Final Chapter

117 5 8
                                    

Kinalampag ni Priss ang pinto ng bahay ni Yuuri minutes after. She wanted answers that instant.

Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang bugnuting mukha ng binata. He looked…mad. “Hindi mo ba alam ang gamit ng doorbell?”

Galit nga ito, noon lang siya nito pinagsupladuhan ng gan’un, eh. Pero galit din siya. “Wala akong pakialam sa doorbell mo. Ano’ng ginawa mo kay Tenten?!”

Imbes na sumagot, tinalikuran lang siya nito at humakbang papasok ng bahay.

She was left flabbergasted. Siraulo iyon, ah. Sinundan niya ito sa loob. “Ano ba? Kausapin mo nga ako, Yuuri!” Nang maabutan niya ito, pinilit niya itong harapin siya.

“What do you want?” He exasperatedly asked.

“What did you say to her?” Mas mahinahon na niyang tanong. “I told you not to hurt her, Yuuri. Pero ano’ng ginawa mo? Alam mo ba kung gaano kasakit mabigo?” Napailing siya. “Bakit ba ako nagtatanong? Hindi ka pa nga pala na-inlove buong buhay mo.”

Yuuri looked incredulous. “You know what? You really like to presume things, don’t you?”

Napatitig siya rito. What the hell was he talking about?

“I lied when I said I haven’t liked any girl in the past – there’s one girl I wanted and I want her still. I first saw her in Japan years back.”

It was a shock for her. Yuuri Leung had a special girl? Kailan pa? “B-bakit hindi mo s-sinabi?” Nanginginig ang mga labi niya, maging ang buo niyang katawan. Akala niya handa na siya roon, hindi pala.

“Dahil pinagtutulakan mo ako sa iba.” Kitang-kita niya ang pagtatagis ng bagang nito. “Sarado na ang utak mong kami dapat ni Tenten ang magkatuluyan. Ang tanging iniisip mo lang ay ang akala mong mararamdaman niya at hindi ang mararamdaman ko sa tuwing pinipilit mong magkalapit kami.”

Nag-ipon siya ng lakas ng loob. Just be strong and pretend you’re not hurting, Priss then you can cry all you want at home. Aniya sa sarili bago nagsalita. “Bakit kasi hindi ka nagsasalita? I thought you don’t have anyone in your life kaya mina-matchmake ko kayo!”

Dumilim ang mukha nito. “How can a man tell anyone that the woman he’d ever loved belongs to another man from the very start?”

That was another shock for her. Sino’ng siraulong babae ang tatanggi a isang Yuuri Leung? Definitely hindi siya. Her heart went out for him. “Sorry, Yuuri. I…didn’t know…”

“Of course you didn’t know.” Hindi pa rin maganda ang mood nito. “Dahil ang tanging alam mo lang ay iyong alam mong totoo. Alam kong inaalala mo lang ang mga taong nakapaligid sa iyo. Unfortunately, hindi lahat ng akala mo ay tama.”

Her shoulders slumped. “Oo na nga, eh. Nag-sorry na nga ako, ‘di ba? Kung gusto mo, kakalbuhin ko pa iyong babaeng nanakit sa iyo, eh. Sino ba iyon? Isa ba siyang Japanese? Pinay, ano? Sabihin mo, kakalbuhin ko talaga.” Walang karapatan ang babaeng iyong saktan si Yuuri, she loved him so much then a girl would just break his heart just like that?

Pinakatitigan siya nito na para bang pinag-iisipan kung ano ang gagawin sa kanya.

Nagtaka siya nang tinungo nito ang drawer malapit sa TV set nito at may kung anong kinuha mula roon. Bumalik ito sa harap niya at iniabot ang bagay na iyon sa kanya. “Ano ‘to?” Takang tanong niya. Nakalimutan niya bigla ang pananakit ng puso.

“Gunting.”

“Alam ko, pilosopo!”

“Eh, ba’t ka pa nagtatanong?”

Gaea Boys 1: YuuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon