Chapter 3: Bestfriend Number 1
"Woow!!!"
(O___o)
Hindi ko napigilang mamangha sa ganda ng school na papasukan ko.
Sa labas pa lang, ang sosyal-sosyal na. Paano pa kaya sa loob.
Ang higpit pa ng bantay. Andaming guards eh.
*peeep!! peeep!!*
"Aysungaymo!!" nagulat kong sigaw.
"Hoy, Miss!! Umalis ka nga diyan. Masagasaan ka pa eh. Unang araw ng eskwela, nagkakalat ka."
Nilingon ko naman yung driver nung sasakyan sa likod ko.
Tsss. KAINIS!!
Tumabi na ako at saka tinignan yung malaking van na dumaan sa harapan ko.
(-____-)
May lumapit na isang gwardiya sa akin. "Miss, estudyante ka ba dito?"
Malamang. Naka-uniform nga di ba. (-.-)
"Opo Kuya." sagot ko na lang.
"Ah. Eh, nasaan ang service mo?"
"Po?"
"Yung sasakyan mo nasaan?" tanong niya uli.
Kapag dito nag-aaral, automatic dapat may sasakyan agad? "Ah. Wala po ako nun eh."
"Wala kang sasakyan?"
Paulit-ulit talaga dapat?
"Wala po. Mahirap lang po kasi ako. Pero dito po ako nag-aaral."
"Ah..Eh ano'ng ginagawa mo sa harap ng main gate? Bat di ka pa pumasok?"
"Doon po kasi ako binaba ng jeep. Tinitignan ko lang naman po. Saka, wala po kasi akong nakita na pedestrian gate eh."
"Ah. Sinasara kasi namin yun. Wala namang gumagamit eh. May sasakyan kasi lahat ng pumapasok dito. O siya, halika na at baka mahuli ka pa."
Ganun pala kayaman ang mga tao dito? Lahat may sasakyan.
(o___O)
Sabagay, halos kalahating milyon nga isang taong tuition dito eh.
Sumunod na ako kay Manong guard. Doon niya ako sa gate ng guard house pinadaan.
"O, sino naman yan brad?" tanong nung isa pang guard.
"Estudyante daw dito. Walang sasakyan eh. Iskolar siguro" sagot naman ni Manong guard na nakakita sakin.
"Ah." *tingin sa akin* "Magandang umaga, Miss....?"
"Ryhza Lin Castillo po."
"Good morning uli, Ms. Rhyza. Ang swerte mo naman at nakapasok ka bilang iskolar dito. Isang scholar kada taon lang ang tinatanggap nila dito eh. Ang tali-talino mo siguro."
"Hehehe. Hindi naman po masyado. Pero salamat na din po." todo-ngiti kong sinabi.
Mabait naman pala sina Manong guards eh.
Tinulungan na ako, pinuri pa ako.
(^___^)
"Ako nga pala si Fred, Ms. Rhyza. Ako ang gate-keeper ng school na ito. Taga-hawak ng susi sa lahat ng gates."
"Nice meeting you po, Manong Fred."
"At ito naman si Joel, ang Head Guard" turo naman niya dun sa guard na sumita sakin.
"Nice meeting you din po, Manong Joel."
Kaya pala parang iba yung uniforms nila sa mga ibang guards.
BINABASA MO ANG
Dahil Mahirap Ako?
Teen FictionDahil mahirap ako, di niyo na babasahin itong story ko? BABALA: 1. Ang istoryang to ay HINDI pang mayaman. Alam nyo na, masyado kayong SOSYAL para sa akin. Baka di pa kayo makatulog sa ka-CHEAP-an ng story ko. 2. Ang istoryang ito ay lalong-lalon...