Chapter Nine

88 2 1
                                    

Nakaupo si Priss sa tabi ng isang puno at nakaharap sa soccer field. Kasalukuyang naglalaro roon ang mga kapwa residente niya, kabilang si Yuuri. Ang totoo ay dito lang nakatuon ang atensyon niya at hindi sa laro.

Halos lahat yata ng residente ng Gaea ay nandoon sa Sports Garden para sa sportsfest na ginaganap tuwing Heavens’ Days.

Hinahati sa apat na blocks ang mga residente ayon sa lokasyon ng bahay ng mga ito. Bawat block ay pipili ng mga representatives para sa bawat event at bawal sumali ang mga beteranong players sa mga sports of specialization nila o ang sumali sa dalawang events.

She sighed as he scored. Yuuri was just good in everything he does. Kailan kaya siya titigil sa paghanga rito? But the real question was, will she ever stop loving him?

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin pagkatapos ng mga nangyari noong nagdaang gabi. After saying those words, he gave her a brief kiss before leaving her dumbfounded.

He gave her her first and second kiss, told her not to push him away and then left.

Okay na sana, e. She thought he liked her, too. But he ruined her hope shortly after. Tumawag ito sa cellphone niya at sinabing:

“Sorry about what hapended earlier. It’s just that…I saw Reideen coming our way and I couldn’t help but send him away…I don’t want him hanging around you anymore, I don’t want him to hurt you again.”

Hindi niya ugaling magmura pero nang mga sandaling iyon ay ngati-ngati na siyang paulanan ito ng lahat ng maaanghang na salitang alam niya.

Ayaw raw siyang masaktan ni Reid, eh ito mismo ang pumapatay sa kanya! Unahan kaya niya ito?

“There you are, “ani Maia. May dala na naman itong notebook.

“Tapos na ang game n’yo?” Tanong niya nang maupo ito sa tabi niya. Sumali kasi ito sa basketball habang siya ay sa tennis.

“Hindi pa.”

“Eh, ba’t ka nandito?”

“Na-injured daw kasi ako.”

“Ha? Saan?”

“Ang sabi ko “daw”, sila-sila lang ang nagpasyang injured ako.” Himutok nito, distorting her face in every word. “Nadapa lang ako sa isang fastbreak, hinatulan na akong injured? Halata namang gustung-gusto lang nila akong paalisin sa game!”

Sinubukan niyang huwag tumawa pero naging mahirap iyon para sa kanya.

“Pagtawanan ba ako?”

Tumikhim siya. “”Ikaw naman kasi, sa dinami-rami ng laro, basketball pa ang pinili mo. Alam mo namang hindi ka magaling sa takbuhan”

“Alam mo namang first love ko ang basketball, eh. Change topic na nga lang, bakit wala ka sa sarili mo kanina? Ni hindi ka man lang nagsumikap manalo kanina sa laban ninyo ni Nina.”

“E-ewan ko nga rin.” Pagsisinungaling niya. “Kumusta nga pala ang mga pangyayari doon?” Tukoy niya sa iba pang events.

“Sa swimming, Orphie swept the gold medal, pinaglalaruan lang ni Andrei ang kalaban niya sa pingpong, tinakot ni Heero ang mga kalaro niya sa badminton, Gwendal’s calculations didn’t miss a single percent in baseball, patuloy pa rin si Jin sa pagkain ng ramen kahit tumba na ang lahat ng kalaban niya, Fallon is currently the hottest basketball sensation, Drake took the trophy in tennis already, walang katapusan ang tie-break nina Ludwig at Wolf sa horseback-riding, at…Naoji’s enjoying his thrill in volleyball. Hindi pa tapos ang sa women’s division pati na ang sa mga bata.”

Natawa siya. “Okay, ah. Talo mo pa ang reporter, nakakapanibago. Wala ka yata sa mundo mo.”

Toozen, siyempre.” There she went again with her Japanese lines. She even looked Japanese though she wasn’t. Just a wanna-be. Ang nagagawa nga naman ng animé. “Hey, look!” itinuro nito ang field. “Naipasok ni Ken ang bolang mula kay Yuuri, panalo na sila!”

Gaea Boys 1: YuuriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon