Chapter 3: First Move

2.5K 42 4
                                    

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa pisngi mo, Ambs?" tanong ni Terrence nang mapansin niyang hawak ko ang pisngi ko.

Naiinis ako kay Ethan. Bakit-- bakit kailangan niyang halikan ako? Hindi niya ba alam na nandidiri ako?

Ugh. Akala niya siguro makukuha niya ang loob ko. Ha! Nagkakamali siya. I will never ever fall inlove with him again.

Bakit ko naman bibigyan ng pagkakataon ang lalakeng tinrato ako bilang basura?

"Ambs? Kelan pa naging Ambs ang pangalan ko?" pagtatanong ko sakanya.

Natawa naman siya at nangalumbaba sa harapan ko, "Ang haba kasi ng Ambrosia." rason niya.

Inirapan ko siya. "Pwede naman sigurong Amber nalang hindi ba?" tanong ko sakanya.

"Ayoko. Gusto ko unique." sabi niya at tinuon na ang atensyon sa prof naming nagtuturo.

Napailing ako. Mabuti nalang at hindi niya nakita ang ginawa ni Ethan kanina. Baka may malaman pa siya. Mahirap na.

Sinulyapan ko si Ethan at napataas ang kilay ko nang makita kong nakatalikod siya saakin tapos nakikipaglandian na naman siya.

Kalalake niyang tao, ang landi landi niya.

Bakit ba ako nahulog sa isang 'to? Napapikit ako nang maalala ko ang mukha ni Jesse kanina. Nagsisisi ba siya?

Hindi ko na kasalanan iyon. Malinis ang konsensya ko. Wala akong ginawang masama sakanya.

Mahirap pala siguro talaga ang magtiwala, ano? Napailing nalang ako at muling sinulyapan si Ethan.

Wala na akong nararamdaman sakanya. Hindi gaya noon na kapag magkalapit kami ay naglulupasay na ako sa kilig.

Andami kong hirap at sakit na naranasan dahil sakanya. Dahil sa lintek na pagmamahal ko sakanya.

Minsan ka na nga lang magmamahal, sa maling tao pa.

Nung nagpunta ako ng America matapos yung insidenteng yun noong high school, hindi ko maitangging nahirapan akong manlimot.

Minsan, nami-miss mo. Pero minsan mas pinipili mo nalang kalimutan.

May mga tao kasi talaga na siguro dumaan lang sa buhay mo para bigyan ka ng sakit. Dadaanan ka lang nila tapos pag nakuha na nila ng loob mo, aalis na.

Ang sama ng loob ko sakanya noon. Dahil sa mga masasakit na sinabi niya. Palibhasa kasi, wala siyang ibang alam gawin kundi paglaruan kaming mga babae.

Hindi niya kasi alam ang pakiramdam ng umasa at masaktan.

Wala ba siyang nanay? O kapatid na babae manlang? Bakit siya nagkaganyan?

Napailing ako. Tutuparin ko ang pangako ko sa sarili ko, Ethan. Papaasahin kita at sasaktan ng paulit-ulit gaya ng ginawa mo saakin noon. Pagbabayaran mo lahat ng kahibangang ginawa mo.

**

Dire-diretso akong sumakay ng taxi at dumiretso sa condo ko. Nakakapagod magcommute. Hassle.

Agad kong pinindot ang fifth floor dahil andoon malamang ang unit ko. Mag-aaral pa ako mamaya. Hindi naman porket maayos-ayos na ang itsura ko ay pinapabayaan ko na ang pag-aaral ko.

Bago ko mapihit ang doorknob ng pinto ay agad ko rin itong nabitawan dahil biglang may humila saakin papasok sa katapat na unit ng room ko.

Ito ba yung sinasabi ni Jamie na pogi sa tapat ng unit ko?

Nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang nakatopless na lalake habang hawak ang kamay ko.

Nakatalikod siya kaya agad ko siyang tinulak at akmang sisigaw na ako pero natakpan niya ang bunganga ko.

Nanlalaki ang mata ko nang malaman ko kung sino iyon. E-ethan? What the hell? Bakit ba mapaglaro ang lecheng tadhanang tinatawag nila?

Nang kumalma ako ay agad niya ring tinanggal ang pagkakatakip sa bunganga ko. Nakafull ang aircon pero parang naging mainit sa pagitan naming dalawa.

"Aalis na ako. Mag-aaral pa ako." bigkas ko pero bigla niya akong sinandal sa pader.

Napatingin ako sa mga mata niya at nakita kong seryoso ang tingin niya.

"E-ethan." tawag ko sa pangalan niya at napansin ko ang pagngiti niya.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.

Kung ako ang dating Ambrosia ay siguro'y nanlalambot na ang tuhod ko ngayon. Napangisi ako sa ginawa niya.

Binigyan mo lang ako ng clue na nauuhaw ka saakin, Ethan. And that's a really bad move.

Binitawan ko ang shoulder bag ko at hinawakan ang likod ng leeg niya. Pansin kong nagulat siya sa ginawa ko pero tinuloy niya parin ang paghalik sa leeg ko.

Nang maramdaman kong tumaas ito papunta sa labi ko ay agad ko siyang tinulak ng mahina.

"Sorry but you can't just get me easily, Ethan. Nagbabago lahat ng tao. Sana informed ka dun." sabi ko at inayos ang sarili ko.

Napansin kong nagsalubong ang kilay niya sa ginawa ko. Sige, Ethan. Tignan natin kung makakaya ako ng pasensya mo.

Bago pamandin ako makalabas ng kwarto niya ay bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa baywang ko.

"When will you be mine again, Amber?" nang-aakit niyang tanong.

I smirked, "I will never be yours again, Ethan." banggit ko at iniwan siya doon.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ko ay agad akong napaupo. Shit. Kinaya ko? Damn. Kinaya ko nga.

Napahawak ako sa leeg ko, parang ramdam ko parin ang halik niya.

Bibitinin at bibitinin kita, Ethan. Tignan natin kung sinong mas magaling maglaro sa ating dalawa.

--tbc--

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon