Chapter 5: Bullies
************** THE PRESENT DAY ******************
*bbrrrroooossshhhh!!!*
[A/N Sound effect po yan ng toilet flush. Hahahaha. XD]
HHAAAYYY! Salamat!
Nakaraos din.
Tabi-tabi po sa mga kumakain diyan.
Wag kayong mandiri, normal na gawain naman yan ng isang tao.
Mahirap man o mayaman, ginagawa yan.
Hahahaha. XXDD
Lumabas ako ng cubicle at dumiretso sa vanity mirror ng girl's CR.
Timing naman na nandoon yung grupo ni Aya, the bruha. Hahaha.
Pero di ko lang sila pinansin.
Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay.
"Girls, do you smell that?" maarteng sabi ni Aya.
"Is that...?" sagot naman ni Deseree, isa sa mga alipores niyang bruha din.
"Ohmygosh! Don't even say that word. That's so ewe!!!" Si Joi, alipores niya ding maharot. Si borloloy-girl.
"Yuck! Gross!!!" tili naman ni Lorrainne.
"Ang baho ha. Amoy basura" sabi ni Liezel. Tapos pinaypay niya ang kamay niya sa harap ng mukha niya.
Ay naku! Malapit ang ilong mo sa bibig mo 'day.
Sariling amoy yan.
"May kasama kasi tayong basura dito." sabi ni Aya.
"Hoy, Rhyza! Bat ang pangit mo?"
Tas tumawa ng malakas yung mga bruha.
(-_______-)
Napatingin ako sa harap ng salamin.
Nakatingin naman sila sa reflection ko habang tumatawa pa din ng wagas.
Nginitian ko lang sila.
"Mahirap lang kasi ako eh. Wala akong pera pang-bili ng maraming cosmetics at make-up. At lalong hindi ko din afford magpa-plastic surgery. Hindi kagaya ninyo. Mayayaman kasi kayo eh" nakangiti kong sabi sa kanila.
Tapos winisik-wisik ko yung basa kong kamay sa harap nila at lumabas na ng CR.
Bastos ba? Tutal naman, yun ang stereotype nila sa mga kagaya ko eh.
Eh di, panindigan na lang. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Dahil Mahirap Ako?
Teen FictionDahil mahirap ako, di niyo na babasahin itong story ko? BABALA: 1. Ang istoryang to ay HINDI pang mayaman. Alam nyo na, masyado kayong SOSYAL para sa akin. Baka di pa kayo makatulog sa ka-CHEAP-an ng story ko. 2. Ang istoryang ito ay lalong-lalon...