Chapter 19: Backing Out

1.2K 14 0
                                    

It's already Thursday. Apat na araw na silang nagwo-work para sa AMC's. Nakipag-partner naman ang AMC's sa school namin kaya napapayagan silang kunin sila Ethan anytime.

Wala sina Ethan ngayon and I think it's good dahil ngayon ko kakausapin si Terrence. I need to clear out everything. Pagkatapos nito ay aamin na ako kay Ethan.

"Terrence." Tawag ko sa lalakeng nakapikit sa tabi ko. Trigo ang subject namin ngayon and last subject na to pero ewan ko kung bakit natutulog ang isang 'to. Ang hirap kaya ng trigo!

Napansin ko namang kumurap ang mga mata niya. "One more minute, Ambs. Inaantok ako." Sabi niya at pumikit pa. Pinaningkitan ko siya ng mata kahit alam kong di naman niya makikita.

Agad kong hinampas ng mahina ang braso niya kaya napadilat naman siya nang wala sa oras. "Hahaha. Pikon. Ano ba kasi yun?" Tatawa-tawa niyang sabi habang hinihimas ang braso niya.

"W-we need to talk." Seryoso kong sabi sakanya. "We're talking." Pamimilosopo na naman niya kaya siniko ko siya sa tagiliran. Narinig ko naman ang pagtikhim niya. "Hahaha. Fine. About what?" Sabi niya at tinitigan ako. "About us." Sagot ko at itinuon na ang atensyon ko sa prof.

I need to clear out everything. Itatama ko na ang pagkakamali ko. I've finally decided after nung pagpapakilala saakin ni Ethan sa pamilya niya. I can't take this anymore. Hindi na kinakaya ng konsensya ko.

Napatingin ako kay Yana. I nodded at pansin ko naman ang pagngiti niya at pag-thumbs up. Siya na ang bahalang magsabi ng lahat kay Reese mamaya.

I looked at my wrist-watch. Thirty seven minutes left bago matapos ang subject na 'to. It's already 5:23 PM. Panigurado namang didiretso na mamaya si Ethan sa unit dahil siguro pagod siya.

**

"Terrence. May sasabihin ako." Panimula ko nang makarating kami sa likod ng building namin.

"Spill." Pa-cool niyang sabi habang inaantay akong magsalita.

Huminga ako nang malalim. "I-i love him. Mahal ko na si Ethan." Pag-amin ko sakanya. Pansin ko ang pag-iiba ng reaksyon niya.

Yumuko ako dahil wala akong naririnig na kahit anong salita mula sakanya. "I know." Mahinang bigkas niya kaya agad kong inangat ang tingin ko para tignan siya. Nakangiti na siya sakin ngayon. But that smile was a genuine one.

"H-how?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. "Nung panahong mas pinili mo ang pagpunta sa audition kaysa sa game ko, I knew you love him. I can see it from your eyes. Nakikita ko ito sa bawat galaw mo, Amber." He gently said as he held my hand.

Isang luha ang kumawala mula sa mga mata ko. "I'm sorry, Terrence. I'm sorry! Hindi ko kasi alam kung-- kung paano ako aamin sayo. Ayaw kitang masaktan because all you did was to make me happy and make me feel special tapos ito pa ang igaganti ko. Ginusto kita noon. But--but I guess hindi yun naging sapat para higitan ang pagmamahal ko sakanya." Umiiyak kong sabi. Napansin ko namang tumango-tango siya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"You don't have to be sorry, Ambrosia. You can't control your heart when it comes to love. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan." Sabi niya at hinila na niya ako para yakapin. I hugged him back.

"You deserve someone better than I." Muli kong sabi habang nakayakap sakanya. "You're the best woman I've ever met." Bulong niya saakin habang mahigpit parin siyang nakayakap saakin.

"I loved you. I love you. And I will always love you, Ambrosia." Bigkas niya at yumuko para halikan ang noo ko.

Napahagulgol nalang ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil lagi nalang akong nakakasakit ng ibang tao.

"Hindi ko maipapangakong hindi kita mapapalitan sa puso ko, but it will take time for someone to replace you here." Wika niya at pansin kong namamasa na rin ang balikat ko. Umiiyak ba siya?

Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya. Agad naman niyang pinunasan ang kaunting luha sa mukha niya at nginitian ako. Damn. He cried for me. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit.

"I'm sorry." Muli kong sabi dahil hindi ko na alam kung ano pang pwede kong masabi. I know a simple sorry can't be enough and will never be enough.

"When are you planning to tell Ethan about  everything?" Muli niyang tanong. "Bukas." Mahinang sambit ko. "Andito lang kami para sayo." Pag-eencourage niya saakin.

Katahimikan ang bumalot sa paligid namin. Tanging paghaplos lang ng hangin ang naririnig ko. "I'm afraid." Pag-amin ko sakanya. "I'm willing to take every risk but I'm afraid that it would all mess up." Sabi ko sakanya at pinunasan ang luha ko.

Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng yakap mula kay Terrence. It was very comforting. "If you have something worth fighting for, then fight for it." Sabi niya habang patuloy sa pagyakap saakin.

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Pumikit ako para i-treasure ang moment na 'to. Nanatili lang kaming tahimik.

Wala naman kasi ako sa fairytale na kapag nagkakilala na ang prinsipe at prinsesa, konting pagsubok nalang, happy ending na.

"Ito ba ang rason kung bakit ni hindi mo manlang masagot ang tawag ko, Ambrosia?"

Napabitaw ako sa yakap ni Terrence at nilingon ang pinanggagalingan ng boses.

"Ethan--"

"Save it. Pagod ako."

Napatitig ako sakanya habang pinapanood siyang naglalakad palayo saamin. Ethan... Mas napaiyak ako nang maisip ko na baka mas grabe pa dyan ang pwedeng mangyari kapag nalaman na niya lahat.

Hindi ko ata kakayanin. Napatingin ako kay Terrence. He looked worried. Bumuntong-hininga ako. Final na. I'm backing out.

--tbc--

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon