"Dapat hindi n'yo na sinama si Calvin, okay lang naman kung hindi mo kami ihatid sis." tahimik lang ako nakikinig kay Mommy na kausap si Ninang Cassy. Nasa airport na kami ngayon, inaantay na tawagin ang flight number namin.
"Eh mapilit itong batang 'to eh, gusto n'ya raw magpaalam ng personal kay Gail."
"Eh kasi nga crush n'ya si Gail, Honey naman nagmana lang sa akin si Calvin. Ganyan kami ka-territorial sa babaeng gusto namin." agad na piningot ni Ninang Cassy si Tito Kelvin.
"Sinabi nang bata pa ang mga 'yan eh! Kailan ka pa naging si Kupido ha?" umaray lang si Tito at lumayo kay Ninang. Ngumiti siya sa akin at pumantay sa taas ko.
"Wag kang magalala Gail akong bahala d'yan sa anak ko, basta hinatayin mo siya ha?" lumapit si Tito sa tenga ko at bumulong.
"I know your secret, future daughter-in-law." pagkatapos ay kinurot n'ya ang magkabilang pisngi ko.
"Ang cute-cute mo talaga, bagay na bagay ka sa anak ko." nagulat ako nang may humila sa akin at nilagay sa may likod n'ya.
"Pa! wag mo ngang kurutin si Gail!" sigaw ni Calvin.
"Damot n'to" nakalabing sabi ni Tito. Sumimangot lang si Calvin at hinila ako paupo sa mga waiting chairs doon. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"Ilang oras na lang aalis na kayo, mamimiss talaga kita."
"Magpagaling kana kasi para nakauwi na rin kayo." ano ba kasi ang sakit n'ya at parang hirap-hirap siyang magpagaling?
"Hindi ko susubukan, gagawin ko kasi alam kong may naghihintay sa akin, basta susulat ka ha? para naman hindi kita mamiss at may dahilan ako para magpagaling."
"Panget pa sulat ko eh, okay lang? hanggang letter R palang ako ang hirap kasi nung sunod eh. Mapapaturo na lang ako kalila Kuya." ngumiti siya sa akin at hinalikan ang likod ng palad ko bago n'ya ipulupot ang mga daliri n'ya sa akin.
"Flight 9881 Philippines." tinawag na ako ni Mommy ang mga kapatid ko ay nauna nang pumasok sa loob kasama ni Daddy. Tumingin ako kay Calvin para sana magpaalam na kaso ang pula na ng mata n'ya at puno na ng mga luha ang pisngi n'ya.
"Gail, Tara na." tumayo si Calvin at hawak kamay kami lumapit kay Mommy.
"Nak, bitawan mo na si Gail." ani ni Tito, umiling ng ilang beses si Calvin. Inakbayan siya ni Tito at may binulong dito, ilang minuto pa ay binitawan niya rin ang kamay ko at yumakap kay tito, umiyak sa bisig nito
"Bye, Calvin. Babalik ka ha? Hihintayin kita." sigaw ko nang malayo na kami ni Mommy.
"Babalik ako at sayo lang ako, tandaan mo yan!" sigaw niya pabalik.
Ganoon din ako, sayo lang ako Calvin tatandaan ko yan habang buhay.
Ilang linggo na simula nang makabalik kami dito sa pinas. Na-enrolled na ako nila Mommy, magsisimula na rin ang pasukan sa susunod na buwan. Ang palitan ng sulat namin ni Calvin ay walang palya, yung una hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon pero nang turuan ako nila Kuya ay unti-unti ko itong naintindihan at nagagawa ko na rin sumulat ng pabalik na maayos ang pagkakasulat.
"Hi, anong pangalan mo?" tanong ng katabi ko sa akin. Maganda siya at maputi, ang buhok niya ay nakabraid na parang si Elsa.
"Princess Gail Silvano, ikaw?" binitawan ko ang lapis at tinago ang hindi pa tapos na sulat sa loob ng bag ko.
"Cyril Ann Gomez, ano yang sinusulat mo Gail?" takang tanong n'ya. Unang araw palang kasi namin ngayon sa klase, nasa ika-unang baitang na ako ngayon pero hindi pa rin kami natigil ni Calvin na magpalitan ng sulat kahit na tuwing kaarawan ko ay lagi akong pumupunta sa States.
BINABASA MO ANG
Unchained Devotion
RomanceGail fall in love with Calvin when he married her at the age of five. No proper ceremonies, vows and rings. All they wanted to do is marry each other infront of the altar. Sa murang edad ni Gail ay parang naging isang laro ang kasal para sa kanya, a...