Kib Montalbo & Des Cheng
Des Pov
Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone ko, sino ba naman ang tatawag ng ganito kaaga nakakainis naman e ang sarap sarap ng tulog ko e minsan na nga lang ako makatulog ng ganito kahaba tapos may iistorbo pa.
"hello? sino to?" kahit nakapikit ay pilit kong sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitignan kung sino man ang tumatawag
"Cheeeeeengggg" nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko sa lakas ng sigaw ng kung sino man itong kausap ko, kaya naman kahit nasisilaw ako sa liwanag ng cellphone ko ay pinilit kong tignan kung sino ang tumatawag at walang iba kundi si aduke pala bwisit tong babae na ito hindi ba niya alam kung anong oras na dito sa amerika.
"aduke alam mo kung malapit ka lang sakin ngayon baka na straight ng wala sa oras yang kulot mong buhok, hindi mo ba alam kung anong oras na dito madaling araw na dito at inistorbo mo yung masarap kong tulog" litanya ko sakanya at may narinig akong mga nagtawanan sa background kaya naman feeling ko e naka speaker ang tawag na ito.
"sorry naman may friend haha, itatanung ko lang kasi dahil napagutusan ako na tawagan ka kung may balak ka daw bang umuwe ng pinas para man lang umattend ng reunion ng spikers you know ang tagal mo ng missing in action sa lahat ng gatherings natin plus ate ara and kuya thom is getting married na kaya need mo daw umuwe para sa fittings ng gown mo dahil isa ka sa bridesmaid" napabuntong hininga nalang ako kasi eto na naman sila sa pangungulit sakin kung kelan ako uuwe ng pilipinas.
"try ko duki ah mejo busy pa kasi ako e," narinig ko naman na natahimik sila sa kabilang linya at alam ko na ang iniisip nila na hanggang ngayon ay hindi pa din ako handang makita siya. Well totoo naman yun, hindi ko man siya makita sa reunion ng spikers e for sure naman na magkikita kami sa kasal nila ate ara at kuya thomas.
"des hindi ba sobrang tagal na nun bakit hanggang ngayon hindi kapa din okay akala ko ba ayos kana?" narinig kong tanung sakin ni ate mika hindi nalang ako sumagot kaya naman napabuntong hininga nalang sila kasi alam naman nila na kahit gaano pa katagal yung nangyare ay hindi pa din ako magiging okay.
"sorry guys hindi ko pa talaga siya kayang makita, hindi pa ako ready," after nun ay pinatay ko na yung tawag at napapikit nalang ng mariin dahil nag uumpisa na naman mag unahan tumulo ang mga luha ko.
Kib and I are bestfriends turns into lovers during our college days, masaya kami nuon until one day bumalik yung ex niya at dun na nagstart kung paanong yung masaya naming relationship ay unti unting nasira dahil sa ex niya.
Sabi nga nila walang forever kaya pati kami ay nakiuso. Sobrang nasaktan ako kaya naman after ko maka graduate ng college at matapos ang playing year ko sa lasalle ay nag decide nalang ako na sa ibang bansa magtrabaho para makapag move on. Pero hindi ko naman akalain na kahit 3 years na ang nakalipas ay hindi pa din ako nakakamove on sakanya.
Halos lahat ng mga kaibigan ko at family ko ay saksi kung paano ako winasak unti unti ng pagmamahal ko sakanya kaya naman ng mag decide ako na umalis ng bansa ay hindi na sila tumutol pa dahil alam naman nila na kahit pigilan nila ako ay tutuloy pa din ako at eto nga 3 taon nako dito sa amerika at dito na din nagtatrabaho. Madalang lang ako umuwe sa pinas madalas sila mommy ang dumadalaw sakin dito.
Nagising nalang ako ulit sa tunog ng alarm ko, nakatulog pala ako ulit kaninang madaling araw kakaiyak siguro dahil naalala ko na naman siya, hindi ko ba alam pero kahit ano yatang pilit ko ay hindi pa din ako magiging handa na makita siya ulit. Bago pa ako maiyak ulit ay naligo na ako at maaga pa ako sa trabaho ko.
---
Kib's Pov
Kasama ko ang ilang archers ngayon dito sa coffee shop sa loob lang din ng gym na pag aari namin nila aljun. Simula ng maka graduate kami at maglaro sa pro league ay dun nag start na maitayo Calbocio's Place.
BINABASA MO ANG
Archers love to Spikers
Fiksi PenggemarThis a one shot stories of archers and spikers. Aminado naman po ako na hindi ako ganun kagaling mag sulat ng story pero salamat pa din po sa mga bumabasa ng mga sinusulat kong storya. Vote and Comment po. Enjoy reading guys :D