Chapter 6: Meet the 5 Beast

255 5 0
                                    

Zero's POV

Nandito kami sa sasakyan papunta sa school. May aasikasuhin ata si Ran.

Walang nagsasalita ni isa samin ngayon. Maski ako ayoko dahil sa nangyari kanina.

Nung time na iniwan ko siya kanina at pumunta ng kwarto ay sinadya ko talaga.

Baka kasi kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Really, muntikan na.

At nung time naman na sinabihan ko siya nung kung ano ano, napadulas lang sa bunganga ko.

Ang galing kasi ng bibig ko, nagsasabi na lang nang bagay na hindi ko naman dapat sabihin.

Nakita ko naman siya namula kaya gusto kong tumawa. Pero hindi ko na lang pinahalata. Magalit pa sakin si Ran ee.

Back to reality. Nandito na kami sa tapat ng school. Tinignan ko siya habang siya naman ay nakatingin sa bintana. Mukhang ang lalim na nang iniisip.

Ran's POV

Ayaw matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Zero kanina. Siya kasi kung ano anong weird na sinasabi. Yan tuloy , namula nang hindi oras ang mukha ko.

Ano bang nangyayari sakin? May sakit ba ako. Saan? Sa utak? Katawan? O sa puso?

Haayy ewan! Bwiset siya! Ginawa niya akong parang baliw! Simula nung dumating siya sa buhay ko naging ganito na ako!

"Ran nandito na tayo" tss. Nagsalita na si mokong.

"ahhh okay." lalabas na sana ako nang magsalita siya ulit.

"hindi mo ba isusuot ang nerd costume mo?" napatigil naman ako.. Ayyy! Oo nga pala. Naiwan ko!

"tsk. Naiwan ko pala sa condo mo. Pwede ba tayo bumalik?" napahilamos naman ang kamay niya sa mukha niya. Okay ako na talaga ang tanga. -__-

"tss. Wag na" tapos pinaandar niya ulit ang kotse niya.

"wait, saan tayo pupunta?"

"basta. Tumahimik ka na lang diyan." highblood? Dapat nga ako ee!

Tumahimik na lang ako. Napansin ko naman na papunta kami sa likod ng school. Ano naman ang gagawin namin dito?

Hininto niya ang sasakyan at bumaba na siya. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa side ko at sinabihan akong bumaba tapos umalis na siya. Nasaan na ang pagiging gentleman niya kanina? Naligaw na ata.

Sinundan ko siya sa paglalakad ni hindi ko alam kung saan kami patungo basta ang alam ko napakadilim nang dinadaanan namin. Nagsimula na akong matakot. Takot ako sa madilim na lugar dahil sa naranasan ko nung bata pa ako.

Huminto ako sa paglalakad bago pa kami tumungo sa lugar na mas madilim pa.

Huminto rin siya nang napansin niya na hindi na ako sumusunod sa kanya. Nilingon niya ako sa likod at tinignan nang masama. Bakit ang cold niya all of a sudden? Tss. May PMS ba siya para magsudden change of mood? Daig pa babae ee!

"Anong tinatayo tayo mo diyan? Lakad. Baka gusto mo yata na kargahin pa kita patungo sa pupntahan natin."

Umiling naman ako. Ayokong sabihin sa kanya na takot ako sa dilim baka tawanan niya ako >.<

"tss. Wag mong sabihin na takot ka sa dilim?" napaatras naman ako sa tanong niya. Paano niya alam yun?

Huminga siya nang malalim.

"haayy, para ka talagang bata." sabi niya at lumapit papunta sa akin.

Tumalikod siya nang nasa tapat ko na siya at niluhod ang isang paa habang ang dalawang kamay naman ay nakadiretso na nasa likod.

Secret Identity: The Nerd is the CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon