Rhian's point ov view
Nandito na ako sa gate ng school. But theres something unusual.. Lahat sila nakatingin sa akin! Hay nako, dati hindi naman ganito ee, dedma lang ang binibigay nila sakin dahil nga NERD ako. tsss. bahala na! dedmahin ko na lang sila.
Papunta na sana ako sa classroom nang harangin ako ng 3 mukhang clown na mga babae. Ang kakapal kasi ng mga makeup.. ano toh? kids party?
"Ano ang relasyon mo kay Zero-kun?" ayun nagsalita na si clown # 1. Nagulat naman ako sa tanong niya.. so tungkol pala to kay Zero kaya pinagtitinginan nila ako kanina.
"bingi ka ba? sabi ko ano ang relasyon mo sa kanya!" ayan.. gumagawa na siya ng eksena.. ang dami na tuloy taong nanonood >.<. para kaming sinehan ee.. kulang na lang bigyan mo na sila ng popcorn -.-
"Narinig ko ang sabi mo, at ang sagot ko wala" sabi ko at akmang umalis na.. nakakahiya kasi pinag gagagawa nila dinamay pa ako -_-
pero hinila naman ako ni clown # 2 para hindi makaalis. ang sakit ahh! kung makahila siya.
"Hoy! hindi pa tayo tapos!" tsss.. nagpapasikat ba siya para sumigaw nang ganyan kalakas? lalo tuloy dumami ang taong nanonood. Bwiset!
"Narinig niyo naman siguro ang sagot ko kanina na wala akong relasyon kay Zero" sinabi kong pataray at marahas na hinila ulit ang kamay ko na mahigpit na hawak nito.
"Anong wala ka diyan?! karga karga ka niya kahapon! may nakakita sayo nalumabas sa clinic pagkatapos ka ipasok ni Zero" haayyy.. kinabahan ako ng saglit don.. akala ko nalaman na ang sikreto ko. Well.. since they havent found out my secret yet.. its time for payback
"porket karga karga niya may relasyon na agad? hindi ba pwedeng tinulungan niya lang ako? common sense lang poh.. and no offense but I think sa pinapakita mong kilos ngayon.. halata na na walang laman ang kukote mo." wooohh! lumalaban si nerd!
napatawa naman ang mga taong nanonood samin.. nabighani rin sa napapanood nila.. ginawa talaga kaming sinehan ee noh.. -_-
"Lumalaban ka pa talaga ah! hoy babae! nerd ka lang! wala kang karapatan lumaban sa mga katulad namin!" sigaw nito.. sa totoo lang nabibingi na talaga ako.. kung makasigaw kasi wagas!
"Te.. nandito lang ako sa harap mo oh.. hindi naman kailangan sumigaw kasi hindi naman ako bingi.. and FYI alam ko nerd ako at kung alam niyo rin, bakit ganyan kayo kung magselos? pagmamay ari niyo ba si Zero? at dont worry hindi ko siya gusto katulad niyo.. actually hindi lang gusto ang sainyo ee.. obsessed na.. may other term dun ee, tawag baliw. BALIW na nga, CLOWN pa!" inemphasized ko yung words na yun at natawa naman ang mga nanonood.. actually parang clown rin ako ee XD
Nakita ko rin sa mukha nila ang galit dahil nga pinahiya ko sila.. tangka niyang sampalin ako pero pinigilan niya siya.. halatabg gulat na gulat ang mga audience at pati na rin ako. Bakit sa rami ng tao siya pa?
"What the hell are you doing?" tanong niya..
sino pa ba edi si ZERO NAKAHIRO lang naman
"ahhh.. Zero-kun.. yan kasing nerd na yan bigla nalang nanampal kaya balak ko nalang gumanti" tsss.. sinungaling..
Tumingin si Zero sakin at nilipat rin iyon sa clown na panget.. tiningnan niya ito ng masama at dahilan na rin sa pagkaramdam ng takot nung mga clown..
"Sorry po.. hindi po totoo ang mga sinabi ko" nakayukong sabi nung nagsinungaling na clown.. Tsss.. Hindi ka rin pala papalag sa harapan ni Zero ee
"I know. Supposedly natauhan na dapat kayo dahil sa napahiya kayo sa harap ng maraming tao pero nagawa niyo pang magsinungaling.. MGA BULOK KAYONG BABAE!" galit na sinabi ni Zero.
Hinila niya ako paalis pero bago kami tuluyang umalis ng tunay, nagsabi siya ng huling palatandaan sa kanila..
"Tandaan niyo na walang nagmamay ari sa akin.. at kung pipili ako kung siya ba o kayo.. mas pipiliin ko na tong nerd na sinasabi niyo" at yun tuluyan na nga siyang umalis habang hila hila ako..
Masaya rin ako dahil nakaranas rin sila ng matinding lesson pero medyo mau naramdaman na konting awa.. haay ewan! ang gulo ko noh? tsss bahala na nga!
Teka! saan nga pala ako dadalhin ng moking toh?! papunta tong parking lot ah! waiitt.. may klase pa ako!!
"Hoy lalake! saan mo kong balak dalhin? bitawan mo ko! may klase pa akong papasukan!" sigaw ko. nahawa na rin ata ako sa clown na yun -_-
"basta! manahimik ka na lang diyan" sagot niya.
Baliw ba toh? ang sarap batukin ang kukote para tumino.. sino ba naman mananahimik nalang habang hinihila ng ayaw nilang lalaki? diba monggoloid lang?
"Baliw ka ba?! sa tingin mo mananahimik na lang ako habang kinakaladkad mo ko dahil sa sobrang kakahila? saan nga ba kasi tayo pupunta ha?" reklamo ko
matagal ito bago makasagot kaya mas lalo akong naging curious sa magiging sagot..
"sa condo ko" at sa wakas sinagot na niya rin! wait.. whaat?
loading..
processing..
100% complete.
"Whaaaaaatttt???!!!!!!!"
to be continued..
""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""
Sorry late update.. and pagpasenshahan niyo na rin ang mga mispellings at wrong grammar.
hope you enjoyed it ^.^
Brought to you by: DjTJane =)
![](https://img.wattpad.com/cover/8516689-288-k900373.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Identity: The Nerd is the Celebrity
Novela JuvenilPaano kung ang pinakatatago mong sikreto sa lahat ng tao ay malalaman lang nang ganun ganun lang? Ang masaklap pa dito ay ang taong nakaalam ay isang napakasikat na celebrity. Matutupad pa ba ang hiling niyang peace and quiet na buhay? o mangyayari...