Ran's POV
Nandito ako natutulog sa school dahil hinihintay si Zero.
Napuyat ako sa kakaisip kagabi kung anong gagawin at napagdesisyunan ko na humingi muna nang patawad kay Zero.
Pero nagsimula na ang klase nang wala akong Zero na nakikita.
At may mga paparazzi naman na nakabantay sa gate ng school inaabangan si Zero for interviews.
I feel kinda bad that because of me, he is experiencing all this.
Natapos ang buong klase nang hindi ako nakikinig. Its now lunch break kaya pumunta ako sa likod nang school para puntahan ang tambayan nila.
And I totally forgot that ang dilim pa pala ang dadaanan ko bago ako makakapunta doon.
I took a deep breath para sugudin ang dilim but may humila sa akin paharap para magkayakap kaming dalawa.
Naamoy ko ang matapang na amoy nito kaya nalaman ko na si Zero na agad iyon dahil iyon lagi ang pabangong gamit niya which totally fit his aspects.
"If you want to see me, you dont have to go there. I dont want to see you in that kind of situation again." Sabi ni Zero.
Napahigpit ang yakap niya sakin kaya niyakap ko na lang rin siya.
"Okay. And sorry that I caused you problems." Sabi ko
"No, Im the one whos suppose to apologize. If I havent let you go by yourself back then.. Yo-"
"Its okay." Sabay kumalas sa yakap niya. Baka kasi maramdaman niya yung tunog ng heart ko ee. Delikado na.
"So? What are you going to do with the news about us? And it seems na pinagkamalan nga kayo ni stalker mo na may relasyon kayo. Ayan tuloy, mukha akong mang aagaw." Sabi ko
"Leave it to me" sabi niya with a handsome smile.
Sheet.. Kinikilig ako >\\\<
Hinila niya ako papunta sa kotse niya at pinasakay. Pinatanggal niya rin yung nerd disguise ko which is sa una tumanggi ako pero sa huli napapayag niya na rin ako.
Pumasok kami sa parking lot ng SM at nagpark.
Pumasok na rin kami sa mismong mall and as expected, all of them are looking at us.
Kinuha ni Zero ang kaliwang kamay ko at nilagay sa may bewang niya habang ang kanang kamay naman niya ay naka akbay sa balikat ko.
As you can imagine, we look like couples now. Not just any ordinary couples but a celebrity couples.
All eyes on us, pero wala kaming pakialam.
First pumunta kami sa department store at bumili nang kung ano ano. Yung mga saleslady naman ay ginawa na lahat nang panlalading ginawa para mapansin ni Zero. Pero dahil nga ito ay si Zero, binalewala lang niya. Medyo natawa naman ako sa mga reaction nung mga saleslady.
Pagkatapos namin sa department store ay dumiretso kami sa skating rink para magskating. Dahil sa hindi ako marunong, inalalayan ako ni Zero. Medyo natuto na nga rin ako ee. Hindi ko akalaing ang saya pala.
Dahil sa nagugutom na kaming dalawa, kumain kami sa mcdo. Medyo crowded pero pinagtiyagaan namin kasi minsan lang naman kami kumain sa mga ganito dahil mostly restaurants.
Dahil nga kilala kami, tinginan sila samin sabay may tumuturo pa. Todo kain lang naman kami at walang pakialam. Gutom na ee.
Pagkatapos ay napagdesisyunan na namin na umalis kaya dumiretso na kami sa parking lot at sumakay na sa kotse niya.
Medyo napagod rin kami kaya tahimik lang kami buong byahe. Nakikinig na lang ako sa tugtog ng radio at minsan nakikisabay sa kanta.
Hanggang sa napansin ko na ang dinadaanan namin ay hindi papunta sa bahay namin maski sa condo niya.
Tinanong ko siya kung saan kami papunta pero hindi niya ako sinagot ngunit nginitian lang. Weird.
Hinayaan ko na lang kung saan kami papunta hanggang sa makatulog na ako.
Zero's POV
Papunta kami ngayon to a peace and quiet place with no people. Doon ako tumatambay tuwing napapagod ako sa trabaho ko at walang nakakaalam non kundi ako lang.
Nandito na kami pero nung nilingon ko si Ran, mahimbing na natutulog ito. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti sa tuwing nakikita ko siya.
Ang saya ko kasi kapag kasama ko siya at ang date namin kanina? Hmmm.. Napakasaya.
Hindi ko lang sinabi na date namin iyon pero hayaan mo na. Ang importante ay nag enjoy siya pati narin ako.
Lumabas na ako ng sasakyan at binuksan ang pinto sa side ni Ran. Pinagmasdan ko muna ang magandang mukha niya at naisipang kuhanan ito nang litrato.
Shhh. Wag kayo maingay ah?
Pagkatapos kuhanan siya nang litrato ay balak ko na siyang gisingin nang marinig ko ang pangalan ko.
"Z-ee-rr-ooo" mahina ito ngunit sapat na para marinig ko. At syempre, hindi niya mabigo na mapangiti ako.
"Ma-ha---" may gusto pa siyang sabihin kaya inilapit ko ang tainga ko. Pero hindi na niya natuloy iyon.
Napatingin ako sa kanya at ang lapit na ng mukha namin. Hindi talaga matanggal sa isip ko ang napakagandang mukha nito.
Dinapi ko ang labi ko sa noo niya at hinawi ang buhok niya.
Medyo pagising na siya kaya ginising ko na siya nang tuluyan.
"Goodmornight" bati ko sa kanya at sinuklian naman niya nang mapala anghel na ngiti.
Inilahad ko ang kamay ko at inalalayan siyan lumabas sa sasakyan.
Tinakpan ko muna ang mata niya gamit kamay ko bago ipakita ang magandang view na nakatapat sa amin.
Nagbilang ako nang tatlo at tinanggal na ang kamay ko.
Nakita ko naman sa mukha niya ang pagbibighani sa pinakita ko sa kanya.
Inispread niya ang dalawang kamay niya at umikot ikot na parang bata.
Ako naman ay nakaupo lang sa ilalim ng puno na nandoon. Mamaya maya ay nakiupo narin siya sakin.
Pinatong ko ang ulo ko sa legs niya at humiga.
"Gamitin na muna kitang unan ha?" Paalam ko.
Hinampas naman niya ako sa braso nang mahina na ikinatawa naming dalawa.
Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya at tinignan ako ng may matamis na ngiti.
Matapos ang ilang minuto ay sumakay na kami sa kotse at umuwi.
Hinatid ko siya sa bahay nila and gave her a kiss on her cheek. I know its pambata but first, I must make her mine for real.
At umuwi na ako pagkatapos.
To be continued..
•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•
SFATE
Brought to you by: SmileMustache
BINABASA MO ANG
Secret Identity: The Nerd is the Celebrity
Novela JuvenilPaano kung ang pinakatatago mong sikreto sa lahat ng tao ay malalaman lang nang ganun ganun lang? Ang masaklap pa dito ay ang taong nakaalam ay isang napakasikat na celebrity. Matutupad pa ba ang hiling niyang peace and quiet na buhay? o mangyayari...