Hindi gusto ni Mylene na si Gary ang aswang. Alam niya kung sino si Gary at alam din niya na mabuti itong tao at may gusto din siya kay Gary.
Gusto ni Mylene malaman ang katotohanan kung si Gary ba talaga ang aswang. Nilapitan niya ito.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Gary.
"Ga..ga..gary ,... " - Mylene
"Haa... Anong ginagawa mo dito Mylene? Bakit ka nandito?" - Gary
"Sinundan kita Gary, dahil nakita kitang tumatakbo." - Mylene
"Hindi ka na sana pumunta dito Mylene. Nanganganib ang buhay mo! Hindi kita gustong malagay sa panganib.", sabi ni Gary.
"Gary, gusto ko lang sana itanong kung ikaw ba ang aswang?" - Mylene
"Anong ako? Hindi ako ang aswang Mylene." - Gary
"Bakit may bahid ka ng dugo sa damit mo? Sinong biniktima mo? Umamin ka Gary!" - Mylene
"Haa? Hindi talaga ako ang aswang. May mantsa ng dugo ang damit ko kasi inatake ako bigla ng aswang kanina... Naabutan niya ako habang papauwi na ako sakay ng motor ko. Natumba ako tapos tumakbo ako papasok sa gubat." paliwanag ni Gary.
"Bakit ka hinahabol ng mga tao?", - Mylene
"Hindi ko alam? Baka nakita nila ang aswang na nakasunod sa akin... Basta ang inisip ko lang ay makatakbo ako papalayo sa halimaw." - Gary.
"Umalis ka na Mylene. . Mapanganib dito. Darating din ang aswang dito kaya umalis ka na. Ayos lang ako dito. Ikaw lang ang iniisip ko. Ayokong mapahamak ka. Mahal kita Mylene! Mahal kita!" - Gary
Natigilan si Mylene sa sinabi ni Gary.
"Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako?", sabi ni Mylene sa sarili.
"Ano pa ang ginagawa mo Mylene! Umalis ka na." - Gary
"Hindi... Hindi kita iiwan dito Gary.. Hindi kita iiwan. Haharapin ko kung sino man yang aswang na yan! Para na rin ito sa hustisyang makakamit ng tatay ko." - Mylene
Biglang nakarinig sila ng kaluskos mula sa labas.
Nagkatinginan silang dalawa ,,,, Alam nilang iyon na ang aswang.
Biglang pumasok ang isang lalaki sa kweba.
"Si Fritz! Nandito si Fritz ... Fritz, nandito kami!", sigaw ni Mylene.
Napansin sila ni Fritz . (Ngumiti)
"Nandito lang pala kayo. Ang tagal ko kayong hindi nahanap." - Fritz
"Salamat Fritz at dumating ka.", - Mylene
"Salamat? Bakit ka nagpapasalamat? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon na nakita ko kayong dalawa dito sa loob ng kweba?" - Fritz
"Anong ibig mong sabihin Fritz?" - Mylene
" Hindi mo ba alam Mylene? Manhid ka bang talaga? Gusto kita Mylene at ayaw kong may kasama kang ibang lalaki. Gusto ko ako lang ang kasama mo!", - Fritz
"Fritz, hindi kita gusto... Parang kapatid na ang turing ko sayo." - Mylene
"Kapatid?!!! Ano ako? Kuya o bunso mo? Gusto kita Mylene kaya dapat mahalin mo rin ako!!!!" - Fritz
"Fritz, layuan mo na si Mylene, sinisigawan mo na siya!" - Gary
"Wag kang makialam dito Gary, kung hindi ka lang nakatakbo kanina malamang nakalutang na yang katawan mo sa ilog!", - Fritz
Nabigla si Mylene sa sinabi ni Fritz.
"SI FRITZ?? SIYA ANG ASWANG???? sabi ni Gary sa sarili.
"I-i-ikaw ang aswang dito sa baryo San Joaquin Fritz???", tanong ni Mylene.
"Oo, ako nga Mylene. Ako yung aswang na humabol sa yo nung pag-uwi mo dito sa baryo natin. Gawa-gawa ko lang yung nasa tindahan ako nung nakita kita.Ako ang pumapatay ng mga tao. Ako din ang pumatay sa ama mo nung nag roronda sila. Ba't ba kasi sumali-sali pa siya sa mga kumakalaban sa akin eh, yan tuloy ang sinapit niya." -- Fritz
"HAYOP KA FRITZ!!!.WALA KANG AWA!! " - Mylene
" HAYOP NA KUNG HAYOP MYLENE. WALA AKONG PAKIALAM! AKO ANG GUMAGAWA NG LAGIM DITO SA BARYO SAN JOAQUIN! HAHAHAHA!!!." - Fritz
Agad na lumapit si Fritz kay Mylene.
Itutuloy...
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nagustuhan niyo ba ang natuklasan na katotohanan ni Mylene? Na si Fritz ang aswang???
Ano na kaya ang mangyayari kina Mylene at Gary?
Abangan ang susunod na storya.
Thanks for reading!
Godbless :) - Vampress10
BINABASA MO ANG
Aswang
HorrorAlamin na ang lagim na bumabalot sa Baryo San Juaquin. Sino kaya ang may kagagawan sa mga patayan na nangyayari? Ilang buhay pa ang mawawala? Sino ang susunod? Ikaw kaya?