"Shit! Kung ba't ba kasi ngayon lang nagka'traffic. Gagabihin na naman ako nito. Nakakainis talaga!"
Si Mylene ay nagtratrabaho sa isang kompanya sa siyudad at umuuwi siya sa baryo nila tuwing katapusan ng buwan.
Nakatingin siya sa labas ng bintana habang nakasakay sa isang airconditioned bus. Medyo marami din ang mga pasahero nun kasi biyernes at araw ng sweldo kaya nagsisipag-uwian ang mga nagtrarabaho sa kani-kanilang mga lugar.
"Iha, mag-iingat ka sa iyong pag-uwi ha", sabi ng matandang nakatabi niya na parang bababa na.
Nagtaka si Mylene sa sinabi ng matanda. "Ano daw? Sino naman kaya ang matandang ito at feeling close." sabi ni Mylene sa sarili.
"BASTA ANONG MANGYARI DIRETSO KA LANG SA IYONG PAGLALAKAD.", pahabol na sabi ng matanda habang pababa na sa bus.
Napaisip si Mylene, "Ano kaya ang ibig sabihin ng matandang yun? Ah basta, hindi ko naman siya kilala eh, ba't ako maniniwala sa mga matandang tulad niya." sabi niya.
- - - - - -
Dakong alas nuwebe na ng gabi nakauwi si Mylene sa baryo nila. Pagkababa niya sa bus ay agad na malamig na hangin ang sumalubong sa kanya.
"Grrrrr.. Ang ginaw ... Nasaan na ba kasi si Sheila para makauwi na ako. Akala ko ba susunduin niya ako." sabi ni Mylene.
"Maglalakad na nga lang ako."
Bitbit ang mabigat na bag ay agad naglakad si Mylene. Hindi niya alintana ang madilim at walang ka'ilaw-ilaw na daan makauwi lang sa kanilang bahay.
Madilim-dilim din ang daan na kanyang tinatahak at nakapagdagdag pa sa dilim ay ang mga naglalakihang mga punong kahoy na nakapaligid sa daan.
"Badtrip talaga! Madilim na nga ang daan, malakas pa ang hangin." sabi niya.
Nang malayo-layo na ang kanyang nalakad ay parang nakarinig siya ng isang kaluskos. Mahina lang ito sa umpisa ngunit ng lumaon ay parang lumalakas ito at parang mas lumalapit sa kanya.
Natakot si Mylene.
"A-a-ano kaya yun? sabi niya sa kanyang sarili.
Naalala niya ang sinabi ng matanda kanina.
"BASTA ANONG MANGYARI DIRETSO KA LANG SA IYONG PAGLALAKAD.
Natakot si Mylene. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng matanda kanina.
Patuloy parin siya sa kanyang paglalakad dahil gusto na niyang makauwii at natatakot na rin siya.
Mas lumalakas nakaluskos ang narinig niya. Hindi na natiis ni Mylene kaya lumingon siya sa likod at hinanap ang kanina pa gumagawa ng kaluskos.
"Si-si-sino ka? Ma-ma-magpakita ka! Wag mo akong tatakutin dahil hindin ako natatakot sayo!" inis na sabi niya na may halong takot.
Hindi parin tumitigil ang kaluskos.
Isang malaking mabalahibong anino ang nakita niya. Aninong pamilyar sa kanya. Dahan-dahan itong lumakad papalapit sa kanya.
Nang biglang...
"Mylene! Mag-ingat ka! Aswang yan! Dali ... sumakay ka na! ", sigaw ng isang babae na nakasakay sa isang motor.
"Ha??? Sheila, buti dumating ka!" sabi niya.
Nakita ng malaking anino ang isa pang dumating. At naging mabagsik na ito. Lumakad na ito ng mabilis patungo kay Mylene at nakita ito ni Mylene.
"Sheila! Natatakot ako!" sabi ni Mylene.
"Wag ka nang magsalita pa! Dali! sumakay ka na..!" sabi ni Sheila. Ang pinsan niya.
Dali-daling tumakbo si Mylene patungo kay Sheila at mabilis na sumakay sa motor ni Sheila. Agad namang pinaandar ni Sheila ang motor ng mabilis.
"Sheila, ano yun?" sabi ni Mylene.
"Aswang yun. Yun yung pumapatay dito sa lugar natin." sabi ni Sheila habang nagmamaneho sa motor niya.
Nilingon ni Mylene ang likuran niya.
"Haaa!!! Sheila, nakasunod parin sa atin ang aswang!" sabi niya.
"Putik naman to oh! Kumapit ka at bibilisan ko ang pagpapatakbo ng motor!", sabi ni Sheila.
Kumapit nang husto si Mylene. Nilingon niya ulit ang aswang na nakasunod sa kanila. Nang nakadaan ito sa ilaw ng poste ay parang namukhaan ni Mylene ang halimaw.
Pamilyar ang mukha nito sa kabila ng mabagsik na mukha nito. Gusto niyang isipin kung sino ang mukhang iyon na pamilyar na pamilyar sa kanya.
Nagng mabilis ang pagpapatakbo ni Sheila kaya hindi na sila nasundan pa ng aswang. Pero nasa isip pa rin ni Mylene kung bakit parang pamilyar sa kanya ang mukha ng aswang.
"Sino kaya yun? Parang kilala ko siya." sabi niya.
Itutuloy...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - -
Hello guys! Nagustuhan niyo po ba? Kung hindi, okay lang, first story ko po kasi ito eh'..
Salamat sa pagbabasa. Hehehe. Tulog muna ako.. itutuloy ko nalang po yan bukas.
God bless! - Vampress10 :)
BINABASA MO ANG
Aswang
HorrorAlamin na ang lagim na bumabalot sa Baryo San Juaquin. Sino kaya ang may kagagawan sa mga patayan na nangyayari? Ilang buhay pa ang mawawala? Sino ang susunod? Ikaw kaya?