Chapter 4: Bestfriends Two and Three
******** CAFETERIA ******************
Andito na kami sa labas ng canteen namin.
Ang laki-laki. Parang isang buong palapag ng building namin.
Automatic naman na bumukas yung salamin na pinto. Sensored din pala.
Ang bongga naman sa loob. Ang gara-gara.
Pangmayaman talaga.
"Doon na lang tayo?" tanong sakin ni Clover.
Tinuro niya yung isang bilog na mesa sa gilid ng salamin na dingding.
Glass nga pala tong buong canteen namin.
"Sige."
Pumunta na kami dun at umupo. May lumapit naman samin na waitress.
Tapos, may binigay siyang itim na parang folder.
Binuklat yun ni Clover- magkaharap nga pala kami- kaya binuklat ko na din yung akin.
Akala kung ano, MENU pala.
(O_________O)
Ang daming nakalistang pagkain.
Mula sa appetizer, main dish, klase ng pagkakaluto ng kanin, lahat ng klase ng dessert, flavor ng juice o ng kahit na anong inumin, at iba't ibang klase ng mga putahe galing sa lahat ng sulok ng mundo.
May Japanese, ,Chinese, Korean, British, French, American, at kung ano-ano pa na hindi ko maintindihan.
"Ano'ng gusto mo, Rise? Rise na lang tawag ko sayo ha."
(O.O)(__ __)(O.O) Tango ko.
"So what do you want to eat?"
"Hmmm...Sandwich na lang."
"Ano po'ng clase ng sandwich, Miss?" tanong sakin nung waitress.
Tinignan ko uli yung menu.
WWWAAAHHH~~~~ Bat ang dami?? (o__o)
Di ako makapili.
Malay ko naman ba, basta sandwich eh, yun na yon.
Tinignan ko si Clover. Nakatingin lang siya sakin habang naghihintay.
"Ikaw na lang pumili, Clove" sabi ko sa kanya.
"Ok!" nakangiti niya uling sabi. Binalingan niya yung waitress. "Scratch that sandwich. We'll have two orders of Lasagne, two mango mousse, and fresh orange juice."
Tinignan ko sa menu na hawak ko yung mga in-order niya.
Puro sosyal at ang mamahal (O___O)
Na-nosebleed pa ako sa mga spelling. (-__-)
"Will that be all, Miss?"
"Yes."
Tapos kinuha na samin nung waitress ang menu at umalis na.
Habang naghihintay kami, tahimik ko naman na inobserbahan ang lahat.
Restaurant style ang canteen namin.
Nakaupo ang lahat sa mga mesa at ang mga waiters o waitresses ang lumalapit.
Hindi katulad sa eskwelahan ko dati na pipila ka sa may counter, tapos isisigaw mo dun sa tendera kung anong bibilhin mong pagkain. Pagkatapos, i-aabot mo din sa kanya yung bayad mo.
Balyahan at paunahan pa kapag madami kang kasabay na bumili.
Dito, hindi ganun. Nakaayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Dahil Mahirap Ako?
Teen FictionDahil mahirap ako, di niyo na babasahin itong story ko? BABALA: 1. Ang istoryang to ay HINDI pang mayaman. Alam nyo na, masyado kayong SOSYAL para sa akin. Baka di pa kayo makatulog sa ka-CHEAP-an ng story ko. 2. Ang istoryang ito ay lalong-lalon...