History

108 5 0
                                    

Chapter 2: History

******THREE YEARS AGO*********

"Anaakkk! May sulat ka."

Nanay ko yung sumisigaw.

Hindi na ako sumagot. Malay ko naman kasi kung sinong anak yung tinutukoy niya. Madami kami eh.

Lima kaming magkakapatid. Una si Ate Daday, tapos ako yung pangalawa, sumunod sakin si Kat-Kat, tapos yung kambal na sina Tam-Tam at Mat-Mat.

Sunod-sunod kami. Dalawang taon lang yata ang mga agwat namin sa isa't isa. Parang hagdan.

O diba, ang sipag GUMAWA ng mga magulang namin. Tsss.

Buti sana kung mayaman. Ang kaso, hindi namn.

"Hoy Lin-Lin!! Kanina pa kita tinatawag eh. Lumabas ka nga ng kwarto mo muna. Ano bang ginagawa mo diyan?"

Nanay ko uli.

Galing sa ibaba ng sahig ng kwarto ko yung boses niya. Nasa sala siguro.

Maliit lang kasi tong bahay namin at semi-concrete lang. Kaya dinig namin ang isa't isa kahit naka-normal volume lang yung boses namin.

Ewan ko nga dito kay nanay kung bakit nakasigaw eh.

Bumaba naman ako ng kwarto ko. Wala namang ginagawa. Nakahiga lang ako. Nagdadasal.

Nagdadasal na sana may tumanggap sakin na university sa mga in-apply-an ko at nang makapag-aral na ako uli.

Nahinto kasi ako ng one year eh. Kinapos kami sa budget.

Pagbaba ko....Bat ang tahimik?

"Nay, bat po ang peaceful ng mundo natin nayon?" tanong ko kay Nanay na nagliligpit ng mga kalat.

"Umalis sina Kat-Kat at kambal. Magpapa-enroll."

"Ah..."

Buti pa sila.

Kakahanap lang kasi uli ni Tatay ng trabaho. Ang sabi niya, yung mga bagets daw muna yung unang mag-aaral para at least naman makatapos sila kahit ng elementary.

Si Kat-Kat naman, may sponsor. May mayaman kasi siyang ninang na nagpapa-aral sa kanya ngayon.

Kaya ako, eto, todo dasal na magka-scholarship ako.

"Nga pala, may sulat ka diyan. Akala ko nga kung sinong negosyante yung karterong naghatid niyan."

Pumunta ako dun sa mesa at kinuha yung sulat na tinuro ni Nanay.

"Bakit naman po?" tanong ko.

Tinignan ko yung envelope. Walang return address. Pangalan ko lang ang nakalagay.

Pero may school seal sa harap. Hindi ko alam kung anong school to. Chinese yata eh.

"Eh kasi naman, naka-Amerkana pa talaga. Maghahatid lang ng sulat, ganun talaga yung bihis."

Weird nga. (-___-)

Dahan-dahan kong binuksan yung sobre. Sayang yung seal eh kung basta-basta ko na lang pupunitin. Ang ganda pa namn ng design.

Binasa ko yung laman ng sulat.

================================

Congratulations!

Ms. Rhyza Lin Castillo, we are pleased to inform you that you are now officially accepted as a full scholar of Yoon-Song International School, Inc.

Please follow the the enrollment procedure stated below accordingly to enjoy your previlages.

Failure to comply after two weeks upon receiving this letter will automatically revoke your scholarship application.

Dahil Mahirap Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon