Chapter 3: Painful

0 0 0
                                    


"Ha? Kami? Walang kami. Maniniwala kaba dyan bby?"

"Hindi mo bako narinig? Walang tayo!"

"Hindi! Bat ako lalayo? Mahal ko siya e!"

"Umalis kana Rhian!"

Lord! Please! Let me die! Hindi ko na kaya e. Ang sakit e! Sobrang sakit!

"Rhian!"
"Ate!"

"Ram? Ranz?" Tawag ko sa kanila. Nasan sila? Di ko sila makita. Nakaramdam ako ng panghihina. Napapapikit ako.. Naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa lupa. Nakakaramdam ako ng pagka antok. Pumikit nako.

Bigla ako napaupo. Habol ko ang hininga ko. Tumingin ako sa paligid nasa kwarto ko ako. Napabuntong hininga ako. Panaginip lang hindi pala panaginip kundi bangungot.

"Okay ka lang ba bestfriend?" Napatingin ako kay Ram. Katabi niya si Ranz. Parehas silang nagaalala. Tumango nalang ako.

"Anong napaginipan mo ate? Umiiyak ka o." Sabay turo niya sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko, basa. Umiyak nga ko. Naalala ko yung napaginipan ko. Isang masamang panaginip inshort bangungot. Damn! Pati ba naman sa panaginip pinapahirapan niya ko. Pinunasan ko nalang yung luha sa pisngi ko.

"You look pale." Sabi ni Ranz at hinawakan niya ang aking noo.

"Ang init mo ate!" Nagaalala niyang sabi. Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko. Nagpaulan nga pala kami kahapon.

"Kuya ram, pwede bang pakikuha siya ng gamot sa dun sa drawer at tubig narin sa kusina." Pakiusap ni Ranz. Tumango nalang si Ram at kumuha na siya ng gamot at tubig.

"Naku. Di pala pwedeng uminom ng gamot pag walang laman ang tyan. Wait mo ko ate susunod nako, ikukuha kita ng makakain." Tumango nalang ako. Ang swerte ko dalawa nurse ko. Haha. Pagdating nilang dalawa ay kumain nako at uminom ng gamot. Pinagpahingan nalang nila ko. Buti nalang wala ng pasok, paghahanda para sa graduation.

Graduation na, it means makikita ko siya at ang masaklap parehas kami ng course, HRM. I sigh, kaya ko bang makita siya? Naiisip ko palang na makikita ko siya, nahihirapan nako. Heto na yung pagkakataon, pagkakataon na maipakita sa kanya na di ako kawalan. Na kaya kong wala siya. Tama! This is it! Pero this time dahil tanga ako, magpapaalam muna ko sa mga masasayang ala ala namin pati narin sa mga malulungkot na alaala. Kinuha ko cellphone ko at nagpasound nalang ako tsaka ko nalang pinasak yung earphone sa tenga ko.

(Now playing: Di man lang nagpaalam.)

[Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan. Basta't ang alam ko lang ay ikaw ang buhay ko.]

Si Rio yung taong badboy pero kahit ganon may goodsides naman. Siya yung taong moody, seloso. Minsan masama ang ugali. Haha. Kasi naman minsan mas pinagpapalit niya ko sa mga barkada niya. Oo, tanga nako. Mahal ko e.

[Maraming nagsasabi, iiwan mo lang ako. Hindi ako naniwala dahil pinaramdam mo na mahal mo rin ako.]

Siya yung taong pabago bago ng ugali, sabi ko nga moody. Minsan ang sweet, minsan masungit, minsan ang sama ng ugali. Haha. Pero tinanggap ko lahat. Everything about him. Ganun ko siya kamahal e, to the point na willing ako magsacrifice para lang sa kanya. Oo, ganyan ako magmahal. Tanga ako magmahal. Ano magagawa ko First love ko e. Sa kanya lang ako nagkaganito.

[Yun pala tama sila dahil niloko mo ako.]

Ang daming nagsasabi na bat ko daw siya mahal? Samantalang badboy siya. Wala daw akong future sa kanya. Hindi ko sila pinansin. Kasi naisip ko sila ba yung makikisama? Sila ba yung masasaktan kung sakali mang iwan niya ko? Hindi diba? So tinuloy ko parin. Mas lalo ko lang siyang minahal. But hindi ko in'expect na iiwan niya ko, pagtatabuyan.

Naiyak ako. Naalala ko lahat. Ang sakit. Sobrang sakit.

[Matamis na mga pangako. Ay walang pusong napako.]

Pano na mga promise natin? Yung promise natin na tayo hanggang sa huli. Yung promise mo na di mo ko pagpapalit o iiwan no matter what happen. Yung sinabi mong di mo kaya pag wala ako. Sh*t! Lahat lang pala ay kasinungalingan. Ako namang tanga umasa ako!

[Di man lang nagpaalam. Bigla nalang kinalimutan. Ang pag ibig na inalay ko. Buong buhay ko'y binigay sayo. Masakit man isiping hindi na tayo. Sanay dinggin ang sigaw ng puso ko. Bat hindi man lang nagpaalam.]

Bakit di mo kagad sinabi na may iba kana? Sana una palang sinabi mo ng iiwan mo din ako edi sana hindi ako umasa.

Patuloy na pagiyak ko. Paalam na. Paalam sa lahat. Kailangan ko ng ibaon sa limot ang lahat. Kailangan na kitang kalimutan. Tulad ng ginawa mo. Pinunasan ko na yung luha ko. Pinatay ko na yung music. Then dinial ko number niya. Magpapaalam lang ako. Last na to promise. Bulong ko sa sarili ko.

*Calling*

[Hello..] Rinig kong sagot niya. Natahimik ako.

[Sino to?] Dugtong pa niya. Ouch! Naglakas nako ng loob na nagsalita.

"Paalam sayo. Salamat sa lahat." Diretso kong sabi. Bago pa ko maiyak ay binaba ko na. Baka marinig pa niya ako.

Nakaramdam ako ng gutom. Tumayo ako. Pagtayo ko napahawak ako sa table. Umiikot ang paningin ko. Anong nangyayari? Bago ako matumba natabig ko yung baso na nakapatong sa table. Dahil dun nabasag siya. Napapikit nako.


RAM'S POINT OF VIEW

Naglalaro kami ng Psp ni Ranz ng may marinig kaming ingay sa kwarto ni Rhian. Nagkatinginan kami no Ranz at dali dali naming tinungo ang kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin si Rhian na nakahandusay sa sahig.

"Rhian!" Alalang sabi ko at tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko siya. Sh*t ang init niya.

"Ranz. Ang init niya! Dalhin na natin siya sa ospital." Tumango nalang si Ranz at binuhat ko na si Rhian. Sumakay na kami sa kotse ko.
-
Nakaupo lang ako habang hinihintay na lumabas ang doktor. Pagdating namin dito sa hospital ay sinugod agad siya sa emergency room. Ang taas ng lagnat niya kaya dinala ko nalang siya dito.

"Family of the patient?" Bungad agad ng doktor paglabas niya.

"Kamusta siya dok?" Mahinahon kong tanong.

"Okay lang siya. Stress lang siya then ang taas pa ng lagnat niya kaya siya nahimatay. Sa ngayon kailangan niya ng pahinga." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doktor.

Maya maya lang ay nilipat na sa room si Rhian. Habang pinagmamasdan ko siya ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko yung paghihirap niya.

"Rhian. Hindi pwedeng habang buhay ganyan ka nalang. Kailangan mong magpakatatag." Bulong ko sa kanya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Ang kilala kong Rhian ay yung masayahin, kalog. Nalulungkot ako para sa kanya.

Walang Forever.. TUNAY meron!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon