Alexander's POV
Why?Oh man?
Why everytime she looks at me like that she turns me on?
Her lips...
The way she look at me.
The touch of her lips.
She always make me feel so...
Damn!
Why?
Napaka hot nya.
Nakaka-ano talaga sya..
*Phone's Vibration*
From: Sec. Jackie
Good evening!
Sir Alex may I call you now? I have something important to tell you.. Please reply. Thank you.
I dialed her number.
"Hello Jackie."
"Good evening Sir. Sorry to bother you. But Mrs. Lleven told me about the..."
"I got it. She already told you and yes, just ready all the documents I need for tomorrow, even the the attorney."
"Noted sir. Kinonfirm ko lang po.."
"Why do you need to confirm it?"
"It just that..."
"Whatever bothers you it's none of my business. Kung ano sinabi sayo at kung ano pinagawa sayo gawin mo. You're my secretary, not my selosang girlfriend."
"Got..."
*toot..toot..toot..*
Jackie is always like that.
I know she likes me.
She always act like my girlfriend.
Unang beses ko lang sya sinabihan ng ganun, and i think it's enough para magising sya.
-------
Veronica's POV
Pupunta ba ako?
Una may trabaho ako, masasayang ang isang araw na sahod ko kung pupunta ako don. Tsaka ang mapapala ko lang don mabubusog lang ang mga mata ko sa katawang lupa ni Alex.
Dun tayo sa may pakinabang hindi puro kalandian Veronica.
"Veronica..."
Habang inaayos ko ang gamit ko para sa pagpasok ko.
May biglang sumulpot sa pintuan ko.
Hindi marunong kumatok.
"Nico, bakit ka nandito?"
Tanong ko kay Nico.
Normal na sakin na pumupunta dito si Nico na walang katok katok na nagaganap.
"Umalis na pala si Patrice..."
Sabay upo nya sa kama ko. Nasa kwarto kasi ako.
Magkasama kasi kami ni Patrice sa isang apartment. Nauna si Patrice umalis kasi may dadaanan pa daw sya.
"Ang aga naman nyang umalis. 5pm pa lang ah." Dagdag pa nya. Patuloy lang ako sa pag aayos ng gamit ko.
Alam kong nakatingin sya sakin.
"May dadaanan daw kasi sya. Hindi nya lang nabanggit sakin kung saan. Nga pala, bakit ka nga napadaan dito?"
Tanong ko sa kanya.
Natapos ko na ayusin ang mga gamit ko para mamaya. Inayos ko kasi yung susuotin ko. Baka abutin na naman kasi ako ng syam syam sa pag hahanap at pag aayos ng susuotin.
Narinig ko ang pahinga nya ng malalim..
Lumapit sya sakin.
Hinawakan nya yung kamay ko.
Habang ako nakatingin lang sa kanya.
"Veronica gusto kita.."
Nagulantang naman ang puso ko. Kinikilig...
Hindi agad ako nakakibo.
"Gusto kita, gusto mo din ba ako?"
Tanong nya.
Teka naman.
"Ah...eh.. Nico si Faye?"
Bigla kong naalala si Faye. Kasi syempre mahal nya yun, ako gusto lang nya.
"Hindi ko sya minahal. Nadala lang ako nung minsang nakasama ko sya mag inum."
Sagot nya.
So meaning may nangyari?"So may nangyari?"
Tanong ko.
Aba loka ka Veronica! Bakit mo tinanong yun!?
"Lasing ako non. At hindi ko namalayan yun. Ayoko lang mag eskandalo si Faye kaya pumayag na lang akong maging kame."
Parang nanlumo ako.
Naunahan ako ni Faye.Pero mas nakakalumo dahil ako pala yung gusto nya pero hinayaan nyang maging sila.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya sakin. Tumayo na ako at lumakad papuntang kusina.
Sinundan naman nya ako.
"Kumaen ka na ba Nico? Nagluto ako ng Adobo."
Tanong ko sa kanya. Umupo naman sya sa upuan.
"Kumaen na ako." Sagot nya.
Nagsandok na ako ng kakainin ko at kumuha na rin ako ng tubig sa ref.
Hinanda ko na yung kakainin ko.
'Ay teka, kutsara pala."
Tumayo ulit ako..
"Veronica..."
At sa pag harap ko dahil tinawag nya ako.
Tumambad sakin ang mukha nya.
Napaka lapit nya sakin.
Hinawakan na naman nya ang kamay ko.
At aktong hahalikan.
"Nico..."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinigilan ko sya.
Oo nabitin ako kagabi kay Alex pero hindi ko alam kung anong meron at parang ayaw kong halikan ako ni Nico.
Loka, chance ko na to. Diba deads na deads ka dyan Veronica?
Ulam na!
Kakainin mo na lang.
"Sorry."
Biglang layo nya sakin.
Umupo na ako para kumaen.
"Seryoso ako Veronica, gusto kita. Gustong gusto. Mahal na nga ata kita. Hindi kita pipiliting sumagot ngayon pero maghihintay ako kahit ayaw mong mag hintay ako."
Sabay alis nya.
Nakita ko mga lungkot sa mata nya.
Masyado naman akong pabebe, ano bang nangyayari sakin?
Oo lang kami na agad ni Nico.
Bakit nagpapabebe pa ako?
Parang may nagsabi sakin na wag na parang oo.
Umalis na siguro si Nico.
Kailangan kasi sya ng 6pm sa bar. Ako mamaya pa pasok ko. 7pm.Bakit kaya ganun?
Para bang ang sama ko sa lagay na wala na sila ni Faye. Pero hindi ko naman kasalanan kung hindi sya mahal ni Nico.
Oo gusto ko si Nico. Gusto ko din sya. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit biglang umurong ang dila ko nung nalaman kong gusto na din nya ako. Dapat nga matuwa pa ako.
BINABASA MO ANG
Wife For Rent
RomanceKwento ni Veronica, isang promotional model sa isang sikat na bar, dahil sa mapanghusgang mundo akala ng lahat hindi pangkaraniwan ang trabaho nya, palagi syang napagkakamalang nagbebenta ng laman. Hindi ninais ni Veronica na maging ganito ang buhay...