Chapter 11: Terrence's Confession

1.5K 20 0
                                    

A week later...

"Ambrosia, pwede ba tayong mag-usap?"

Napatingin ako kay Terrence na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng gate. Agad naman akong napatingin kina Yana at Reese.

Tinutulak tulak nila ako kaya natawa ako sa ginagawa nila. Parang bata lang.

Wala si Ethan ngayon. Hindi siya pumasok buong araw. Wala rin siya sa unit niya kaninang umaga nung chineck ko. Nag-text naman saakin ang kapatid niyang si Eris na nasa bahay daw nila si Ethan at may importante daw inaasikaso kasama ang parents nila.

"Sige. Pero dapat makauwi na ako bago mag-7." Wika ko habang nakangiti. Agad naman siyang ngumiti at hinila ako palayo kina Yana at Reese.

Napansin ko pa ang pagkaway nila saakin kaya kumaway ako pabalik. Nakarating kami ni Terrence sa parking lot ng school at agad naman akong sumakay sa motorbike niya.

"Kapit kang mabuti." Sabi niya at hinila ang kamay ko para maipulupot sa tiyan niya.

Nakaramdam ako ng kilig dahil sa ginawa niya. Babae lang ako noh. Napaisip tuloy ako kung anong pag-uusapan namin.

Halos mahulog ako sa motorbike dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Nakarating kami sa isang park at agad naman kaming umupo sa swing doon.

"Ambrosia." Tawag niya sa pangalan ko makalipas ang ilang sandali.

"Hmm?"

Nabigla ako nang lumuhod siya sa harapan ko habang hawak ang kamay ko. "Ambrosia, ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Oo. Alam kong may boyfriend kana kaya hindi ako masyadong umaasa pero maghihintay ako. Maghihintay ako kahit gaano pa yan katagal."

I was shocked. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba ang lakas lakas ng epekto niya saakin?

Sa pinakaunang pagkakataon ay nakalimutan ko lahat ng tungkol kay Ethan. Ang mukha ni Terrence ang bumalot sa isipan ko.

"Pero paano si Celes?" Hindi ko na napigilang itanong sakanya. "Matagal na kaming wala. Siya lang ang nagpupumilit sa akin, Ambrosia." Paliwanag niya saakin.

Kung ganon, anong meron sa halikan nila noon ni Terrence sa cr?

"What about that kiss when you're in the cr with her?" Muli kong tanong sakanya. Napansin ko naman ang paglungkot ng mukha niya. "I was damn frustrated. I was angry dahil noong araw na yon ay naging kayo ni Ethan. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng mga panahong yun. But believe me. I was damn guilty nang makita kitang palabas noon sa cr. Agad kitang hinabol pero agad din kitang nakita kasama si Ethan so I just backed-off."

Napapikit ako sa nalaman ko. Matagal na pala siyang may gusto saakin? Bakit hindi ko napapansin yon? Ganun naman ako katanga? O sadyang manhid lang ako?

"M-may aaminin ako." Wika ko sa kanya.

Napansin ko naman ang pag-angat niya ng tingin saakin. Napapikit ako. Kailangan kong sabihin ang nararamdaman ko. K-kailangan ko ring maging honest sakanya.

"Hindi ko mahal si Ethan." Seryoso kong sabi sakanya. Pansin ko naman ang panlalaki ng singkit niyang mga mata. "Ano? Kung hindi mo siya mahal, bakit tumagal kayo ng ganyan katagal sa isang relasyon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"G-gusto ko lang maghiganti. Gusto kong gawin sakanya lahat ng pananakit at pagpapahiyang ginawa niya saakin noon. Ipaparamdam ko sakanya lahat ng ginawa niya noon. Gagawin ko to hindi lang para sa sarili ko pero para din sa mga babaeng winasak niya noon." Galit kong sabi at unti-unting nagbagsakan ang mga luha ko.

Kinwento ko kay Terrence lahat ng nangyari simula noong highschool pa kami. Nakikinig naman siya habang umiiyak ako. Ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan ko ng mapagsasabihan.

"Tutulungan kita, Ambrosia."

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. Tutulungan niya ako? Napayuko ako nang may marealize ako.

"Ayokong gamitin ka, Terrence." Paliwanag ko sakanya. Ayoko siyang masali dito. Ayokong gamitin ang kabaitan niya.

Napansin ko naman ang pagngiti niya, "No. Hindi mo ako gagamitin dahil ako ang nag-insist sayo. Please. Let me help you. Tutulungan kitang maghiganti sa gagong yun." Galit niyang bigkas at niyakap ako ng mahigpit.

Maya-maya pa ay humiwalay siya sa yakap at muli akong hinarap. Napako naman ang tingin ko sa kanya.

"Kung hindi mo mahal si Ethan. Ibig sabihin ba may pag-asa ako?" Seryoso niyang tanong saakin. Unti-unti akong ngumiti sakanya at hinawakan ang mukha niya. "Bakit ka pa hihingi ng kaunting pag-asa kung noon pa man, ikaw na ang mahal ko?"

Pansin ko ang panlalaki ng mga mata niya. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng isang malambot na bagay sa labi ko. Pumikit ako dahil naoverwhelm ako sa nangyayari sa paligid ko.

Ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. I love you, Terrence.

--tbc--

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon