Chapter 4
Nandito ako ngayon sa condo ni Zero. Naiinis ako ngayon sa pagmumukha niya na gwapo este-- bakulaw pala. -_-
Paano ba naman ee inuto ba naman ako ng mokong! and the worst part is.. NAUTO niya nga ako >.< Bigla rin namang bumilis ang pagtibok ng lecheng puso na to sa mga nangyari! Haayy! ewan ko ba kung anong nangyari sa heart ko.. kailangan ko na atang ipacheck up.
Basta! ngayon nakakaramdam ako ng todong inis at weird na feeling na hindi ko maexplain. Haaay! Bahala na si Batman.. magtime machine na lang tayo!
[FLASHBACK]
"Hoy! Zero, ibaba mo nga ko dito! Bakit naman kasi tayo pupunta sa condo mo ha?!" andito kasi kami sa loob ng kotse niya at papunta sa condo niya.. syempre for a girl like me.. naiilang na talaga ako >.< Hindi ko alam ang gagawin ko kasi Ive never been in a man's house before! Well nakapunta nako pero not in situations like this! condo niya yun ee! syempre mag isa siyang nakatira! >.<
"No way, hindi kita ibaba.. tsaka may NAPAKAimportante tayong gagawin sa condo ko" am I imagining things o talagang inemphasized niya yung word na yun? aiishhh.. yan nanaman ang mga dirty thoughts na pumapasok sa utak ko >.< Green minded rin kasi ako ee! shhh lang ahh?
"Ee bakit pa kasi sa condo mo? pwede naman kasi sa mall or sa starbucks nalang kung saan maraming tao!"
DjTJane's point of view..
Napatingin naman si Zero kay Ran at napapansing iba ang kinikilos nito. Binalik na lang nito ang tingin sa daan at napangisi habang nagmamaneho.
"Kaya nga gusto ko sa condo ko na lang kasi ayoko sa lugar na maraming tao dahil hindi ko magagawa IYON. Gusto ko kasi tayong MAG ISA lang para magawa IYON."
Ngumisi naman uli nang nakakaloko si Zero at dahilan na rin sa paglunok ni Ran sa kanyang laway. Hindi na rin umimik si Ran at kitang kita sa mukha nito ang kaba. Habang si Zero naman ay palihim na nagsasaya at pinipigilan ang pagtawa.
"Pffftt!" nawala nang konti ang dead air at napatingin si Ran kay Zero na pinipilit nito ang tawa
"Pfftt--BWAHAHAHAHAHAHA! You should have seen your face AHAHAHA kala mo may gagawin tayong kababalaghan sa condo? AHAHAHA!!! Si Dark Ran pala na mataray sa showbiz may tinatagong ibang side? AHAHAHA!!!"
Naramdaman naman ni Ran ang pag init ng mukha niya dahil sa kahiyaan..
Hoy! aba ang mokong toh!! Babae parin ako noh? syempre normal lang para samin na maconscious!" defensa nito kay Zero
"Babae ka pala? kailan pa?" pang asar nito sa dalaga dahilan narin sa paghampas ni Ran sa braso ni Zero..
"Ahahaha!! Joke lang.. eto naman parang hindi mabiro"
"hmmmp!" pagtampo ni Ran sabay cross arms effect pa..
Natawa naman si Zero sa reaksyon ng dalaga at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho ilang sandali din at wala nang nag imikan sa kanila. At sa wakas nakarating na rin sila sa malaking building kung saan nandoon ang condo ni Zero..
Lumabas na rin si Zero sa kotse habang si Ran ay nasa loob parin.. Inaasahan ng dalaga na pagbuksan ito ng kotse ngunit kinatok lamang ni Zero ang bintana sign na pinapalabas ito sa kotse..
Napapout na lamang ang dalaga at napangiti na naman si Zero sa reaksyon nito. 'Kahit kailan talaga hindi niya magawang mabigo ako sa pagpapatuwa niya sakin' sabi ni Zero sa isip nito.
"Tara na" aya niya sa dalaga at bumababa na rin ito. Binilisan nila ang pagpasok nila sa condo at baka mahuli sila ng mga tao. Hindi na pinark ni Zero ang sasakyan sa parking lot dahil aalis rin naman sila mamayang konti kaya pinark na lang niya ito sa tapat ng building. Pumasok na sila sa elevator nang wala ng taong nasa loob at agad ding pinindot ang 17th floor kung saan ang unit nito.. Walang nag iimikang silang naghihintay na makadating na ang elevator doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/8516689-288-k900373.jpg)
BINABASA MO ANG
Secret Identity: The Nerd is the Celebrity
Teen FictionPaano kung ang pinakatatago mong sikreto sa lahat ng tao ay malalaman lang nang ganun ganun lang? Ang masaklap pa dito ay ang taong nakaalam ay isang napakasikat na celebrity. Matutupad pa ba ang hiling niyang peace and quiet na buhay? o mangyayari...