After Three Years
"Don't be such a coward, Dadeth! It's just a contest about Auditing Problems. HELLO?! You nailed that subject!"
"Oo nga naman, Sis! You got 1.5 last year, diba? Favorite ka pa nga ni Sir Amiel!"
Andito kami ngayon sa cafeteria, at habang kumakain kami ng lunch, na-open ni Dadeth ang topic na isa siya sa representative ng SPU para makipag-compete with other schools sa isang Audit Contest, at ang siste, ayaw pumayag ng loka.
"I believe you can do better". Yan ang hirit niya sa akin.
Eh aba! Kaya tulong-tulong kaming barkada na pilitin na sya! Kesa sa akin mapasa ang contest, I mean, No. Kakauwi ko pa lang dito sa Philippines, Contest agad?!
"Ateng! Don't go Pa-Queenbee on us, ah! The Dean himself asked for you! Tapos idedeny mo at itong Fresh from Amuricuhh ang ipapalit?! NO WAY!"
Agad kong binatukan si Panda. Langya nito, iniinsulto ata ako? Haha!
"Hoy, Paul Andrews--Oh, how I miss calling you that! Bakit parang nainsulto ako ha?! Di kita inaano jan ah!"
Napatawa na lang sina Nysse at Jam at parang nakahinga ng maluwag si Dadeth nang sa amin na ni Panda ma-sentro ang usapan.
"Ay, No Ateng, ah! No Insults Implied! Talagang... Err, diba? Bobo ka naman talaga dati sa Accounting subjects natin?"
Pang-asar akong tinignan ni Panda and I swear I saw how he threw meaningful glances at Dadeth.
What was that?!
"Hoy, Aba! That was Before! Three years had passed. I'm not the old Saycotic Jansport, noh! Mind you!" Pagtatanggol ko sa ego ko, with matching taas taas kilay.
"Eh, well... I know you also got 1.5 but, Online student ka for 3 years, Ateng. That's not that effective of a proof." At talagang ayaw tumigil ng baklaaa!
Narinig ko din ang mahinang tawa nila Nysse sa tabi ko pero di ko na pinansin! Aba't maaapakan pa ata ang pride ko nitong bakla kong kaibigan!
"How dare you say thaaat! You're my friend but you're insulting meee!" Pa-awa ko na lang na banat kay Panda.
I want to end this topic naaa!
Supposedly, dapat si Dadeth ang ginigisa namin, dibaaa?!
Napansin ko ang biglang pag-angat ng kilay ni Panda.
"You can always prove me wrong, dear Eydee!"
That's it!
"OK FINE, I'LL PROVE YOU WRONG!" Tumingin agad ako kay Dadeth. "LET'S TALK TO THE DEAN. NOW NA!"
At padabog na lumayas sa table namin. At nang mahimasmasan na ako nung nasa tapat na ako ni Dean, everything dawned in me.
I've been Provoked! Arghh!
*****
"Well, Miss Sayco. I'm surprised you volunteered! Di na din masama since you aced your accounting subjects kahit sa online University ka lang ng SPU! Aasahan kong you'll prepare your 300% para sa contest. You have 3 more days to review! I expect you to win! Okay? Goodluck!"
Those are the Dean's exact words, at grabe. Dyahe!
Pagka-labas ko ng office niya, naabutan ko pa tong apat na tao who connived against me na may mga ngiting tagumpay.
"Nice one guys. Nice one!" Nanlulumo kong sabi! Sarcasm to be noted!
Inter-collegate Contest yun eh! At isa pa, kailangan ko tuloy mag-aral pa, instead of just enjoying my first months of getting back here! Ay badtrip!
I threw deadly looks at Panda! Alam ko naman na sya may pakana nito! Argh!
"H-Hi, Ateng! Oh ano? Okay na daw ba?" Kinakabahang tanong ni Panda.
Sila Dadeth, pa-inosente bigla sa likod niya.
"Don't talk to me, Btch. Argh. May araw ka sakin!"
Namutla naman bigla si Panda.
Tama lang yan, dahil malilintikan talaga sya sakin!
"Err. Welcome back? HAHAHAHA!" Pang-asar na sabi ni Panda, at di ko na napigilan, niresbakan ko na!
***
Haaay. Maraming nagbago sa three years na nawala ako.
Remember, after ko makauwi from that Perverted guy's house? After a week, na-stroke ang Lola kong nasa USA. Mom ni Papa.
Pinadala ako doon dahil walang ibang magbabantay ng hands on talaga. Di ko din akalain na magtatagal ako don. Ang bilis ng mga pangyayari eh.
Pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa USA through SPU's online university tapos I'm also guided by their sister university sa America.
3 months ago, Lola died. At ayun, After a month, umuwi na ako sa Pilipinas, tapos heto. Two months na ulit ako dito.
I must say na I've changed a lot. I don't know if you noticed. Pero, nakakatuwa na pag sila Dadeth, Jam, Panda at Nysse ang kasama ko, Parang bata pa din ako kumilos! Haha!
Anyways, Sa loob ng three days, nagpaka-Martir ako sa pagrerecall ng Auditing theories and problems. Bukas na kasi yung laban. At kahit na-provoke lang ako ng scheme ni Panda, I still intend to win this contest! Walang makaka-distract sakin!
*****
"Uhm, Excuse me. I'm from San Pedrino University." Sabi ko sa registration officers sabay pakita ng ID ko.
Hay grabe. Tinanghali ako ng gising! Nagbasa-basa pa kasi ako kagabi! Buti di pa ako late!
"Paki-fill up na lang po nitong form." Binigyan ako ni Ate ng form and motioned me to the table just beside her para doon ako mag sulat.
Ay grabe. Ang dami namang details na ifi-fill up! Pati Height and weight?! Slambook lang?! Kakalok--
"Excuse me. I'm the representative of Skylit University."
I heard a very familiar voice.
A very cold, manly, yet sweet and soothing voice at kasunod non ay ang hagikhikan ng mga babae sa paligid ko.
Nakayuko ako pero nakikita ko ang astigin niyang Vans shoes at... Naaamoy ko siya!
Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa bawat kilos niya ako napa-concentrate. But still, I didn't look up to him. Baka akalain niya pang may gusto ako sa kanya. Hahayy.
But... seriously. Who is this demi-god man?
"Wow."
Nanigas ako nang magsalita sya ulit. I then noticed na nasa tapat ko na sya. Still, I can't muster enough courage para tignan tong si Kuya.
"After three years. Fck. I saw you again."
HUH?! SINO BA KINAKAUSAP NITO? Wala namang tao sa likod ko?!
"Hey, stupid girl! Why the hell won't you look at me?!"
O_O Why does this feel like a Deja vu?
Unti-unti ko nang inangat ang ulo ko at... Tuluyan akong namutla ng makilala ko kung sino ang nasa harap ko.
TEKA?! S-SYA BA YUNG GINAWA KONG LEADING MAN KOOO?!
Despite the dumbstrucked face of mine, the gorgeous guy in front of me still manages to give me a grin.
"Nice to meet you again. Eydee."
WH-WHATTHEHELL?!
WHY DOES HE KNOW M-MY NAME?!
??
H-HEY WAIT??!
"K-Koyang Manyakero?!"
*****
Epal na Author: How's my Update? Okay lang ba? Huhuhu!
Spread the Eynar Love guys!
BINABASA MO ANG
Her Leading Man
RomanceWhen Fantasy Turns into a Reality. Isa lang yon. That means EYNAR :) ~Konek? Haha