Mag-isang tinahak ni Mylene ang daan patungo sa ilog. Wala siyang kasama. Madilim ang daan at malakas ang hangin. Dinig na dinig niya ang pagaspas ng mga dahon sa mga puno.
Naisipan ni Mylene na tawagan ang ina niya.
“Nay, nandiyan pa po ba si Fritz?” – Mylene
“Naku anak, umalis na si Fritz.” – ina niya.
“Ah, sige po. Bye po.” – Mylene
“Teka anak ….” – ina niya
Hindi na natuloy ang pag-uusap nila dahil binaba na ni Mylene ang cellphone.
“Diyos ko, bantayan niyo po ang anak ko. Ilayo niyo po siya sa aswang na yun.”, sabi ng ina niya na nagdadasal.
Lumalalim na ang gabi ng marating ni Mylene ang lugar na malapit sa ilog.
Habang siya ay naglalakad ay nakarinig siya ng yapak ng tao. Agad siyang nagtago sa may malaking bato at nagmasid.
“Isang lalaki! Sino naman ang lalaking ito at bakit siya nandito sa gubat?” sabi ni Mylene sa sarili.
Hindi makita ng maayos ni Mylene ang mukha ng lalaki. Basta alam niya na parang may sugat ito dahil may bahid ng dugo ang damit nito.
Nakarinig din siya ng ingay. Nakita niya na may maraming tao na may bitbit ng sulo.
Ibinalik niya ang kanyang mata sa lalaki kanina. Bigla itong tumakbo patungo sa gubat.
“Saan kaya siya pupunta? Siya na kaya ang halimaw na hinahanap ko?”, - Mylene
Sinundan niya ang lalaki hanggang pumasok ito sa isang kweba.
Pumasok din siya sa loob dahil gusto niyang malaman kung sino ang lalaki.
Nagtago siya sa isa sa mga malalaking bato sa kweba at nang humarap ang lalaki ay nakita na ni Mylene ang mukha nito.
“Si-
si-
si-
Ga-Gary???
Si-siya ang aswang???” – Mylene
Nagulat si Mylene sa nakita. Hindi siya makapaniwala.
“Totoo ba ito o hindi? Siya nga ba talaga?” sabi ni Mylene sa sarili.
Itutuloy....
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Naku! Si Gary? Siya ang aswang? Kayo, naniniwala ba kayo?
Subaybayan ang mga susunod na pangyayari.
Thanks for reading! :)
God Bless! - Vampress10
BINABASA MO ANG
Aswang
HorrorAlamin na ang lagim na bumabalot sa Baryo San Juaquin. Sino kaya ang may kagagawan sa mga patayan na nangyayari? Ilang buhay pa ang mawawala? Sino ang susunod? Ikaw kaya?