Chapter 7: Kidnap Victim
"Hhhmmmm!!! Hhhmmmm!!....URGH! HHmmmmhm!"
"Ano ba! Tumahimik ka na nga diyan! May busal na nga iyang bibig mo, ang ingay-ingay mo pa din!!!"
Eh bopols ka naman palang pangit na asungot ka eh!
Ikaw ba naman ang ma-kidnap sa kalagitnaan ng tirik na tirik na araw sa kalagitnaan ng paglalakad mo kung hindi ka magwala ng ganito!
WWAAAHHH!!!
Ano'ng gagawin nila sakin? Saan nila ako dadalhin?
Ano'ng gagawin ko?!
"Hoy! Tumahimik ka diyan kung ayaw mo'ng bigwasan kita! At wag kang malikot kung hindi lagot ka sakin!"
Tinignan ko yung lalaki na naka-bonet.
Naka-all black siya at nakatakip ang mukha.
Kagaya din ng outfit niya yung isa pa'ng lalaki na busy sa pagkutingting ng cellphone niya.
Naaanaaayy kooo!!
Ibalik niyo na ako sa school.
Please lang talaga! Mahuhuli na ako sa klase ko.
Ayoko'ng magka-record ng cutting-classes sa first day of school ng senior life ko.
(TT______TT)
Maya-maya, huminto yung sasakyan namin.
Bumaba na yung isang lalaki tas yung isa naman, kinaladkad na din ako pababa.
Napatingin ako sa paligid.
Isang abandonadong building.
Isang floor lang siya.
Pero sa likod niya, may iba'ng mas matataas na building.
Saan kaya ako dinala ng mga lalaking to?
Kinaladkad nila ako papasok sa building.
Andaming mga nakakalat na mga upuan, libro at kung ano-ano.
Ang alikabok pa.
"Umupo ka diyan. At wag ka'ng gagalaw!"
Tinignan ko ng masama yung lalaki.
Matangkad siya at halatang batak sa exercise ang katawan.
Kagaya din nung isa.
"Yo, X! Andito na kami...Oo, dala na namin yung babae...O sige. Bilisan mo, ah."
Pinanood ko lang yung lalaki habang nagsasalita siya sa cellphone.
Mga kidnap for ransom ba tong mga to.
Naku! Hindi lang nila ilam.
Wala silang makukuha sakin.
Mas mahirap pa ako sa daga.
Mga 15 minutes siguro ang lumipas nung biglang bumukas yung pinto ng bodega.
May pumasok na limang lalaki.
Teka, mga estudyante din ba tong mga to?
Naka-uniforom kasi sila na polo na puti sa loob tas may necktie at naka-coat.
Hindi ko makita yung school badge nila eh, medyo madilim kasi.
Pero kung hindi ako nagkakamali, mga nasa 18 or 19 siguro ang edad nila?
"You!" sigaw nung lalaking puti ang buhok.
Uban ba yan?
"Hhhmmm!!!"
BINABASA MO ANG
Dahil Mahirap Ako?
Teen FictionDahil mahirap ako, di niyo na babasahin itong story ko? BABALA: 1. Ang istoryang to ay HINDI pang mayaman. Alam nyo na, masyado kayong SOSYAL para sa akin. Baka di pa kayo makatulog sa ka-CHEAP-an ng story ko. 2. Ang istoryang ito ay lalong-lalon...