“Hello, Kisa. Saan ang abnormal mong amo, bakit pagala-gala ka lang ngayon, ha?” Aniyang lumuhod pa sa sementadong sidewalk ng village upang makarga ang kausap. “Tiyak masisiraan na naman iyon ng bait kapag napansin niyang nawawala ka na naman sa bahay n’yo.”
Kisa purred as she caressed its head. “Meow…”
Kisa is a Himalayan cat of Yuuri’s. Hindi pa man sila magkakilala ng binata, mahal na mahal na nito ang alaga. Sa pagkakaalam niya’y pinaalagaan muna ito ni Yuuri kay Jin bago lumipad paalis ng bansa.
Narinig niya ang papalapit na mga yabag ng kung sinong tumatakbo. When she looked up, she saw a marvelous sight.
Yuuri was catching his breath when he stopped in front of her. At dahil may tangkad itong limang talampakan at labing-isang pulgada, halos mabali ang leeg niya sa pagtingala rito. She didn’t mind though, the way he looked was prize enough. Without his cap on, he looked wonderfully homey.
He seemed to be spent. Pero nang makita nito si Kisa, relief flooded his face. Sa kabila ng tumatagaktak na pawis sa mukha nito, tila lalo lang itong gumandang lalake.
Yuuri in return just looked down on her. Hindi na niya ito inaasahan pang magsalita. He was the type who wouldn’t let anyone know how he truly feels, she already knew why anyway.
“Kisa’s fine, pero sa susunod baka hindi na, kaya mag-ingat ka na sa susunod.” Aniyang tumayo mula sa pagkakaluhod.
Nangunot ang noo nito. “Stop calling him “Kisa”, he’s Karu. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong lalake ang pusa ko?”
It’s her turn to frown at him. “Ano bang klaseng pangalan ang Karu? Mas bagay sa kanya ang Kisa, mukha naman siyang babae, eh. Wala nang makakahalata.”
“Meow.” The cat purred.
“Kita mo na? Pati si Kisa sumang-ayon.”
Ilang taon na rin silang ganoon, calling one cat two names.
Nagsabay sila sa paglalakad. Pabalik na ito sa bahay nito samantalang siya naman ay paunta sa isang restaurant na malapit lang sa bahay nito.
“Saan ba ang punta mo?” Linggo ngayon, hindi ba?” Anito.
“Pupunta ako sa Sylvan.” Tukoy niya sa restaurant. “Boring sa bahay, eh. Nagbabakasali lang akong may interesanteng mangyayari doon.”
Ang Sylvan ang paboritong lugar ng mga gusting magmuni-muni, magkulitan, mag-emote at magpalipas oras sa loob ng village. Malapit lang iyon sa Olympus Park na nasa kalagitnan ng village. Doon rin nagkakakilala ang mga home owners ng mas mabuti kaya naman dinarayo iyon.
Priss noticed three girls giggling their way towards them. It was apparent that they were aiming for Yuuri. Parang mga kiti-kiting nagtutulakan ito papunta sa binata.
Yuuri didn’t seem to be bothered though – as usual.
Nang tumapat ang tatlo sa kanila, nagsalita ang babaeng nasa gitna na tila nahihiya pa. “Hi, Yuuri. Napanood namin ‘yong laro mo sa Roland Garros. Kahit wala kami doon, todo pa rin kami sa pag-cheer para sa iyo. Congratulations, ha?”
Kilala niya ito, she’s Ashley. Taga-Gaea rin ito. Balita niya, lumipat lang ito roon upang sundan si Yuuri. Matagal na itong nagpapapansin sa binata, ito at ang mga “sisters” nito – sina Lacey at Marianne.
“Oo nga, Yuuri,” sang-ayon naman ni Marianne, “hindi nga kami magkamayaw sa pagtalon nang manalo ka. Hindi ba, sis?”
E, bakit hindi kayo tumatalon ngayon? Hindi pala kayo magkamayaw huh? Naiinis niyang bulong sa sarili. Ewan niya kung bakit bigla na lang siyang naiinis sa tatlo, noon naman ay balewala sa kanya ang lahat ng ginagawang pagpapapansin ng mga ito. ‘You’re all wiggling like fools.’
BINABASA MO ANG
Gaea Boys 1: Yuuri
RomansaI hate The Prince of Tennis! I hate it too much that I just have to make each character a story of their own! .< Ya-ha!