Chapter 5: Condo DISASTER 2

306 5 1
                                    

Chapter 5

Zero's point of view

Nandito kami sa salas nanonood nang phineas and ferb nang walang imikan. Nanonood siya nang seryoso habang ako nakatitig lang sa kanya, napakaganda niya kahit side view lalo na at wala siyang salamin. Hindi naman niya napapansin na kanina ko pa siya tinititigan dahil parang mag isa lang siya sa mundong nanonood ng tv. I didnt expect to see this side of her since I only see her on tv, The Ran with no emotions.

Hindi ko pa siya nakakasama in any projects pero kilala ko siya dahil napakasikat nito. Marami rin nagsasabi na napakasuplada niya.. Wala ring nakakaalam ng kahit anong rumors involving her kasi nga hindi nila matagpuan si Ran behind the scenes.

At napakaswerte ko to know and to see her behind the scenes, to see the other side of her besides those cold attitude and to be this close to her.

Oo aaminin ko na crush ko siya dahil sa ubod nang ganda na meron siya.. Na dahil din don na gusto mong angkinin lang siya para sa iyo lamang. Kaya wag kayong maingay kundi sapak aabutin niyo!

Napatingin naman siya sakin nang matapos na ang pinapanood niya.. tinginan lang kami hanggang magsalita siya

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? sabi mo may aasikasuhin tayo."

"may gusto lang ako ipaalam sayo." kinuha ko yung newspaper tapos binigay sa kanya. "lately, sunod siya ng sunod sakin sinasabi na kung wala daw akong karelasyon siya na lang daw.

"hanggang sa may nakakita samin na magkasama, ayan yung kalabasan, pinagkamalang kaming may relasyon"

"ohh tapos? bakit ayaw mo? maganda naman siya." -Ran

"tsss. ayaw ko sa baliw."

tapos tumawa lang si Ran nang malakas.

"ahaha buti nga sayo. manyak"

"anong sabi mo?" nilapitan ko siya "manyak ako?"

"narinig mo naman pala ee.. bakit mo pa tinatanong?" sabay atras naman niya

"nagkakamali ka ata nang binibintanggan. Hindi ka pa ata nakakaranas kung paano kumilos ang manyak."

"oo. nakaranas na. at ikaw yung unang kumilos. ikaw manyak ka!"

"manyak pala ako ah, puwes ipaparanas ko sayo kung paano kumilos ang tooong manyak." sabay korner ko sa kanya sa mga kamay ko.

Ran's Point of view

sinabihan ko siya ng manyak at ngayon nandito na ako nakadikit sa pader at hindi makawala sa mga kamay niya.

Eeekk.. inasar ko pa kasi siya ee, yan tuloy napala ko.

hinawakan niya ako sa binti at binalot ang isang kamay sa may bewang ko. Sheete.. ang lapit namin.

Palapit na nang palapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ang mata ko.

Ilang segundo rin ang lumipas pero wala parin nangyayari. At wala narin akong nararamdaman na nakahawak sakin.

Narinig ko ang tunog ng pinto kaya binuklat ko na ang mata ko. tumingin ako sa paligid at wala akong Zero na nakita.. nasa kwarto na ang mokong.

Spell tanga R-H-I-A-N

Bwiset niloloko lang pala niya ako!! Wait, dapat nga magpapasalamat pa ako na niloloko niya lang ako ee.. haaayy ewan!

narinig ko naman siyang tumawa nang malakas kaya balak kong mag strike back pero may tumawag sa cellphone ko.

*Anna calling*

"Hello?" -ako

[Uy best! kalat na kalat na yung nangyari kanina! may mga babae nang pumupunta sa classroom niyo at tinatanong ka.]

WTF! Tsss. ayan na nga nagsisimula na ang ayaw kong mangyari. Yung bwiset kasi na mokong yun!!

"ahhh, sige pupunta na ako diyan para iklaro lahat. at kung may nagtanong man sayo sabihin mo wala kang alam."

pag may nangyari kay anna hinding hindi ko mapatawad si Zero.

[okay. punta ka na dito ah.. at mag ingat ka.]

"okay bye"

at pinatay ko na ang tawag. pupunta na ako dun para iklaro sa kanila ang lahat although sa tingin ko mahirap ang gagawin ko baka kasi madamay pa si Anna ang nag iisa kong kaibigan.

aalis na sana ako ng condo ni Zero nang may humigot sa braso ko..

tinignan ko siya nang masama.. Naiinis ako sa kanya dahil sa mga nangyayari sa school ngayon.

"where do you think youre going?" sabi niya

"you dont need to know and let me go.."

"what if I dont?"

"then Ill make you"

"what if you cant?"

"ohh please.. just let me go.. youre not my mother so you dont have any obligation to control me."

"yes I do, Im your boyfriend"

"a big correction there.. youre my FAKE boyfriend. plus, you only need Dark Ran right? well sorry to say this but Im not Dark Ran right now, Im just the normal Ran."

takte. todo english kami rito. konti na lang manonosebleed na ako >.<

"No, whatever Ran it may be, all of them are you. Those Ran may have different personalities but they all came from the same person. and thats the person that interest me the most."

O.O

wait, ano sabi niya? rewind please author. Nabingi na po ata ang character niyo dito.

Napatahimik ako sa sinabi niya. at nang tumingin ako sa salamin na nakadikit sa pader ng condo niya, nakita ko na parang kamatis na sa sobrang pula ng mukha ko >.<

Ohhh myy! Nakakahiya.

"Okay, ganito na lang. kung saan ka man pupunta, ako na ang maghahatid sayo. so lets go?" sabi niya

tumango na lang ako nang marahan. Naiilang kay ako. Ikaw ba naman sabihan nang ganon. Diba makakarelate kayo mga peg?

Lumabas na kami at tumungo na sa kotse niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse kaso inunahan niya ako para siya na daw.

Para tuloy akong prinsesa kasama si prince charming. diba swerte si ate.

Nginitian ko nalang siya at pumasok na sa kotse. at alam na alam ko na mahaba at puno ng katahimikan ang buong biyahe namin.

to be continued..

•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•-•

SFATE

Brought to you by: DjTJane >.^

Secret Identity: The Nerd is the CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon