Chapter 23: Runaway

1.8K 19 0
                                    

"Bumalik ka ha." I looked at Yana habang sinasabi niya iyon. Nginitian ko siya. "Ambrosia, tawagan mo kami lagi." Sunod ko namang tinignan si Reese at nginitian ko rin siya pagkatapos ay yinakap ko silang dalawa.

Napatingin ako kay Terrence at Red na seryosong nakatingin saakin. "Wag niyong pababayaan si Ethan ha?" Bilin ko sakanila. Sabay naman nila akong niyakap. "Wag mo ring pababayaan ang sarili mo." Wika ni Terrence.

Tumango ako at kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng eroplanong sasakyan ko. Agad ko namang nakita si Daddy doon.

"Don't worry, princess. Gagaling ka." Nakangiti niyang sabi.

Tumango ako kahit hirap akong huminga. Magpapagaling ako. Para kay Ethan. I have a heart disease. Buong akala ko'y wala na ito dahil noong 8 years old ko ito huling naramdaman. At sabi ng doctor na wala na rin ito noon.

Pero nung panahong bago ako umamin kay Ethan tungkol sa kagagahan ko, nagsimula nang bumalik ang karamdaman ko. Nagsimula ito nang umamin din ako kay Terrence dahil gusto ko nang itama ang mga pagkakamali ko dahil hindi ko na alam kung hanggang saan pa ako aabot.

I kept it as a secret lalo na kay Ethan at Terrence. Kaya wala akong ganang kumain dahil dito. Alam ito nila Yana at Reese. Kaya sobrang nag-aalala sila para saakin.

Alam ni Mommy at Daddy na pwedeng bumalik ang sakit ko kaya noong araw na gusto kong umuwi nang Pilipinas ay siguro pansin niyong tanong nang tanong si Mommy kung ayos lang talagang umuwi akong mag-isa. (A/N: Refer to Chapter 1)

Niyakap ko si Daddy at unti-unti na akong umiyak. I didn't have a choice. Sa US lang ako pwedeng gumaling. Ayoko namang magkagirlfriend muli si Ethan ng isang babaeng malapit nang mamatay.

Maya-maya pa ay nakaramdam na naman ako ng pagbigat ng hininga ko. The next thing I saw was that my father was looking at me while crying and then everything went black.

**

Two weeks later...

Humiga na ako sa kama ko para magpahinga. Mas magkakasakit ata ako dito eh. Namimiss ko silang lahat sa Pilipinas.

Napabuntong-hininga ako nang malaman kong nagwawala si Ethan nung nalaman niyang wala ako two weeks ago. Hindi ko maintindihan kung bakit pero diba pinahiwatig niyang masakit parin? Diba ibig sabihin non ay kailangan niya ng space?

Hindi sinasabi nila Red sakanya ang nangyayari. Miski kung nasaan ako ay hindi muna nila sinabi. They made a deal na dapat makipag-ayos muna si Ethan sa banda bago nila tuluyang sabihin kung nasaan ako.

Just thinking about it makes me feel sad. Sorry, Ethan kung sa tingin mo ay iniwan kita.

"Baby, yung gamot mo ha?" Rinig kong sabi ni Mommy mula sa pintuan ng kwarto ko. "Opo." Sagot ko naman sakanya.

Matapos kong inumin ang gamot ko ay unti-unti na akong nakatulog.

**

Nagising ako sa isang malakas na katok na nangagaling mula sa labas ng kwarto ko. Ugh. Ngayon lang ata sila nanggising nang ganito kaaga? Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko. Di na pala maaga, 10 AM na.

Nag-unat ako at nagtungo na sa pintuan ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ay isang mainit na yakap ang sumalubong saakin.

"Bakit ba ang hilig mong umalis nang walang paalam?"

I was stunned. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Totoo ba ito? O sadyang nananaginip lang ako?

"Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala para sayo?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses niya. "D-diba sinabi mong masakit parin ang ginawa ko? That's why I'm giving you time and space." Paliwanag ko sakanya.

"Sinabi kong masakit parin. Hindi ko sinabing kailangan mong umalis." Malambing niyang tawag saakin.

Natawa ako sa sinabi niya. Ang tanga ko kung ganon. Pero wala parin akong choice. "Magpagaling ka, hmm?" Sabi niya at hinarap ako. Hinaplos niya ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. "Bakit ka pumunta dito? Kailangan ka ng banda." Mariing sabi ko sakanya.

Nginitian niya ako. Ang ngiting yon ang paulit-ulit na nagpapalambot ng puso ko. "Kailangan ako ng banda. Pero mas kailangan mo ako." Wika niya at hinalikan ako sa noo.

"Kahit na! Basta bumalik ka sa Pinas." Utos ko sakanya. Hindi naman na ganun kalala ang sakit ko ayon sa doctor pero bumalik ang heart disease ko. Kailangan ko lang umiwas sa stress.

He looked at me seriously as he held my hand. "Just promise me one thing." Mahinang sambit niya. Hinayaan ko lang siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Magpagaling ka at magpalakas. I want to see you next month. Gusto kong makita kita sa Pilipinas sa susunod na buwan. Madami pa tayong ipagpapatuloy." Nakangiting sabi niya.

"Really?" Nakataas-kilay kong sabi sakanya. Tumawa naman siya. "And you will runaway with me." Tatawa-tawa niyang sabi.

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. "I promise." Nakangiti kong sabi. Magpapagaling ako at magpapalakas. Pangako ko yan sayo. We'll runaway. Pft. "I love you, Ethan." Banggit ko sakanya. "I love you more, Ambrosia." Mahinang sabi niya as he claimed my lips.

--tbc---

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon