Chapter 8: Night Life
***Warning: Some languages found herein may not be suitable for very young readers. Parental guidance is advised.***
[A/N: Marj's Note:
Hindi ko kasi alam kunga ano'ng edad ng mga nagbabasa nito kaya tingin ko dapat maglagay ako ng warning. Don't worry, hindi naman overly sensitive ang laman ng chapter na to kay hindi siya rated. ;)]
............................................................................................
"Rhyza!"
Umupo na ako sa desk ko sa gitna nina Clover at Aries.
"Where have you been ba?" -Clover
"We've been looking for you." -Aries
"We had to make an excuse for you para hindi ka pagalitan ng teachers natin, you know." -Jhe
*sigh*
Hay! Kung alam lang nila kung ano'ng nangyari sakin.
Ito ang pinaka-EXTREME na first day of school ko sa tanang buhay ko.
Pero siyempre, dahil nangako ako sa mga gangster na yun, di ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo.
"Nagka-emergency ako eh. Uhm...Ano kasi, natapunan ng juice yung blouse ko kaya...ayun."
Oo, alam ko na mababaw pero at least hindi siya talaga isang malaking kasinungalingan.
Kahit mahirap lang ako pero hindi ako sinungaling.
O pwede din, hindi ako nagsisinungaling ng walang dahilan. He-he-he.
Totoo naman na natapunan yung uniform ko ng juice.
"Kaya nag-skip ka ng two subjects, ganun?" -Jhe
"Ano ka ba Jhe. Don't be harsh on her. Anyway, nalaman na namin yung ginawa nina Aya sayo kanina sa cafeteria. Pati na din yung pangbu-bully nila sa isang second year and we reported them to the Dean of Discipline na." -Clover
"Palitan mo na lang yung blouse mo. I'll give you a note then ibigay mo sa tailor para magawan ka ng bago." -Aries
"Naku! Wag na Aries. Sabi naman nung second year, siya na daw bahala sa blouse ko."
"No. Matatagalan pa yun. Its ok, ako na ang bahala." -Aries
O sige na nga. Tutal siya naman may-ari nitong school eh.
Kapag kasi sila na yung nag-sabi, di na ako pwedeng umangal.
Minsan tuloy pakiramdam ko isa ako'ng napakayaman na pulubi.
Hahahaha.
Alam ko napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mga kaibigan gaya nila.
"Ok. Salamat."
"Don't say thank you. Its nothing." -Aries
BINABASA MO ANG
Dahil Mahirap Ako?
Teen FictionDahil mahirap ako, di niyo na babasahin itong story ko? BABALA: 1. Ang istoryang to ay HINDI pang mayaman. Alam nyo na, masyado kayong SOSYAL para sa akin. Baka di pa kayo makatulog sa ka-CHEAP-an ng story ko. 2. Ang istoryang ito ay lalong-lalon...