Chapter 3

19 0 0
                                    


Sana naman hindi magtagpo ang landas namin nung kumag na nagnakaw ng halik sakin.

Hindi naman sa nagpifeeling virgin, kasi naman... Napaka yabang nya.

Oo, aminado ako gwapo sya. Tingin pa nga lang pamatay na. Pero hindi ibigsabihin non type ko sya.

Sadyang marunong lang ako makaappreciate ng gandang lalaki ng isang lalaki.

Nasa mall nga pala ako, mag go-grocery lang ako dahil ubos na ang stock ko sa bahay. Nandito ako ngayon sa department store.

Titignan ko lang ulit yung pinag iipunan kong bag. Kulang pa kasi budget ko, kaya hanggang tingin lang ako. Sana nandun pa. Sana ako makabili, limited edition lang kasi yung bag na yun.

Maiiyak talaga ako pag may nakabili na non. Nag iisa na lang yun e.

Ayy. Kabog nandun pa.


Malapitan nga. Gumaan naman ang pakiramdam ko kasi nandun pa yung bag. Ang swerte ko naman.

Pano kasi ang mahal. 10, 989 lang naman yung presyo no. Hays.

"Excuse me miss, how much this bag?"

Napatingin ako bigla sa nagtanong. May nagtanong lang naman sa isang sales lady kung magkano yung bag na inaabangan ko no.

"10, 989 ma'am. Limited edition po sya, nag iisa na nga lang po ma'am." Sagot naman nung sales lady.

Hala.

Mukhang mayaman pa naman yung nagtatanong. Isang labas lang nya ng pera mawawala na yung inaasam ko.

No way.

"Hon?"

Tinawag naman nya yung kasama nyang lalaki. Oh my... Ang gwapo.

Parang artista.

"What do you think of this bag?" Tanong naman nya sa lalaki na yun. Siguro boyfriend nya.

"It's beautiful but I think may nauna sayo sa bag na yan." Sabay tingin sakin nung lalaki, napatingin din tuloy sakin yung babaw kahit yung sales lady.

"Bibilhin mo din ba Miss?" Tanong nya sakin.

Anong isasagot ko?

Oo bibilhin ko kaso hindi ngayon. Wala pa akong pera e.

Wala pa nga sa kalahati yung pera ko e.

Napalunok ako.

"Ahm, ano... Bi.. Kasi bi..."

"Ouch!!"

Nagulat naman ako.

Muntikan ng mapasubsob yung babae buti nahawakan sya nung kasama nya.

"Sor..."
"Alexander?"

Napatingin naman ako dun sa lalaki.

Oh?

Bakit?

Bakit?

Sya na naman?

Walangya.

"Ow Yvone, I'm so sorry. I didn't mean it."

Sagot naman nya bigla at napatingin sya sakin.

My gash.

Ang gwapo pa din nya.

Teka. Bago ako mahypnotize, sinasadya ba talaga kami ng tadhana?

"It's okay Alex. By the way, he's my husband. Herman he's Alexander my ex boyfriend."

Wife For RentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon