The Fight Is Over

366 4 0
                                    

Ernestine & Andrei
(TinDrei)

Tin's Pov

Andito ako ngayon sa razon dahil sabi ni drei dito kami magkita pero hanggang ngayon wala pa din siya halos 1 oras na akong naghihintay dito kaso hindi pa din siya dumarating.

Hindi rin naman nagrereply sa mga text ko at hindi rin niya sinasagot ang tawag ko.

Malapit na akong mainis dahil anong oras na. Akala ko pa naman pagdating ko rito ay nandito na rin siya.

10 minutes pa at kapag wala pa siya ay aalis na ako. Nakakasawa na maghintay paulit-ulit nalang niya ginagawa eto.

Lumipas pa ang ilang minuto kaya naman tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa bleachers at bumaba na. Ayoko na bahala na siya ayaw ko na maghintay.

Palabas na ako ng razon ng sakto naman papasok siya. At mukang tumakbo pa siya sa kung saan man siya galing hanggang dito.

"Sorry tin kung na late ko" hinihingal pa siya ng makalapit siya sakin.

"Sabi mo 5pm sharp pero anong oras na drei kanina pa ako dito naghihintay sayo" hindi ko na mapigilan na mainis kasi paulit-ulit nalang niyang ginagawa itong paghihintayin ako.

"Sorry talaga, napasarap kasi yung kwentuhan namin nila brent nawala sa isip kong magkikita pala tayo" tss as always ibang tao na naman ang dahilan kung bakit na late siya.

Ganun parati ang nangyayare kapag nalelate siya. Nakakalimutan niya na magkikita pala kami or may usapan kami.

Hindi na ako kumibo kasi baka mag away na naman kami. Ilang buwan na din kaming ganito. Puro away bati hindi na kami nagkakaintindihan.

Nauna nako maglakad palabas ng razon kasi ayaw ko na din makipag talo pa sakanya. Isa pa pagod na din ako gusto ko nalang umuwe sa dorm para makapag pahinga.

Naramdaman kong sumunod siya sakin at sumabay sa paglalakad. Tahimik lang kami pareho at walang nagtangka na magsalita.

Ganito kami madalas kapag magkakasagutan kami tahimik lang kami pareho. Minsan lumilipas ang mga araw na hindi talaga kami nagkaka ayos.

Kung dati kapag magkagalit kami ay aayusin muna namin para hindi na lumala pa ngayon ay lilipas ang araw na hindi talaga kami nagkaka ayos at nasasaktan ako kapag ganun. Hindi ko nalang sinasabi pa sakanya kasi feeling ko wala din mangyayare.

I'm not the jealous type of person but this past few days yun na ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko na set aside na ako at nabalewala na kasi mas marami na siyang time para sa friends niya.

Minsan nga malalaman ko nalang na umalis pala siya kapag nag oopen ako ng IG or twitter ko kasi nakapost na yung mga pictures niya. Tinitiis ko lahat yun kahit na gustong gusto ko na siyang tanungin tungkol sa mga naiisue sakanya hindi ko pa din ginagawa kasi baka masakal siya sakin.

Pero sabi nila kapag sobrang sakit na pwde naman magpahinga, pero yung sakin feeling ko hindi lang pahinga ang kailangan feeling ko dapat ng tapusin. Pero sa tuwing naiisip ko na maghihiwalay kami bakit parang hindi ko kaya.

Nabalik ako sa ulirat ng hawakan niya yung braso ko kaya naman napatingin ako sakanya.

"Lumagpas kana sa dorm niyo" napatingin naman ako at ou nga lumagpas nako sa dorm namin

"Ou nga. Sorry may iniisip lang ako. Salamat sa paghatid pasok nako" paalam ko sakanya at tumango lang siya. Pumasok nako sa loob at siya naman ay umalis nalang. At dun nagtapos ang araw namin na hindi na naman kami okay.

Tahimik akong pumasok sa loob ng dorm at buti nalang walang tao sa salas walang makakakita ng itsura kong pinagsakluban ng langit at lupa.

Paakyat na ako sa kwarto ng marinig kong magsalita si ate ara. Akala ko walang tao dito sa salas pero baka hindi ko lang siya talaga napansin sa sobrang wala ako sa sarili ko.

Archers love to SpikersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon