Chapter Two

485 13 12
                                    

Isang linggo nagstay si Mommy sa Hospital sympre isang linggo din kaming naglaro ni Calvin sa playground at isang linggo din niya akong binilhan ng cheese ring katulad ng pangako niya.

Medyo nagtataka nga ako dahil nandun lagi sila Tito Kelvin at Tita Cassy sa Hospital hindi naman sa pagaano pero hindi daw sila nandun para samahan si Mama, may ibang ginagawa din sila sa Hospital sabi ni Calvin nang tanungin ko s'ya. Hindi nama doctor sila Tito o Tita o kaya nurse man lang, ibig sabihin may isang nagpapagamot sa pamilya nila kaya laging silang naroon. Sabi kas ni Kuya Daren dalawa lang daw ang dahilan kung bakit nagpupunta ang mga tao sa hospital either bibisita o magpapagamot sympre kabilang na rin ang mga nagtratrabaho pero katulad nga ng nauna kong sinabi hindi man doctor or nurse sila.

Huling araw na namin dito dahil bukas ay pwede nang makauwi si Mommy at si baby speed. Ibig sabihin nun huling araw na naming maglalaro ni Calvin ngayon.

Nakaupo kami ngayon ni Calvin dito swing, medyo nagtatampo ako sa kanya dahil nalaman kong aalis sila patungong states sa susunod na buwan. Halos ata ng kakilala ko alam yun pero ako hindi kung hindi pa sinabi sa akin ni Kuya Darwin, siguro hanggang makaluwas sila ay wala pa rin akong alam. Magasawa na kami ni Calvin d'ba? Dapat walang sekretong tinatago at hindi nasisinungaling sa isat-isa. Sabi yun ni Mommy nang magaway sila ni Daddy.

"May dala ako ulit, Gail cheese ring oh!" Inismiran ko lang s'ya at hindi pinansin. Nakangusong umirap ako sa kanya. Kainis ka Calvin, gusto ko na tuloy hiwalayan ka at maghanap ng bagong asawa.

"Hoy, galit kaba? Bati naman tayo kahapon 'ah!" Nanatiling nakatingin ako sa ibang gawi habang nakahalukipkip.

"Hindi pwede 'to! Hindi pwedeng magalit ang asawa ko" rinig kong sigaw niya. Iniwan niya ang malaking cheese ring sa swing niya at umakbo palayo sa playground, maya-maya lang ay bumalik siya na may tatlong pink na rose sa kamay niya. Lumuhod siya sa harap ko at inilahad sa akin ang roses na dala niya.

"Asawa ko para sayo" hindi ko siya pinansin. Akala niya ba ngayon lang ako nakakita ng rose? Every valentines day kaya may hawak ako n'yan. Pinapahawak ni Daddy sa tuwing isusurprise n'ya si Mommy.

Sinilip ko siya at ganoon nalang ang takot ko nang makita kong pula na ang paldang puti na pinasuot sa akin ni Mommy kanina, umaagos ang dugo galing sa braso ni Calvin.

"Calvin...." kinuha ko ang rose na dala n'ya at tinabi yun sa gilid. Hinablot ko ang kamay n'ya para tingnan at ganoon na lang ang paginit ng sulok ng mata ko nang makita kong may tinik na nakabaon sa palad niya. Nagsimula na akong humikbi. Hindi pwedeng mamatay si Calvin, Hindi! Ayokong mabyuda katulad ng kapitbahay naming masungit.

"Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba ng rose na binigay ko? Hindi ba pink ang favorite color mo?" Umiling ako habang umiiyak.

"Waaaahh mamatay ka na , mamatay na asawa ko tapos... hala.... naku po.... mabyubyuda ako tapos tatanda akong magisa namasungit katulad ni Manang bebang" tumawa siya ng tumawa sa inis ko ay mas humagulgul pa ako sa harap niya. Sige pagtawanan mo ko, atleast mamatay kang masaya kahit papaano. Nilabas niya ang blue niyang panyo at pinunasan ang luha ko habang nakangiti ng malaki. Sa inis ko ay kinuha ko iyon at binalot sa kanyang kamay niya.

"Halika na Calvin, pasok na tayo sa loob bago ka pa maubusan ng dugo" sigurado akong maputla na ang mukha ko sa oras na ito. Tumayo ako sa pagkakaupo pero nantiling nakaluhod si Calvin at may matamis na ngiti sa kanyang labi.

"Ano ka ba? Umupo ka nga. Hindi ako mauubusan ng dugo, ang kyut mo talagang mataranta kahit kelan" ginagawa ko ang sinabi niya, nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakangiti pa rin. Titig na titig siya sa mata ko at maya-maya lang ay bumaba ang tingin n'to sa ilong ko, kinurot n'ya 'yun ng may gigil. Ngumuso lang ako sa kanya.

"Bakit ba hindi mo ko pinapansin o kinikibo man lang?"

"Kasi hindi tayo bati, bleh." I stock out my tongue at him.

"Bakit hindi tayo bati?" Nakalabing dagdag niya.

"Kasi galit ako sayo"

"Bakit ka galit sa akin?"

"Kasi sinungaling ka"

"Bakit ako naging sinungaling?"

"Ewan ko sayo ang dami mong tanong!"

"Eh paano ako hindi magtatanong sa wala naman akong ginagawa sayo tapos bigla~bigla ka nalang nagagalit d'yan"

"Anong wala kang ginagawa? Meron kaya! Sinungaling ka! Akala ko ba asawa na kita eh bakit hindi ka nagsasabing aalis na pala kayo huh?! Na titira na kayo sa States at iiwan mo na ako! Sige umalis ka para maghanap na ako ng iba kasi ngayon palang hiwalay na tayo!" Sunod-sunod na sabi ko. I'm panting hard while keeping myself not to cry hard. My heart beats became faster and faster than ever, I never felt this before.

"Hiwalay na tayo? Sige pero sagutin mo muna tanong ko. Bakit ka umiiyak ngayon?" Hindi ako sumagot, humagulgul lang ako sa harap. Tumayo siya at kinuha ang dalawang kamay ko para ipulupot sa balakang niya. Habang nakayakap ako siya kana ay panay naman ang paghagod nya sa likod ko.

"Dalawang taon lang naman 'yun Gail. Paguwi ko panigurado bagong plait na ang lahat ng ngipin mo sa harap. Sabi ni Mama hindi naman raw kami titira roon, may binisitahin lang daw at magbabakasyon. Wag kang magalala sa 7th birthday mo pupunta ako at dadalhan ka ng cheese ring. Ayos ba yun sayo?" Humiwalay ako sa kanya at tiningnan siya, I stood up and hold his face.

"Promise?"

"Promise." Nilapit nya ang mukha niya sa akin, kusang pumikit ang mata ko dahil pakiramdam ko maduduling ako sa klase ng pagkatiting niya. Ilang segundo lang ang lumipas nang may maramdaman akong mainit na bagay sa ibabaw ng labi ko. Hindi iyon gumagalaw nakasteady lang yun at nakadampi ng magaan. Matagal din bago siya lumayo sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya, hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako katulad ng ginagawa ni Daddy kay Mommy bago kaming matulog lahat. Ibig sabihin ba nito talagang magasawa na kami ni Calvin.

"Gail?" tawag ni Calvin. Hindi ko siya pinansin masyadong okyupado ang utak ko sa nangyari. Hinawakan niya ang kamay ko at ganoon nalang ang pagiwas ko nang may maaramdaman akong kakaibang kuryente mula sa kamay niya na dumadaloy sa kamay ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay napatakbo ako palabras ng playground. Palayo sa kanya.

"Gail!" naring kong sigaw niya. Hindi ako lumingon, patuloy lang ako sa pagtakbo at ramdam ko ring ang pagsunod niya kay mas lalo ko panh biniisan ang pagtakbo ko. Bakit ganito? Ano ba itong nararamdaman ko? Daig ko pa ang kumain ng isang malaking tobleron sa sobrang pagkahyper ko para hindi ako hingalin sa pagtakbo. Nakapasok na kami sa loob ng Hospital ,hindi ako sumakay sa kahon na umaandar dahil hindi ako marunong kaya naghagdan ako.

Nakaakyat na ako sa second floor nang mapansin kong wala na sa likod ko si Calvin. Bumalik ako at bumaba sa hagdan at doo nakits ko siyang nakahandusay at walang malay. Dali-dali akong pumunta sa tabi niya.

"Calvin ayos ka lang?" Hindi siya sumagot, namumula ang mukha niya at naghihingalo siya.

"Anong problema Calvin?" nataranta na ako ng ipikit niya ang mata niya at parang hindi na sya humahinga.

"Saglit lang, Hintayin mo ko. Tatawagin ko sila Daddy." tumakbo na ako patungo sa kwarto ni Mommy.

"Oh Baby, saan ka galing? At pawis na pawis ka." Ani ni Daddy.

"Dy si Calvin hindi na po humihinga" pagkasabi ko nun ay automatic na tumayo si Tito Kelvin.

"Nasaan siya? nasaan?!" sigaw nya nang makalapit siya sa akin, hindi ako nakasagot at humagulgul lang.

"Wag mo naman sigawan yung anak ko, Baby nasaan si Calvin?" mahinahong tanong ni Daddy Paul.

"Sa Hagdan---po." Lumabas na sila Daddy, ilang minute akong pinatahan ni Mommy bago ako sumunod. Paglabas ko ay nasa bisig na ni Tito Kelvin si Calvin.

"Sinabi ko na, sinabihan na kita Cassy. Hindi siya pwedeng mapagod pero pinaglalaro mo pa din siya. Kung nakinig ka sana sa akin edi sana hindi mangyayari to." Hindi ko alam kung bakit pero nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni Tito. Kasalanan ko 'to. kasalanan ko kung bakit nangyari 'to.

Unchained DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon