"My, sige na"
"Gail, hindi pwede"
"My, bakit hindi pwede? Sige na My, pumayag kana."
"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka! Pagsinabi kong hindi pwede, hindi pwede." mas lalo ako ang humikbi sa harap n'ya. Kasalukuyan, nasa loob kami ng kwarto namin ni Gwen. Nakahiga ako sa kama habang nagwawala at umiiyak samantalang si Mommy naman ay nasa kama ni Gwen at nakikipagtitigasan sa akin.
"Bakit ba kasi hindi pwede?!"
"Kasi nga bata ka pa! Ang layo ng America Gail! Bakit ba kasi gustong-gusto mong sumama doon?!"
"My, si Calvin kailangan n'ya ako. Hindi pa kami naguusap ng umalis sila nung nakaraang linggo." napahawak si Mommy sa kanyang noo at parang hindi na alam ang gagawin.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin sayong bata ka, kung pupunta ka man roon. Sinong kasama mo? Hindi ka rin maasikaso ng Ninang Cassy mo roon dahil kay Calvin. Anak, five years old ka palang hindi ka pwedeng mawalay sa amin. Hintayin mo na lang ang dalawang taon, marami ka namang kalaro na iba d'yan d'ba? Wag mo munang isipin si Calvin kasi kailangan n'ya talagang umalis."
"Bakit? Bakit ba kailangan n'yang umalis?"
"May sakit kasi siya, princess." mas lalo akong umiyak. Kailangan ko sumunod doon kahit anong mangyari, kasi noong may sakit si Daddy laging nasa tabi n'ya si Mommy. Dapat ako din nasa tabi ni Calvin ngayon dahil asawa n'ya ako.
"Please My? Hindi na ako kakain ng junk food. Kahit Cheese ring basta pumayag kana." umiling si Mommy, wala na akong nagawa kundi magtago sa ilalim ng kumot at umiyak ng umiyak.
Ilang araw akong ganun, hindi lumabas at hindi kumakain. Kilala ako nila Daddy, pag ginusto ko ang isang bagay lagi akong nagwawala para makuha yun. Hindi ako spoiled brat dahil hindi naman material na bagay ang gusto, ang gusto ko lang naman makasama si Calvin, masama ba yun? Hindi naman d'ba? Bakit hindi nila ako maintindihan?
"Gail?!" kinuha ko ang unan at nilagay sa tenga ko.
"Gail?! Hoy, gising na!" yugyug n'yang muli.
"Ano ba?! Gwen, wag ngayon." hinila n'ya ang kumot at unan na gamit ko. Bumungad sa akin ang mukha n'ya nakangiti at pansin kong kulay pink ang ngipin at labi n'ya, siguro kumain na naman 'to ng lips lollipop.
"Aalis raw tayo! Pupunta daw tayong america sabi nila Mommy!" napatayo ako sa balita n'ya.
"Talaga?!" tumango si Gwen at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay n'ya at tumalon-talon sa kami sa ibabaw ng kama ko.
"Makikita ko na si Calvin!" tumigil si Gwen at kumunot ang noo n'ya.
"Calvin ka d'yan! Kuya Calvin, ganito kaya siya katanda sa atin." sabi n'ya sabay taas ng kanan n'yang kamay.
"Sabi ko nga, Ca—Kuya Calvin."
Bumaba kami sa unang palapag ng aming bahay, nakita ko ilang gamit namin na nakaimpake na. Hinanap ng mata ko si Mommy pero wala s'ya sa sala kaya nagtungo ako sa kusina at naabutan s'yang nagluluto doon. Tumakbo ako at niyakap siya sa likod ng kanyang binti.
"Sus bumaba din ang maarteng prinsesa." pumantay s'ya sa akin kaya pinugpog ko ang mukha n'ya ng maliliit na halik.
"Thank you, thank you, thank you, thank you, thank you, thank you, thank you talaga Mommy."
"Sarap naman ng kiss ng baby ko, alam mo namang hindi kita matitiis eh at tama ka nakausap ko si Ninang mo, hinahanap ka ni Calvin sa kanila. Sorry, baby hindi ko naisip na kailangan ni Calvin ng companion dahil alam kong nahihirapan s'ya sa sitwasyon n'ya ngayon." ngumiti ako sa kanya at yumakap uli. Pagkatapos ay sinabihan n'ya ako na kumuha na ng damit na kakailanganin kong dalhin kaya dali-dali din akong umakyat sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Unchained Devotion
RomanceGail fall in love with Calvin when he married her at the age of five. No proper ceremonies, vows and rings. All they wanted to do is marry each other infront of the altar. Sa murang edad ni Gail ay parang naging isang laro ang kasal para sa kanya, a...