Epilogue

2.7K 44 1
                                    

Isang malakas na palakpakan at mga sigawan ang sumalubong saakin pagkapasok na pagkapasok namin nila Yana sa WP Arena.

Ngayon ang pinakaunang concert ng banda nila Ethan. And as promised, nagpalakas ako at umuwi para makapanood ng concert nila.

Agad naming binigay ang VIP ticket na hawak namin sa mga bantay at agad naman nila kaming tinulungan para makapunta sa pinakaharap.

Wala pang lumalabas na banda pero andami nang hiyawan sa paligid. Nakikita ko ang mga lightstick na iwinawagayway ng mga tao sa madilim na arena.

Napangiti ako. Sikat na pala sila. Ngayon palang ang concert nila pero wagas na ang mga fans nila. Sinasabi ko na nga bang marami nang magnanasa sa pagmumukha ng mokong na yon.

"Andyan na sila. Nagtext na si Harry saakin." Napatingin naman ako kay Yana habang kinukutikot ang cellphone niya. "Hoy, ano yan?" Nakakaloko kong tanong sakanya. Agad naman niyang tinago ang cellphone niya at sinamaan ako ng tingin.

Pansin ko namang siniko ako ni Reese at kinindatan. Wait, don't tell me nagkakamabutihan na sila ni Harry? Woah! Parang kelan lang nung lagi niyang kinaiinisan si Harry ah? Hahahaha.

May bago ata tayong loveteam? #HarYana for the win? 🎉❤

"Let us all welcome! The Break-Up Boys Band!"

Napatingin ako sa harapan at nakita kong si Manager Aye ang nag-announce. Biglang tumahimik ang paligid at nang biglang may nagplay ng drums ay unti-unting lumiwanag at rinig na rinig ang malakas na hiyawan ng mga tao.

Miski ako ay napasigaw na rin. Nagmistulan akong isang fangirl ng mga lalakeng malapit saakin.

Kinanta nila ang kantang Halaga ng Parokya ni Edgar. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng appeal ng boyfriend ko mula sa entablado.

Natapos ang buong kanta nang puro sigaw ang naririnig ko sa paligid. Wala na ata akong narinig na lyrics dahil sa kakasigaw ng mga babae sa likuran namin.

Napansin ko pang may kinurot ata si Yana mula sa likuran niya dahil sa kakasigaw. Hahaha if i know si Harry ang tinitilian nung kinurot niya.

(NP: Heart Speaks First) - Play the song on the media viewer.

Naging mahina ang tilian nang biglang bumagal ang ritmo ng kanta. Napatingin ako kay Ethan at hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig nang makita ko siyang nakatitig saakin.

"Standing on the other side of the road
With a tear in your eye
Wishing that I didn't act the way I do
Took it too far this time." 🎶

Ang sarap pakinggan ng boses niyang malamig sa tenga. Unti-unting winawagayway ng mga tao ang kanilang ilaw sa tono ng kanta.

Sa isang iglap pa ay nagtilian na ang mga babae sa VIP seats dahil naglakad pababa nang entablado si Ethan. Pansin ko naman ang pagngiti ng mga kabanda niyang sina Red, Harry at Alexander.

Napansin kong lumiko siya at diniretso ang daan papunta saakin. Nagsisigawan ang mga tao sa likuran namin nila Yana.

"I was filled with emotion
Instead of giving you space
Threw it in your face and I
You just wanted me closer
But I pushed you away." 🎶

Nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko at hinila niya ako paakyat ng entablado. Nakaramdam ako ng saya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napaiyak ako.

Ito ba ang tinatawag nilang tears of joy? Sobrang gift na to ni God para saakin.

"I made you scream
I made you cry
I shouldn't have taken the stars from your sky
We're still a team
As much as it hurts
Remember that they're only words
My heart speaks first." 🎶

Pansin kong bawat lyrics ng kanta ay tumutugma sa nangyayari saaming dalawa. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"So baby whenever it hurts
Remember that they're only words
My heart speaks first." 🎶

Pagkatapos ng kanta ay nanatili akong nakayakap sakanya. Pero syempre humiwalay rin ako agad. Tumingin ako sa unahan ko at pansin kong punung-puno nang tao sa paligid.

Namula ako dahil nahihiya ako. Andaming tao. Hinawakan naman ni Ethan ang kamay ko habang nakangiti.

"I made my promise. Naiakyat kita sa entablado sa first concert namin." Nakangiting sabi niya. Tumango ako sakanya. "No words can express what am I feeling right now." Natatawa kong sabi.

Maya-maya pa ay hinarap niya ako sa libo-libong tao sa harapan namin. "This is Ambrosia Perez, guys. She's my girl." Proud niyang sabi. Pansin ko namang naghiyawan ang mga babae. Hindi ko alam kung disappointed sila o ano. Hahaha.

"Ambrosia." Tawag niya saakin. Medyo nahihiya pa ako dahil naka-microphone siya at nakatutok saamin ang camera kaya nakikita ito sa malaking screen sa side namin. Nilingon ko naman siya.

"I love you." Nakangiti niyang sabi. Pinipigilan kong mamatay sa kilig dito kaya tinaasan ko siya nang kilay. "Scream it to the world." Panghahamak ko sakanya. Pansin kong nagtawanan ang mga manonood sa ginawa ko.

"I LOVE YOU!" Napatakip ako ng tenga nang isigaw niya saakin ang mga katagang yon. Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Bakit sakin mo isinisigaw?!" Nakapamaywang kong sabi.

Unti-unti niyang hinapit ang baywang ko. "Because you're my world." Seryoso niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

Hindi ko na napigilang mamula doon at kiligin. Napuno nang masigabong palakpakan at malalakas na tilian ang paligid. I smiled.

I think my revenge is not that bad right? Siguro kung hindi ko iyon ginawa ay wala kaming dalawa ngayon dito. Now I believe. That everything happens for a damn reason.

--END--

Author's Note:

Okay, sinong kinilig? Hahahaha! 😂🎉 Ending naaaaa! Jusko. I created this story from June 15 to June 22?! Hahahaha. Sabagay, maiksi lang naman. Pero atleast, shet! Improving. 😭 Second story I've finished this summer 2016.

Thank you sa sumuporta sa facebook ng story kong 'to. Screenshot oh. 👇 Here's the link! https://m.facebook.com/groups/777241448971611?view=permalink&id=1318010554894695&refid=18&_ft_=qid.6298850581763253085%3Amf_story_key.1318010554894695%3Atl_objid.1318010554894695

PS: I joined the #Wattys2016 contest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PS: I joined the #Wattys2016 contest. Hindi naman masamang magshare ng thoughts diba? 😘

Once more, thank you again ang godbless us all! Read more of my stories. Visit my profile. Or just search this stories. Completed na silang lahat.
- Wanted: Tori Fuentabella
- My Annoying Fake Boyfriend
- A Bestfriend's Confession
- My Foolish Ex Girlfriend
- Living Without You
- The General's Daughter

Ambrosia's Revenge
ayeinwonderland

All Rights Reserved

THANK YOU! SEE YOU ON MY NEXT STORY!

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon