●●●
"Harujuskopooooo, Ano nang gagawin ko?!"
Nandito kami ngayon ni Panda sa tambayan naming cottage sa campus, dahil naisipan ko nang simulan yung STORY ko. Wala na sila Dadeth kasi may mga klase na, eh dahil itong si bakla lang ang ka-blockmate ko sa aming badkada, ayun, no choice ako kundi sa kanya magpatulong -____-
Sabi ko diba, LOVE STORY ang genre na naisipan kong gawin? Akala ko kasi yun yung pinaka-madali! Pero Pucha! I repeat. Pucha talaga! Wala akong maisip na isulattttt! Huhuhu!
Tuwing may maiisip naman ako, biglang naaalala ko yung moments namin ni NO NAMER. ANON. HE WHO MUST NOT BE NAMED. Aka, IRVIN. :(
(A/N: Tanga, sinabi din -_- )
Huhuhu, eto namang si Bakla, walang kwenta! Di ako pinapansin, masyadong focused sa pagsulat nung Story nya! Sabi ko nga, igawa nya na lang ako, eh ayaw naman. Kay Damot! Hmph!
"Arrrggghhh! Pisti, pisti, pistiiii!"
Napasabunot nako sa inis ko. Gusto ko na kasi matapos to eh!
"What the hell, Jansport Eydee D. Sayco! Ginugulo mo akooooo! Imbyerna kaaa!"
"EH, tulungan mo kasi akoooo, Pandaaa! PLEASEEEEEE!!"
"Che! Busy akoo! Manahimik ka na lang, Pleaseeeeeeee!"
"Ang damot mo! Ang damot damot mooooo!"
*poink*
"Aray, Paul Andrews! Bat mo ko binatukan haaa?!"
"Ang ingay mo kasiii! Kaasaarrr naman sisterrrrr! G.r.r. na, ah!"
Tapos bumalik na sa pagsusulat si Panda, at ako naman, balik pag-kakamot ng ulo.
Nangangamote na ako! Ibagsak ko na lang kaya tong story story chu chu ni Ma'am Abueva?
Nagdu-doodle na lang ako sa yellowpad ko, nang bigla na lang napahampas si Panda sa table,
"AHH, I KNOW NAAAAAA!"
"Aray, pestii, sakit mo sa tenga, bakla! Problema mo?!" Asar kong tanong,
Hinarap naman ako ni Panda tapos niyugyog habang naka-ngiti.
"Gaga kaaa! Gamitin mo yung sinulat mong short story nung High School tayo! Yung sinulat mo sa notebook mo! Yung nagfi-feeling author ka! Remember that Story?!" Nakangiting tanong sa akin ni bakla.
Pero teka...
Oo nga noh!
May story na akong nasulat dati nung highschool, libangan ko kasi yun dati pag boring yung History hahaha.
"Ay, oo! Yung Not So Cliche, bakla?!"
"Oo, tumpak mo, Sayco!"
Waaaah! Onga no! Bakit di ko naisip agad yun?!
Napayakap naman ako kay Panda.
"Waaaah! You are so smart, panda! Waaah! Thank you!"
"I know right?! O sya... wag ka nang maingay ples ha?! Magsusulat na ulit ako!"
Waaah! Nasaain pa ba yung notebook na yun?
Ah, oo!
Yessss!
Ay...
Kaso...
Yung.. yung nameng characters dun, name namin ni... I-Irvin. :(
P-Paano kaya gagawin ko?!
Ah, bahala na! Hahanap na lang ako sa Facebook! Para astigin yung name! Hihihi, I'm so smarttt!
●●●
Eto ako ngayon, nagse-search sa FB ng mga gwapooo! Hihihi *_*
Oy di ako stalker o kung ano, ah?!
Remember, sabi ko, ahanap ako ng astiging name? Naisip ko, hahanap na din ako ng gwapo with matching astigin name, para siya na talaga maging character ko. I mean, ibabase ko sa itsura niya na mismo yung description ko sa leading man ko sa story.
Dati kasi, base talaga kay... kay,.. ano... Irvin (v_v) yung description. So, DAPAT PALITAN. BOW.
Ay, searching... searching...
Eto kaya, taga ADMU! Tae, ang hawwwt! Witwew!
Ay teka, ano name....
O_O
"Potiparo Kalog?!?" Hahahahahaha! Next...
Ay ito, ang cute niyaaaa!
Taga...UST! "Clark Deniro Park" Ang gwapo pa ng name! Complete package! Pede na siguro to! Tignan natin Photos!
Ay, potek naman oh! He. Is. Gay.
Waaaaah! Sayang si koyaaaa!
Next!
Hmmm... taga UP!
Uy,hottiiieee!
Name?
John Kevin Uy Santos!
Yesss! For sure di to baklaaa!gwapooooo!
Ay kaso... in a relationship with Jersey Benitez Santiago.
Hala,gondo ng jowa niya! AT MUKHANG nakakatakot! Mukhang devil woman! Ay, wag na yan, hihihi.
Mas prefer ko ang single! Para ma-imagine ko talaga na LEADING MAN ko siyaaa! ♡
Hmmm. NEXT.
O-H-M-Y-GOOOODDDDD!
Ang gwapoooooo! At...ang hot ng nameee! Pang mayaman! Taga Skylit University! Ka-Level ng ADMU at DLSU yun!
Omg! Di mukhang bakla!
At.....
SINGLE! ♡♡♡
GOTCHA! Ikaw na talaga! Ikaw na ang LEADING MAN ko!
.
.
.
Vans Aznar Arum Ticzon.
***
A/N: Yung Cameo ng KEVJE, fan kasi talaga ako ng TDG. HIHIHI. ♡
At yung school ni AZNAR. Fiction lang po yun. Wala pong ganung school.
Ung mga ibang lalaki na nasa FB, fiction din po LAHAT. Kung may kapangalan man, coincidence lang po yun, ah? Hahaha ♡
VOTE & COMMENT. FOLLOW NA DIN :D
Sorry for a short UD.
EYNAR IS HART HART!
BINABASA MO ANG
Her Leading Man
RomanceWhen Fantasy Turns into a Reality. Isa lang yon. That means EYNAR :) ~Konek? Haha