Chapter 1

35 0 0
                                    

"'zup!"

"Uy!"

Nagulat naman ako sa bumati sakin. Ang schoolmate ko sa college na si  Euper. Sya ang ultimate crush ng buong campus noon, except me. Kasi hanggang kaibigan lang talaga.

Well, hindi naman sa pagmamayabang nanligaw sya sakin, kaso hindi ko sya type nung mga panahon na yun.

"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya.

Wala pa din syang pinagbago, gwapo pa din, matipuno, tisoy.

"Eto ayos lang, nag eenjoy habang nasa Pinas pa ako."

Sagot nya.

"Oh, talaga? Sino kasama mo?"

Tanong ko. Para maalok ko naman ng pinopromote ko.

"Mga barkada ko from US, nandun sila oh, wanna join?" Sabay yaya nya sakin.

Tumingin naman ako kung nasaan yung mga barkada nya.

At nandun sa may gilid, mga kano may mga kasamang babae na lintik pumulupot sa mga kano.

"Oh, sure. Para maalok ko naman sila nitong product ko."

Sagot ko.

Para syang nagulat.

"Ha? Dito ka nagtatrabaho?" Tanong nya.

Undergraduate ako sa college, sa course na HRM. Akala nya siguro nakagraduate ako, kaya ineexpect nya mas maganda yung trabaho ko.

"Yes. I work here as a promotional model. Eto yung pinopromote ko." Sabay pakita ko nung product ko.

"Oh, I see. But it's okay, you still hot, sexy and beautiful."

Sabay tingin nya sa buong katawan ko. Sino ba naman hindi masesexy-han sakin? Ikaw kaya mag miniskirt with matching backless shirt and heels. Kulay red pa damit ko.

Kaya given na yun. Duh!

"I know that! Thanks." Sabay kindat ko sa kanya.

"Tara?" Sabay hawak nya sa bewang ko at naglakad kami kung nasaan ang mga barkada nya.

Sanay na ako sa mga hawak dito hawak dyan ng mga tao, eto ang trabaho ko, bawal ang maarte sa ganitong lugar.

"Veronica, you looks so hot. If you don't mind, may I ask you one thing?"

Tanong nya habang nag lalakad kami.

"May boyfriend ka na?"

Tanong nya.

Nakakaramdam na naman ako ng kakaiba sa lalaking 'to. Mukhang type pa din ako ha.

"I'm single and always available." Sagot na may pang aakit.

At ang loko, ngumiti naman ng pagkalaki laki.

"Bro!"

Bati ng kasama nya.

At tumingin naman sakin yung mga barkada nya.

Mga mapuputi at may isang negro, african american ata.

"She's Veronica, one of college friends."

Ngumiti naman ako.

Yung isang negro lagkit ng tingin sakin kahit na may nakapulupot na sa kanyang babae.

Hays. Iba talaga charisma ko.

"Hello Veronica, I'm mike."

Pagpapakilala sakin nung isang maputi na payat.

Wife For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon