis at lungkot na aking nararamdaman. Hindi ko naman magawang tawagan si Andi dahil alam ko na nasa party ito ngayon at ayokong maspoil ang gabi nito dahil sa akin. Hindi ko alam kung gaano na katagal ako nakaupo at umiiyak dito at sa wakas ay tumigil na ang aking paghagulgol pero ang mga luha ko ay tila walang katapusan, bigla akong nakarinig ng boses mula sa likuran ko.
"What are you doing here? Gabi na at hindi ka rin nag reply sa email ko kanina. Siguro naman ay nagawa mo na ang trabaho mo?"
It's Jacob. Kahit saan talaga ay sinusundan ako ng kamalasan at problema, nandito ako para huminga pero tila pati ang bagay na yun ay ipinagkakait sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya dahil kung magsasalita ako ay malalaman nito na umiiyak ako. Tumango lang ako sa kanya ng maramdaman ko na nasa unahan ko siya. Nakatungo lang ang aking ulo dahil ayoko siyang harapin ng ganito ang itsura ko, baka isipin niya na mahina at iyakin ako.
"Hey, Maria. What's wrong? Look at me." sabi niya at hinawakan nito ang baba ko upang itingala ang ulo ko at humarap sa kanya. Nagulat siya nang makita na umiiyak ako.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pinunasan ang mga luha ko ngunit wala rin namang nagawa dahil hindi ito tumitigil sa pagtulo. "Mr. Jacinto, please. Just leave me alone." mahina kong sabi sa kanya.
"Hay for goodness sake Maria. How can I leave you here alone looking like that, isa pa gabing gabi na, mamaya ay kung ano pa ang mangyari sayo dito sa labas." Naiinis na sagot nito.
"I'm fine. Really." hindi ko pa rin ito tinitignan, hindi ito sumagot, maya maya at naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko at nagabot Ng panyo sa akin.
"No, I don't think you're fine. Use this, punasan mo yang mga luha mo, let's talk." kalmado niyang saad ,at narinig ko itong nagbuntong hininga.
Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang panyo sa kamay nito at pinunasan ang aking luha. Mang tumigil na ako sa pagiyak at naubos na rin siguro ang tubig sa aking mga mata, huminga ako ng malalim ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Nagdaan ang ilang minuto ng katahimikan ng biglang siyang nagsalita.
"You can keep that, hindi ko na rin naman gagamitin."
Tinignan ko siya at nakatingin ito sa kawalan, tila nag iisip. I keep the hadkerchief in my pocket then look at him again. Mas gumwapo siyang tignan, napaka kalmado lang ng itsura nito at tanging liwanag lang mula sa buwan at sa isang post lamp ang nagsisilbing ilaw namin, kahit na ganito ang nararamdaman ko ay hindi ko maiwasan na mapatitig at mapahanga sa kagwapuhan ng lalaking nasa tabi ko. Nagulat ako at napaiwas ng tingin nung bigla itong magsalita.
"Will staring at me for the whole night make you feel okay?" At sabay tingin sa akin.
"I'm sorry. B-bakit ka nandito?" Tanong ko. Hanggang ngayon ay nagiinit pa din ang muka ko dahil sa kahihiyan, kung maliwanag ngayon sa lugar na ito ay makikita niya ang pamumula ng muka ko.
"I visited a friend, dito siya nakatira. How about you, bakit ka naandito?" Nakatingin siya sa mata ko at parang pinagaaralan ito.
"Dito rin ako nakatira." Sagot ko, at iniiwas ang aking tingin. Ngayon ay nakatingin na lang ako sa buwan. Napakaganda nito.
BINABASA MO ANG
For Her
RomanceThe letters and words were not for her, but they're hers. The effort was not for her, but it's hers. She was fine that way, until everything felt like a lie, just like her very own name. Can this lie bring them the truth? Can this lie bring feeli...