Chapter One

497 12 2
                                    

Tumataktabo akong nagtungo kay Calvin, kasama niya sila Tito Kelvin at Tita Cassy.

"Calvin, lalaki baby brother ko! Lalaki siya hihi" hinawakan ko ang kamay niya at tumalon-talon kasama siya.

"Talaga? Anong pangalan niya?"

"Speed" masayang tugon ko.

"Pasok muna kami sa Loob, Gail. Calvin, behave. Tara Honey" tumango ako kay Tita pagkatapos ay pumasok na sila sa kwarto ni Mommy Khyrie kasama si Gwen.

"Tara. Sa playground tayo" yaya sa akin ni Calvin. Aangal sana ako kaso hinila niya ko palabas ng Hospital, lumiko kami para makapunta sa likod nito at doon tumambad sa akin ang mga swing at slide. Ang galing ni Calvin alam na alam niya ang lugar na ito.

"Calvin ang ganda naman dito. Lagi ka bang nahohospital? Parang kabisado muna kasi itong lugar 'e" nakangiting sabi ko. Hindi kumibo si Calvin bagkus hinila niya ako papunta sa swing at pinaupo sa isa. Nakaharap ako sa kanya , tinulak niya ang swing palayo sa kanya at sa tuwing babalik ako ay pipisilin niya ang paa ko . Tawa ako nang tawa habang si Calvin nakangiting nakatitig lang sa akin . Nang mapagod siya ay saka lang kami tumigil.

"Calvin paano mo nga ulit nalaman ang lugar na ito?" nakatayo sa harap ko habang nakaupo parin ako sa swing. Lumuhod siya sa harap kaya yumuko ako para tingnan siya. Ganoon nalang ang gulat ko nang idampi niya ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang bilis ng tibok nito, kasing bilis sa tuwing naghahabulan kami nila kuya.

"Bakit mo ginawa yun ? Alam mo bang sabi ni Daddy magasawa lang daw dapat nagkikiss sa lips ! "sigaw ko sa kanya. Umiyak ako sa harap niya, papagalitan ako ni Daddy panigurado dahil wala na ang 1st kiss ko.

"Waaaah Susumbong kita Kay Daddy!" humagulgul na ako sa harap niya. Nanatiling nakatingin lang sa akin si Calvin habang ngumigiti. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang palad niya.

"Wag ka nang umiyak Gail" pagpapatahan niya sa akin. Umiling ako at nagpatuloy sa paghagulgul.

"Kulit mo naman! Sabing wag ka nang umiyak 'e" he hold my both shoulders bago kaming sabay na tumayo.

"Huwag ka nang umiyak Asawa ko" napatigil ako sa sinabi niya.

"Asawa ko? E' hindi naman kita asawa 'e saka sabi ni Daddy pag30 na ako saka ako magaasawa. Five palang kaya ako 'e ikaw 10."

"Basta magiging magasawa tayo balang araw, ako ang unang halik mo at sisguraduhin kong ako lang ang hahalik sayo" suminghot-singhot ako sa harap niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Tara Gail, magpakasal na tayo"

"Sige Calvin gusto ko yan, pero wala naman tayong  sising eh"

"Meron, nandito sa Bag ko. Halika na Asawa ko" hinila niya ako at pumunta kami sa Chapel ng Hospital. Pagpasok namin ay walang tao sa loob.

"D'yan ka lang Gail huh? Sesenyasan kita paglalakad ka na." tumango ako sa kanya. Tumakbo si Calvin patungo sa may gilid ng Altar, nagthumbs up siya sa akin kaya lumakad na ako papalapit sa kanya.

Nang makarating ako sa Harap niya ay hinawakan niya ang kamay ko, nanginginig at malamig ang kamay niya. May kinuha siya sa loob ng Bag niya at doon tumambad sa kin ang isang balot ng Cheese ring. Binuksan niya ito gamit ang ngipin niya , agad naman akong kumuha ng dalawa at isunubo.

"Bakit mo kinain ? Singsing natin yun 'e " pinalo niya ang kamay ko. Napanguso nalang sa ginawa niya. Favorite ko kasi ang Cheese kaya lahat ng pagkain na may flavor nun ay gusto kong kainin kaso sabi Ni Mommy hindi daw healthy yun.

"Wala namang pari 'e " hindi naman kasi ganito yung kasal nila  Tita Cheska.

"Nasa harap naman tayo ni Papa God kaya okay lang yan" binigay niya sa akin ang isang Cheese ring at pinagbawalan na wag kainin ito. 

"Ako si Calvin Jan Marquez tinantanggap si Princess Gail Silvano bilang aking asawa at nangangako akong mamahalin at aalagaan siya habang buhay sa hirap man o sa ginhawa" pagkatapos niyang sabihin iyon ay isinuot niya sa palasingsingan ko ang Cheese Ring.

"Ikaw naman"

"Ako si Princess Gail Silvano tinatanggap si Calvin Jan Marquez bilang aking asawa.  Nangangako akong ipapahiram ko ang mga laruan ko at hindi pagdadamutan ng Cheese sa hirap man o sa ginhawa" sunuot ko naman ang kanya.

"You may now kiss the Bride" ani niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi pero habang ginagawa niya yun ay kinuha ko ang isang balot ng Cheese ring sa likod niya.

"Kulit mo talaga" pinitik niya ang ilong ko at binigay na sa akin ang Cheese ring. Agad ko namang kinuha yun at kinain. Grabe ang sarap talaga nito!

"I love you asawa ko"

"I love you din hehe" 

"Gail wag na wag mo itong sasabihin kila Papa huh ?! Kasi papagalitan tayo nun. Lalo na ikaw"

"Oo secret lang natin 'to. Wag kang magaalala, walang makakaalam basta bibili mo ko lagi ng ganito"

"Sige bah! Basta Huh? Asawa na kita"

"Oo nga Calvin, kulit mo naman. Laro na tayo ulit?"

"Oo ba, balik na tayo sa playground" magkahawak kamay kaming lumabas mula sa Chapel, napalingon ako sa isang Madre doon. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik.

Naglaro kami ng naglaro hanggang sa sinundo kami ng Papa niya.  Nakita kong pinapagalitan siya ni Tito Kelvin. Hindi ko alam kung bakit pero nakayuko lang si Calvin at tahimik na nakikinig kay Tito.

"Gail mauna kana sa taas hinahanap ka na ng Tatay mo, sige na" sabi ni Tito nang nasa 1st floor kami ng Hospital.

"Calvin, mamaya huh?" tumango siya sa akin at kiming ngumiti. Umakyat na ako sa 3rd Floor, pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Mommy tulog parin siya. Nasa gilid niya si Daddy na kausap ng masinsinan si Tita Cassy. Umiiyak siya at hindi ko alam kung bakit.

"Aalis na raw next week sila Calvin, alam mo ba yun?" tumabi sa kin si Kuya Darwin.

"Saan sila pupunta kuya?"

"Sa States , doon na raw sila titira" nalungkot ako sa sinabi niya.

Bakit? Bakit sila aalis? Kakakasal palang namin ni Calvin tapos maghihiwalay na kami. Kailangan ko gumawa ng plano, sabihin ko kayang hinalikan ako ni Calvin?

Maya-maya lang ay nagising si Mommy, sabay na pumasok sila Tita Sabrina na dala ang bagong baby brother ko at si Tito Kelvin na hawak si Calvin.

"Mommmy Calvin kissed me" umiiyak na sumbong ko kay Mommy. Ayokong umalis sila Calvin.

"Hoy Kelvin pagsabihan mo yang anak mo" sigaw ni Mommy kay Tito.

"Sis hayaan mo na pumapag - ibig na ang anak natin" sabi Tita Cassy habang ginugulo ung buhok ni Calvin.

"Oo nga mare! Gwapo ng  anak ko maganda anak mo! Perfect couple" hirit naman ni Tito Kelvin

"Basta  baby pa to Bawal muna" sabat ni Daddy. Nang ibigay na ni Tita Sabrina kay Mommy ang baby ay doon na sila nagkagulo.

Lumapit sa akin si Calvin at hinawakan ang kamay ko

"Huwag mo kong iwanan." sabi ko sa kanya.

"Hinding-hindi, Asawa ko"

Unchained DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon