Hanggang Dito Nalang...

952 9 0
                                    

Ernestine Tiamzon & Andrei Caracut (TinDrei)


Tin's Pov

Minsan ou, minsan hindi

Minsan tama, minsan mali

Umaabante, umaatras

Kilos mong namimintas

Kung tunay nga, ang pag-ibig mo

Kaya mo bang isigaw, iparating sa mundo

Tumingin, saking mata

Magtapat ng nadarama

Di gusto ika'y mawala dahil

Handa akong ibigin ka,

Kung maging tayo, sa'yo lang puso ko....



Sa'yo. That's our favorite song. He used to sing that song to me.

But that's before, nuon na kami pa, nuon na ako pa ang prinsesa niya, nuon na ako pa ang mahalaga para sakanya, nuon na ako pa ang mahal niya.

Dahil ngayon iba na ang mahal niya, iba na ang prinsesa niya, iba na yung kinakantahan niya.

8 months. Eight months na simula ng maghiwalay kami, 8 months na pero hanggang ngayon eto pa din ako umaasa na sana may kami pa ulit o kaya na sana ako nalang ulit, leche lakas maka one more chance ng drama ko.

"Tinnnnn kakain na" rinig kong tawag sakin ni May mula sa dining ng dorm namin, Kaya naman pinatay ko na yung ipad ko at bumaba na mahirap na baka maubusan ako ng pagkain, iba pa naman dito sa dorm kawawa ka kapag nahuli ka

"Buti naman bumaba kana, Akala ko forever kanang magmumukmok sa kwarto e" puna ni julia sakin at naupo na kasunod nila mich

"ewan ko sayo, Tigilan niyo nga ako" sagot ko nalang sakanila at naupo na para mag start kumain.

"Mayang kuha mo nga ako ng kaldero sa kusina" utos ni ate kimmy kay Mayang

"Aanin mo naman yung kaldero ate kimmy?" tanung naman ni ate kianna

"isasabit sa nguso ni tin ang haba e pwede na sabitan" ay leche ako na naman nakita

"ate kimmmmm" sigaw ko naman sakanya at nagtawanan pa sila. Ang babait talaga nila sakin

"E kasi naman tin nasa harap tayo ng hapag kainan pero yang nguso mo kunting kunti nalang aabot na sa sahig sa haba, Anong drama mo jan?" tanung niya sakin na natatawa pa lakas talaga mang asar ng mga to

"Wala po" sagot ko nalang at nagpatuloy sa pagkain

"Hay nako ate kim alam mo naman kung sino ang dahilan kung bakit parating ganyan yang baby girl natin" sabi ni ate dawn at naramdaman kong tumingin na silang lahat sakin, buti nalang wala na sila ate ara dito dahil kung hindi kawawa na naman ako sa pang-aasar nila.

"Tin don't tell me until now siya padin?" ate majoy ask me here we go again' talking about my past.

"Ou nga tin' its been what? 8 months na ah. Move on move on din pag may time girl" this time si ate justine naman na ang nagsalita.

"Hindi naman po ganun kadali mag move on e, Madaling sabihin mahirap gawin. Akyat na po ako" sagot ko at umalis na paakyat sa kwarto namin.

Pagpasok ko ng kwarto duon na tuluyang tumulo yung mga luha ko. Kainis talaga ako nalang parati ang nasasaktan samantalang siya andun sa bago niya masayang masaya habang ako eto nabaon na sa pagmamahal sakanya.

Archers love to SpikersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon