First Day

227 4 0
                                    

Chapter 1: First Day

------------------------------------------------------------------

[Marj's Note: Dedicated to one of my highschool buddies, Ms. Rizalyn Catolico. Saliiinnggg!!! Sana mabasa mo to pag may time ka. Ingatsz~~ ;)]

 ------------------------------------------------------------------

------------------------------------------------------------------ 

Disclaimer:

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author and have no relation to anyone having the same name or names. They are not distantly inspired by any individual known or unknown to the author. Furthermore, all incidents and places used in this story are merely fictional inventions created by the author. 

------------------------------------------------------------------

"Hoy, Lin-lin!! Bilisan mo na diyan. Andito na si Aries sa baba!"

"Opo!!! Saglit lang" pasigaw na sagot ko.

Tsk! Eto talagang si nanay, masyadong excited.

Nagmamadali kong sinuot yung medyas ko at sapatos. Tapos, bumaba na ako ng hagdan. Nasa second-floor kasi ng bahay namin yung kwarto ko. Lumapit ako sa mesa at kumuha ng isang piraso ng tinapay.

"Ano ka ba, Lin-lin! Wag ka na ngang kumain. Kanina mo pa pinag-iintay si Aries. Mahiya ka naman."

Astig ng nanay ko no? Pinapalayas na ang sariling anak na di man lang kumakain. Ang BAIT talaga ni mader.

"Nay naman, buong araw kami sa school tas di mo ako papakainin ng agahan" sabi ko sabay subo ng isang buong pandesal.

"Eh nakakahiya kay Aries eh. Kanina pa yun."

"Sa ibang tao nahiya ka, sa sarili mong anak wala kang awa."

"Tigilan mo yan, ha. Hambalusin kita ng tsinelas bata ka eh."

"It's ok lang po, Tita Rose."

Nalingon kami ni nanay dun sa nagsalita. Si Aries pala, bestfriend ko. Naka-upo siya dun sa sofa namin. Tas nakatayo naman sa gilid niya ang isang man-in-black.

"Andiyan ka pala, Ries. Kain muna tayo" alok ko sa kanya.

"Go ahead lang. Tapos na ako sa bahay eh" naka-ngiti niyang sabi.

"Kuuu!! Tama na nga yan. Baon-in mo na lang yan papunta sa school nyo. Male-late na kayo o." -Nanay kong epal.

Psh!!! Eh pinapalayas na niya ako eh, kaya aalis na nga.

Humalik ako sa pisngi ni nanay at kumuha ng dalawa pang piraso ng pandesal mula sa mesa.

Tumayo naman si Aries mula sa sofa.

"We'll go ahead na po, Tita" paalam niya sa nanay ko.

"Sige, hija. Ingat kayo ha."

"Alis na kami, Nay!!" sigaw ko kay nanay habang palabas kami ng pinto.

Paglabas namin, sumunod naman agad samin yung iba pang men-in-black na nakabantay pala sa labas ng bahay namin.

Habang naglalakad kami ni Aries, natitingin naman samin yung mga tao sa kalye. Agaw pansin nga naman kami. Dalawang high school girls na naglalakad sa isang makitid na eskinita kasama ang mga sampo sigurong men-in-black. Di naman masyadong takaw-pansin di ba?

"Aries" bulong ko sa kanya.

"Hm?" lingon niya sakin.

"Kelangan ba talaga nakasunod yang mga yan?" Tas sinenyas ko yung ulo ko, meaning yung mga nakasunod na men-in-black samin.

Dahil Mahirap Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon