RAM'S POV
"Buhay paba siya?"
"Tulungan niyo siya!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
Napamulat ako sa ingay. Ang sakit ng ulo ko. Pagmulat ko tumambad sakin ang isang puno at nabunggo dito ang kotse ko. Oo pala may nakasalubong nga pala akong truck at iniwas ko kotse ko tumama naman sa puno. Ts. Buti naman buhay pako. Gumalaw ako para makalabas ng kotse. Ang sakit ng mga kamay ko dahil may mga tumalsik na mga bubong at bumara sa balat ko. At may dugo pa ang noo ko kaya pala masakit ang ulo ko. Pagkalabas ko, nakita ko ang mga taong pinagkakaguluhan ako. Wow! Artista nako. Natawa nalang ako sa kalokohan ko. Haha. Nakuha ko pa talaga magbiro. Si Kate.. Pupuntahan ko pa pala siya pero pano na neto. Magtataxi nalang ako.
"Iho ayos ka lang ba?" Tanong ng isang lalaki na siguro ay nasa edad na 30.
"Opo, okay lang ho ako." Ngumiti ako.
"Pwede ho bang kayo na po muna bahala dito may pupuntahan lang po ako." Walang hiyang sabi ko. Haha. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagpara nako ng taxi. Wala nakong pake kahit ganito itsura ko. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at idinampi ko iyon sa nagdurugo kong noo. Napaaray ako dahil sa sakit. Ng malapit nako kina kate naisipan kong tanggalin ang mga bubog na bumara sa mga kamay ko. Tiniis ko ang hapdi. Mas maganda din makita niya kong ganito ng kaawaan niya ko. Naluha ako. Naawa ako sa sarili ko. Bakit ko ba ginagawa to? Ang gago ko! Maya maya lang bumaba nako. Pagkababa ko nakita ko agad sa harap ng bahay nila si Kate at isang lalaki. Nagtatawanan sila habang magkahawak kamay. Heto na ba yung pinalit niya sakin? Puwet ko lang e. Ts. Walang alinlangan akong lumapit sa kanila.
"Ram?" Bakas ang gulat kay Kate ng makita niya ko.
"Anong nangyari sayo?" Dugtong pa niya. Concern siya?
"Siya na ba kate?" Tanong ko ng nakatitig sa kanya tapos tumitig ako sa lalaking kasama niya at binalik ang tingin sa kanya.
"Siya na ba yung pinagyayabang mo?" Walang emosyon kong tanong.
"Ram, di ba pinaliwanag ko nato? So please wag ka ng gumawa ng gulo." Sagot niya.
"Gulo? Gulo na ba yung tawag pag pinaglalaban mo yung taong mahal mo? Edi nanggugulo karin kasi pinaglalaban mo siya." Sambit ko. Naiinis nako pero pilit akong kumakalma. Napayukom ako ng palad.
"Tsaka paliwanag? Ang alam ko wala kang pinaliwanag. Di mo nga pinaliwanag kung bakit mo ko pinagpalit sa unggoy na yan e!"
"Ang angas mo pre ha!" Inis na sabi niya at susugurin na sana ako ngunit hinawakan siya ni Kate sa braso para pigilan siya.
"Ram. Please! Umalis kana. Hayaan mo na kami maging masaya." Nagpintig ang tenga ko ng sinabi niya yun.
"Masaya? Hayaan ko kayong masaya? Ano yun, kayo nagpapakasaya habang ako nagdurusa! P*t*ng *n* mo Kate! Lahat ng gusto mo ginawa ko! Lahat na ng katangahan ginawa ko para sayo! Tapos ganito lang?! Hindi paba sapat lahat ng yon?! Wala na ba kong halaga sayo ha! Ganon ganon nalang?! Hindi ako bagay na madaling palitan! Tao ako! Tao ako na nasasaktan din!" Halos hindi nako nakahinga ng sinabi ko yon! Tinaasan ko na talaga boses ko! Di ko narin napigilan yung pagpatak ng mga luha ko. Taena. Ang bakla ko.
"Hindi na nga kita mahal Ram! Umalis kana!" Pumikit nalang ako. Akala ko sa itsura kong to lalapitan niya ko, yayakapin, magaalala at sasabihing mahal niya ko. Umasa ako! Ang gago ko!
(Tama na Ram. Pag pinagpilitan mo mas lalo ka lang masasaktan.) Sabi ng isip ko. Nagbuntong hininga ako.
"Sige. Kung dyan ka masaya. You're free. Salamat sa lahat." Tsaka nako tumalikod. Umaasa akong hahabulin niya ko yayakapin at sasabihing ako ang mahal niya. Sh*t! Wag kana umasa! Naglakad nako palayo. Di ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang masakit. Parang pinipiga ng paulit ulit yung puso ko. Damn! It hurts! It fucking hurts!
*Peeeeeeeeep!*
Nabalik ako sa realidad dahil isang kotse ang bubunggo sakin. Sh*t! Na naman! Pangalawa nato ha! Pero this time natulala lang ako, pumikit, hinintay ang kamatayan ko. Pero naramdaman kong may tumulak sakin at tumilapon kami sa gilid.
"Ouch!" Napamulat ako ng marinig ko ang boses niya.
"Ram Nucom! Gusto mo na bang madedo ha! Tsaka bat ganyan itsura mo!" Galit na tanong niya. Naiyak lang ako at napayakap sa kanya.
"Ram.. Ano bang nagyayari sayo?" Bakas ang pagalala sa mukha niya.
"Parehas na tayo Rhian. Parehas na tayong iniwan, pinagtabuyan ng mga mahal natin." Pagpapaliwanag ko.
"Ha? What do you mean? Break na kayo ni Kate?" Tsaka siya kumawala sa yakap. Tumango nalang ako. Nakita ko yung lungkot sa mata niya. Ts. Ano bang ginagawa mo ram? Mas lalo mo lang pinapalungkot si Rhian e. Pinunasan ko yung mga luha sa mga mata ko. I try to smile.
"Teka, diba nasa hospital ka? Okay kana ba?" Pagiiba ko ng topic sabay hawak ko sa mukha niya. Di na siya mainit.
"Ateeeee!" Napatingin kaming dalawa sa tumawag. Si Ranz pala na tumatakbo palapit samin. Bat mukha siyang pagod? Hinabol niya ba yung mahal niya na hindi siya mahal? Ayy. Putcha!
"Ano ka ba at---- O kuya ram? Anong nangyari sayo?" Hingal niyang tanong.
"Ikaw naman ate pinagod moko. Akala ko san kana pumunta. Pano kaya kuya ram si ate pagkagising nagbihis agad tapos tumakbo palabas hinahanap ka." Paliwanag ni Ranz dahil nahalata niya yatang mukha akong tae na naguguluhan kung anong nangyari.
"Hay naku, tara na punta tayo ng hospital kailangan magamot ng mga yan." Sabi ni Rhian sabay turo sa mga sugat ko. Tumango nalang ako sabay ngiti. A fake smile.
Ngayon parehas na kami ni Rhian. Iniwan at pinagtabuyan ng mga minamahal. Ts. Parehas na magdudusa.
BINABASA MO ANG
Walang Forever.. TUNAY meron!
RandomKumbaga sa libro, Ang alam ko tapos na chapter niya sa buhay ko but i was wrong may To be continued pa pala. Siya na ba yung Tunay? Tunay na pagmamahal?