HLM TWO.ONE

209 6 0
                                    

●●●

"Anak, kanina ka pa nakatulala jan sa tv, ah. May problema ka ba sa school?" tanong sa akin ng ever concerned kong nanay.

Ganyan talaga yan sa akin, sobrang matanong at maalaga. Naniniwala kasi siyang mai-aahon ko sa hirap ang pamilya namin.

"Wala to Ma. Ahh... si Toby nga po pala? nakauwi na po ba?"

"Ay, eh wala pa yung kapatid mong yun. Nahirapan na naman ata tumakas doon sa school nila, hahaha!"

Loka talaga tong si Mama! Hirap na nga yung kapatid ko makatakas dun sa mga babaeng naghahabol sa kanya, pinagtatawanan pa ni mama!

Maya maya, napatulala ulit ako sa TV. Haaay. Napapabuntong-hininga na lang ako eh.

Naalala ko naman kasi yung nangyari kanina sa school! Huhuhu!

*Flashback*

Patago akong lumabas ng room after nung last class ko which is NatSci. Ay by the way, freshman nga pala ako sa San Pedrino University. Alam nyo na naman course ko diba? hihihi.

Eh ayun nga, akala ko makakalusot na ako sa barkada ko nang...

"ARAY!"

Npatingin ako sa humila ng buhok ko at nakita ko ang dalawang babaeng nanlilisik ang mata at nakahawak sa buhok ko!

"HULI KA!"

Waaaah!

Pinaghahampas ako ni Dadeth habang si Jam naman ay nakahawak sa buhok ko!

"Araay! Ah! ah! awts! awts!"

"Tae ka talaga, Jansport! alam mo bang kami yung pinagalitan nung librarian, ha?!"

Eto na kinatatakutan ko! bruha mode na naman tong dalawa kong bestfriend! Waaaaah!

"Tangna kang Saycotic kaaa! tapos kami pa pinagbayad mo ng fine mooo!"

Huhuhu! Talagang ayaw nila akong tigilan hampasin!

Somebody, help meeee!

Ay, tekaaa! Asan na si Panda at si Nysse! Kung kelan naman kailangan, oh! Where are you my saviors?! Huhuhu! Ah-awwtsss! Napahawak ako sa ulo ko!

"Dadeth! Jam! Ta-tama na! huhu!"

"Hay nako! kung di ka lang namin mahal eh! Jam, bitawan mo na nga!" Yiie, iloveyou na Dadeth! hahaha!

Agad naman ako binitawan ni Jam at ngumisi lang silang dalawa sa akin habang ako eh nakahawak pa din sa napakasakit kong ulo! Tae, feeling ko nakalbo ako! haha!

"Hoy, Sayco! umayos ka na nga! para kang bata! College ka na, paalala lang!" Sabi ni Dadeth ng nakapamewang pa!

"OO na po nanay Dadeth, oh baka si Nanay Jam, may sasabihin din?" Sarcastic kong tanong sa kanila pero imbis na siringan nila ako, nanlaki lang ang mga mata nila at biglang namula. Para silang mga tanga na nakatulala!

Unti-unting tinaas ni Jam ang kamay niya at para bang may tinuturo siya sa bandang likuran ko.

Dahil nacurious ako eh tinignan ko na yung likod ko.

"Problema mo Jami---The Fck!"

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa nakita ko. Unti-unting lumabo ang mata ko dahil naguunahan nang lumabas ang mga luha ko sa Mata. Paksyettt. Ang sakit sakit!

F-first boyfriend ko yang si CP, eh!

Tangna, parang kahapon lang ang sweet sweet niya sa akin, ah!

Kahapon... kahapon, ako yung hinahalikan ng mga labing yan eh!! Syeeeet!

Tangna ka, Irvin! Di na kita CP! (Cutie Pie lol)

Her Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon