Chapter 12: Who's That Girl?

1.4K 17 0
                                    

Nakangiti akong pumasok ng condominium building. Ngayon lang ako naging ganito kasaya. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang fifth floor doon. Napatingin ako sa wrist-watch ko at nakitang 8:30 na pala. Madami pa pala akong school works na tatapusin.

Ugh. Mas mahirap pala talaga ang college life kesa sa highschool. Napangiti ako nang may maisip ako. Nagmahal ako't nasaktan noong highschool. Nagbago ako sa bawat aspekto ng pagkatao ko pero hindi ko hinayaang masira ang pag-aaral ko.

I would love and I would always get hurt. But I promised myself that I would never take my studies for granted.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay agad ko nang tinahak ang hallway papunta sa unit ko. Napaisip tuloy ako. Andun na kaya si Ethan? Or baka nasa bahay nila? Ugh. Bakit ko ba iniisip? Tss.

Habang naglalakad ay naisipan kong i-text si Eris para magtanong nalang. Hindi naman sa concern ako pero syempre kailangan kong alamin ang bawat galaw niya. Mamaya naglolokohan lang kaming dalawa eh. Ako lang dapat ang manloloko dito. Ako lang.

To: Eris 👯
- Eris? Si kuya mo? Nasa unit ba niya?

Hindi naman ako nag-antay ng matagal dahil mabilis namang nagreply si Eris. Napaisip tuloy ako. May boyfriend kaya 'tong batang 'to? Mukhang hawak-hawak niya lagi cellphone niya ah.

From: Eris 👯
- Oo nga po pala, ate. Wala po siya dyan kasi po hindi pa po sila lumalabas ni Daddy sa opisina dito sa bahay. Tingin ko seryoso silang dalawa e. Hawak ko po phone ni Kuya. Di ko naman mabuksan dahil may password. Ngayon nga lang po siya nagkapassword eh. :3

Hinayaan ko nalang ang reply ni Eris. Napangiti ako dahil sa password na yun. Alam ko kung ano yun eh.

Nung isang linggo kasi bigla kong nabuksan ang phone niya kasi wala ngang code. Tapos ayun, sabi ko dapat lagyan niya para ma-secure ang privacy niya. Tsaka mamaya, manakaw pa at may mabuksang files doon.

Pumayag naman siya at nilagay ang password bilang 'ambrosiangbuhayko'. Okay yun lang. Wag niyo nang isipin.

Agad akong natuwa nang mapansin kong malapit na ako sa unit ko. Pagkalikong-pagkaliko ko ay agad akong napahinto nang may makita akong babaeng nakaupo sa sahig at nakasandal pa sa pintuan ng unit ni Ethan. Mukhang naghihintay siya.

Napansin kong maputi siya. Mas maputi ako pero maputi din siya. Mahaba ang buhok niya at straight na straight ito. Magkaheight siguro kami. Naka-mini shorts siya at itim na 3/4 sleeved at naka-sneakers siya.

Anong ginagawa niya doon? Agad naman akong naglakad palapit doon. Hindi ako nagpahalata na tinitignan ko siya. Napansin ko naman agad na nakapikit ang mga mata niya.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating na ako sa tapat ng unit ko. Agad kong si-nwipe doon ang card ko kaya naman ay nabuksan ko ito.

"Uhm excuse me, Miss."

Napatigil ako sa paghawak sa doorknob dahil narinig ko ang boses mula sa likuran ko. Agad ko naman siyang hinarap.

"Yes? Ano yun?" Nakangiti kong sabi sakanya. Napansin ko naman ang pagngiti niya din saakin. Maganda siya. Mukhang anghel na binaba sa lupa. "Uhm, kilala mo ba yung may-ari ng unit na 'to?" Nakangiting sabi niya saakin.

Napaisip naman ako. "Oo. Si Ethan Marcos." Sabi ko sakanya. Pansin ko namang nagliwanag ang mukha niya. "Really? Kasi kaninang tanghali pa ako andito. Wala namang dumarating. And kumakatok rin ako pero walang nagbubukas." Malungkot niyang sabi.

"Ah wala kasi siya. Kaninang umaga pa siya wala eh. Ewan ko lang kung kailan siya makakabalik." Paliwanag ko sakanya. Agad naman siyang nagpasalamat at nagpaalam na saakin.

"Wait lang. Anong pangalan---" Naputol ang pagsasalita ko nang hindi ko na siya makita. Ang bilis namang tumakbo nun.

Napailing nalang ako. Hindi ko manlang natanong ang pangalan niya. Isa ba siya sa mga naging girlfriend ni Ethan? Hay nako. Ang babaerong yon.

Napatingin ako sa tambak na gawain ko ngayong gabi at sinimulan na ang pagrerewrite at pagsasagot. Sana matapos ko to.

Few hours later...

Naalimpungatan ako sa naramdaman kong malambot na bagay sa katawan ko. Kumot? Nandito na rin ako sa kama ko. Napatingin ako sa buong katawan ko at nakita ko namang suot ko pa ang sando at pajama ko.

Agad naman akong napatayo ng wala sa oras at napatakbo sa study table ko.

Mabuti nalang at tapos ko na lahat ng dapat gawin. Nakatulog pa ako. T-teka. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bukas pa ang laptop ko. May hindi pa pala akong natatapos na report!

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatulog habang gumagawa ng school works. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 1:13 AM na. Nako. Maaga pa ako bukas eh, mukhang mapupuyat ako neto.

Agad ko namang binuksan ang file sa laptop ko at laking gulat ko nang makita kong tapos na ang lahat ng dapat kong i-encode. Iniscroll ko ito at pansin kong hanggang 50 pages na siya. Sino namang gumawa gumawa nito?

Napansin kong may ilang papel na nakakalat sa sahig kaya naman ay pinulot ko ito hanggang sa makaabot ako sa sofa.

Halos mapasigaw ako sa gulat nang may makita akong lalakeng nakatopless na nakahiga sa sofa.

Ethan?! Napapikit ako. Don't tell me, siya ang tumapos ng report ko? Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napangiti ako.

Agad akong kumuha ng kumot sa cabinet ko at agad na bumalik sa sofa. Nilagay ko ito sa katawan niya. Kelan pa siya nakabalik? Tsaka don't tell me, hindi ko nasarado ang unit ko? Ugh. Ambrosia, ang tanga tanga mo. Pano nalang kung rapist tong isang to?

Pwede lang din. 😂 Muli ko siyang tinitigan at pansin kong magulo ang buhok niya. Mukhang pagod na pagod siya. Tumalikod ako mula sa kanya at unti-unting nabuo ang isang tunay na ngiti sa mga labi ko.

Hindi ko alam kung bakit pero sa unang pagkakataon ay na-impress ako ng isang Ethan Marcos.

--tbc--

Ambrosia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon