I love you... goodbye

347 6 2
                                    

Ara Galang & Thomas Torres

 Ara's Pov

Kanina pa ako dito nag aantay kay thomas pero hanggang ngayon wala pa din siya, masyado naman niya atang pinapanindigan yung pagiging pagong niya nakakainis na ah. Andito kasi ako sa razon dahil sabi niya magkita daw kami dahil may ibibigay siya sakin kaya naman nagpunta ako aba malay ko ba na baka pagkain yung ibibigay niya kaya naman nag punta na ako sempre laman tiyan din yun. Wala pa naman pagkain sa dorm dahil inubos na nila kimmy at mika mga patay gutom kasi yung mga yun e. 

Tinignan ko yung cellphone ko kung may text ba si thomas pero ni isa wala kaya naman nag decide na akong tawagan siya pero walang sumasagot kaya naman sinubukan ko pa ulit na tawagan siya at sa pangatlong ring ay finally may sumagot na.

"hello thom as-" natigilan ako ng walang nagsasalita pero may ingay akong naririnig sa kabilang linya, ilang sandaling tumahimik hanggang sa may magsalita na hindi si thomas pero babae si arra 

"thomas ano bang plano mo kelan kaba makikipag hiwalay kay ara akala ko ba pustahan lang yun bakit umabot na ng ilang buwan yang relasyon niyo ah?"  

"babe humahanap lang naman ako ng tamang oras para sabihin sakanya, actually magkikita nga sana kami ngayon e kaso tumawag ka naman kaya hindi ko na siya napuntahan balak ko nga sana ngayon na sabihin sakanya yung totoo-" hindi ko na pinatapos pa at pinatay na yung tawag.

Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang sakit ng mga narinig ko, hindi niya ako talaga gusto kundi pinagpustahan lang nila ako, niloko niya ako. Iyak lang ako ng iyak para akong batang iniwan ng mga magulang at wala ng balak na balikan pa. Sobrang sakit nung malaman na yung taong minahal mo na ng sobra sobra ay hindi ka naman pala mahal ang masaklap pa dun pinaglaruan ka lang. 

Kahit iyak ako ng iyak ay pinilit kong makauwe ng dorm ayaw kong abutan niya pa ako dito na umiiyak, hindi pa ako handa makita at makausap siya. 

Nakarating ako sa dorm ng umiiyak pa din buti nalang late na at for sure tulog na silang lahat. Papasok na ako ng gate ng makita kong nakatayo dun sila Mika at ang ibang bullies.

"kanina kapa namin hinihintay ara bak-" hindi na natapos ni mika yung sasabihin niya ng tumakbo na ako sakanya at niyakap siya tsaka umiyak ulit

"ano nangyare sayo bakit ka umiiyak? may nangyare ba na hindi maganda?" sunod sunod na tanung naman ni Carol pero hindi ako nagsalita at umiyak lang ng umiyak habang nakayakap pa din kay mika.

"Ara dun na tayo sa loob baka may makakita pa satin dito tapos ganyan pa yung itsura mo" rinig kong sabi ni kimmy kaya naman inakay nila ako papasok ng dorm. 

Kami lang palang bullies ang nandito dahil naguwian pala sila kianna kanina. Umalis kasi ako kaya hindi ko alam, buti nalang din at kami lang dito para wala ng ibang makaalam pa sa nangyare sakin. 

"now tell us what happened ara" si camille na ang unang nagtanung kaya naman kahit naiiyak na naman ako ay pilit ko pa ding sinabi sakanila yung nangyare at nakikita ko sa itsura nila na hindi sila natutuwa sa mga nalalaman nila lalo na si mika na umuusok na yung ilong.

"Yeye kumalma ka nga muna, hindi pa naman natin naririnig yung side ni thomas e kaya wag mo muna siya itorture jan sa utak mo" saway sakanya ni carol. Pero hindi humuhupa yung inis ni mika kahit pa anong sabihin nila. 

"ano pa bang side niya ang kailangan niya ipaliwanag carolina e malinaw naman ng pinagpustahan at niloko nila si arabela" nagpupuyos talaga si mika sa galit ako naman ay nakayuko nalang at patuloy pa din na umiiyak. 

"Ara wag ka muna magpadala sa galit mo, mas okay kung itatanung mo sakanya yun ng personal, kung sakali man na totoo edi makipag hiwalay kana pero wag ka muna mag decide not until marinig mo yung explanation niya." 

Archers love to SpikersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon