Chapter Six

76 2 2
                                    

Kinabukasan ng Sabado, nagkayayaan silang magkakaibigang maglaro ng paborito nilang sport– tennis. Dahil lang naman sa cute guys.

They played doubles, wala kasi si Tenten kaya apat lang sila. May inaasikaso raw ito sa isa sa mga flower shops nito. Pero ang pinakadahilan ay ang pasang-awa nilang “kakayahan” sa naturang laro. Tsamba na nga kung maka-return sila ng tira magsi-singles match pa ba sila?

“Walang game count-game count, ha?” Sabi agad ni Maia.

“Takot ka lang malaman ng iba ang lamang namin sa inyo, eh.” Priss sneered.

Nginusuan lang sila nito. Maia is the most untalented in sports for all time. Ang dami nitong sports na itina-try pero ni isa sa mga iyon ay wala itong future.

“Don’t worry, Maia,” Konsola rito ng ka-partner nitong si Rai. “Palagi akong magiging kapartner mo kapag naglalaro tayo.”

Nag-drama agad si Maia. “True friend talaga kita, Rai, ‘love you talaga. Hindi tulad ng mga bruhilda d’yan sa tabi-tabi!” Pagpaparinig pa nito.

Nagkatinginan na lang sila ni Lumiere, bakit parang may mali?

They found out that something soon enough.

Nagawa niyang itira sa gilid ang bola na pinilit naman ni Maia na habulin. Sa dulo ng racket tumama ang bola at dahil sa ka-warshock-an nito, she unintentionally put in so much power in that shot. The ball sped its way straight to her face.

Panicked, all she could do was to close her eyes tightly. Narinig pa niya ang tilian ng mga kaibigan at ng iba pang nakapaligid, then…suddenly, the shouts ceased. Noon lang na-realize na dapat ay tinamaan na siya ng bola pero bakit wala naman siyang maramdamang masakit sa kanya.

She opened her eyes but a huge hand blocked her view. Mula sa pagitan ng mga daliri niyon, kitang-kita niya ang mabilis pa ring umiikot na bola na tila ba kakasalo pa lang.

“I never thought a beginner can kill with tennis.”

Mabilis niyang binalingan ang nagsalita, ang kanyang “tagapagligtas”, her knight in shining…white shirt, her sun in the sky, her moon in her darkest nights, her prince…rarely charming, her…Yuuri.

Muntikan pa niya itong nahalikan kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Sayang, she mused. Hindi ko na lang sana napigilan ang sarili ko!

“Priss, okey ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Maia na lumapit na sa net.

“Okey lang ako, na-shock lang ako kanina.” Aniya. “Grabe ka, Maia…malalagas ang hair ko sa iyo!”

“Sabi sa inyo, eh.” Singit ni Rai. “Masuwerte ang ka-partner ni Maia – ligtas sa pamatay na bola!”

“Akala ko pa naman, kaibigan kita!”

“Kaibigan mo nga ako pero pagdating sa mga ganitong bagay, mas mahal ko ang buhay ko.”

“Maia, partners na tayo mula ngayon sa doubles, ha?”

“Mga walanghiya kayo…”

Priss laughed ngunit natahimik siya nang magsalita si Yuuri na nasa tabi pa rin niya.

“Sa susunod, mag-ingat ka nga.” Sermon nito. “Paano kung hindi ako napadaan dito? Paano kung hindi ko inabutan ang bola? Bali na sana ang ilong mo ngayon.”

Imbes na magpakumbaba, kumunot ang noo niya. “Kailan ka pa nahilig manermon? Napapadalas na iyan, ah.”

Saglit itong natigilan. “I’m not…” Anito pagkakuwan, hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Gaea Boys 1: YuuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon