"Calvin? Gail?" umalis ako sa ibabaw ni Calvin at umupo sa gilid ng kamay n'ya.
"Anong ginagawa n'yong dalawa?" nakangising tanong ni Tito Kelvin.
"Malamang magkayakap sila, Hay naku Kelvin, may anak na tayo lahat-lahat tapos slow ka pa rin." nakabusangot na sabi ni Ninang Cassy.
"Kayong dalawa talaga." natatawang sabi ni Mommy.
"Namiss ko po kasi si Calvin, My, Nang, Tito."
"Calvin talaga?" hindi nawala ang mapanuksong ngisi ni Tito Kelvin.
"Pa!" sigaw ni Calvin sa tabi ko.
"Ano ka ba ganyan naman talaga ang tawag n'ya sa anak natin kahit na limang taon ang agwat nila. Ikaw talaga Mahal, bata pa ang mga yan. Itigil mo na ang pagiging kupido sa dalawa."
"Sus, ganyan ang mga da moves ko dati Cassy, kaya nga nakuha kita noon d'ba?"
"Naglandian pa ang dalawa, Tama ang Tito Kelvin mo Gail. Kuya Calvin dapat, Kuya mo yan d'ba parang sila Kuya Daren mo lang." tumingin si Calvin sa akin na nakanguso.
"Tara na, Gail. Uwi na tayo." wala na akong nagawa at nagpaalam na kalila Ninang Cassy.
"Bye Cal—Kuya Calvin." tinagunan lang ako at sumimangot. Hanggang sa paguwi namin ay paulit-ulit pinapaalala sa akin ni Mommy na dapat marunong akong gumalang sa nakakatanda sa akin.
Asawa ko si Calvin, My. Yan ang gusto ko sabihin pero nalala ko na secret lang pala naming dalawa yun kaya tumahimik nalang ako. Pagdating sa bahay nila Lola ay dumiretso ako sa Kwarto at nakita ko si Gwen na naglalaro ng bagong laruan n'ya sa kama namin. Medyo malaki kasi ito kaya nagtabi na lang kami.
"Nagkita na kayo?"
"Oo kaso saglit lang eh, may laruan din ako?"
"Meron, may dress nga rin galing kalila lola eh. Akin yung pink ha? sayo yung violet."
"Pwede pink akin, please Gwen bagay kasi dito eh." sabay pakita ko ng necklace ko.
"Hiraman nalang tayo, sige ikaw muna gumamit ng Pink ako muna sa violet." tuwang-tuwa ako na napayakap kay Gwen. Naglaro kami noon hanggang sa mapagod kami at tabi nang natulog.
Araw-araw dinadalaw ko si Calvin at nakakainis nga kasi araw-araw na rin akong hinahalikan pag kaming dalawa lang ang naiiwan sa kwarto n'ya. Unti-unti parang nasasanay na ako sa mga pandampi ng mga labi namin, yung para bang lagi sa tuwing pumupunta ako roon hindi ako pwedeng umalis nang walang kiss mula sa kanya.
Isang buwan ang tinagal namin sa america, bukas na ang balik namin. Pinipilit kong magpaiwan pero ayaw nila Mommy, matatapos na raw ang bakasyon kailangan na raw namin umuwi para makapagenroll. Ngayon ang araw ang huling bisita ko kay Calvin, kagabi palang ay panay na ang iyak ko. Ayaw na ayaw ko siyang iwan dito pero hindi pwede eh kailangan ko bumalik, kailangan namin bumalik.
Sinuot ko ang pink na dress, sleeveless ito kaya medyo nilalamig ako pero okay lang basta maganda ako sa paningin ni Calvin. Nang makita ako ni Mommy ay binigyan n'ya ako ng jacket dahil bumagsak na raw ang temperature ng lugar na ito sa pinakamababa. Hinatid kami ni Daddy, sa daan ay pinaguusapan nila kung anong flight ang kinuha para sa amin bukas. Tahimik lang ako nakaupo sa likod habang hawak ang pendat ng necklace ko ng mahigpit sa kabilang kamay ko naman ang bughaw na kahon na naglalaman ng sulat na ginawa ko bago kami lumipad patungo sa america.
Pagkapasok pa lang sa kwarto ay sinalubong na kami ng mainit na yakap nila Ninang, hindi pa raw sila kumakain kaya pinaiwan ako nila Mommy dahil kakain at may paguusapan muna daw sila sa malapit na restaurant. Pagmay problema ay tumawag lang raw ako ng Doktor.
Tulog si Calvin pero nang magsara ang pinto ng kwarto at wala na sila Mommy ay biglang nagmulat ito at bumangon. Kumaway ako sa kanya at siya naman ay kumindat lang.
"Ang ganda mo ngayon." humagigik ako, lagi naman akong maganda sa paningin ni Calvin pero nahihiya ako sa tuwing sinasambit n'ya ang mga katagang iyan.
"Ikaw din Kuya Calvin." nakangiting sagot ko habang papalapit sa pwesto n'ya.
"Psh, Kuya ka d'yan!" lumukot ag mukha nya at sumimangot.
"Kuya naman kita ah!"
"Hindi kaya!"
"Oo kaya!"
"Asawa kaya kita!"
"Oo nga!"
"I love you!" ngumiti lang ako sa kanya.
"Ay di sumagot, umuwi ka na nga ah. Babalik na ako sa pagtulog."
"Hala, I love you too. Oh ayan na ah!"
"Gail, tumawag ka ng Nurse. Labas tayo may ipapakita ako sayo." ginawa ko naman agad yun. Ngumiti lang sa akin ang nurse at sumama sa loob. Maayos n'yang napaupo sa wheelchair si Calvin pati ang bagay nakakabit sa kamay nito.
Si Calvin mismo ang nagmiaobra ng kanyang wheelchair nagelevator kami at tumigil sa pinakalast na floor. Ngumiti s'yang hinila ang kamay ko, napanganga ako sa ganda. May Garden pala dito, puro rose at ibat-ibang klase ng bulaklak ang makikiya mo rito.
Pinaupo ako ni Calvin sa isang bleachers, humarap naman s'ya sa akin. Tahimik lang siyang nakatitig habang hawak hawak n'ya ang mga kamay ko.
"Uuwi ka na bukas, d'ba?" agad n'yang pinunasan ang butil ng kanyang luha.
"Mamimiss kita." ngumiti s'ya sa akin kahit umiiyak s'ya.
"Ako din, babalikan mo naman ako d'ba?" hindi ko na napigilan at napahikbi na rin ako.
"Promise, babalik ako tapos ibibigay sayo ang kapares nito pero sa ngayon akin na muna ha?" sabay lagay n'ya ng singsing sa palasingsingan ko. Natawa s'ya dahil sobrang luwag nun kaya sa hinalalaki n'ya muna nilagay.
"Dapat lagi mong suot 'to, wag mo iwawala kundi hindi na ako babalik sayo."
"Thank you, rose din siya oh parang ganito" sabay pakita ng pendat na nasa necklace ko.
"Nilaminate ko yan para di masira yung bulaklak, maganda ba?" dagadg ko. Ngumiti siya sa akin.
"Ito naman ibibigay ko sayo, Ingatan mo rin yan ha?" sabay abot ko ng Blue box na dala ko.
Dali-dali n'yang binuksan yun at binasa isa-isa, hindi ko alam kung nababaliw ba si Clavin dahil puro iyak at tawa ang naririnig ko habang pinapanuod s'ya.
"Sana mabalikan nga kita, Gail. Sana nga." inayos n'ya ang box at nilagay sa ilalim ng wheelchair n'ya.
"Natatakot ako Gail, natatakot ako baka di na ako tumagal."
"Bakit naman? aalis ka na naman ba ulit? saan na naman kayo pupunta?"
"Hindi ko alam, may sakit kasi ako Gail."
"Bakit naman? ano kaba gagaling ka Calvin, maniwala ka."
"Hindi eh narinig ko sila Mommy, mababa ang chance eh." umiyak siya ng umiyak kaya tumayo at niyakap siya. Lagnat nga gumagaling diba? bakit ba hindi s'ya naniniwalang gagaling s'ya.
"Masaya na ako, kasi kasama kita. Naging asawa kita, mahal mo pa ako kahit alam kong hindi mo pa naiintindihan kung anong meron tayo, kahit bata ka pa at least naranasan kong magmahal. Naramasan kong mahalin ka."
"Magartista ka nalang kaya, galing mong umarte eh. Di na ako bata nuh! May asawa na nga ako eh. " tumawa lang siya at niyakap ako pabalik.
"Lalaban ako, Gail. Babalikan kita tandaan mo yan"
"Maghihintay ako Calvin tapos kakain ulit tayo ng Cheese ring ng sabay."
"Mukha ka talagang cheese."
"Heh!"
"Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na hindi tayo magkatuluyan." muli pa n'yang sabi ako n'ya idampi ang labi n'ya sa akin.
A/n: Your votes and comments are highly appreciated and my inspiration to continue this story 💕. Enjoy reading :)
BINABASA MO ANG
Unchained Devotion
Storie d'amoreGail fall in love with Calvin when he married her at the age of five. No proper ceremonies, vows and rings. All they wanted to do is marry each other infront of the altar. Sa murang edad ni Gail ay parang naging isang laro ang kasal para sa kanya, a...