Tinanghali na ng gising si Mylene dahil hindi agad siya nakatulog ng maaga kagabi dahil na rin siguro sa nangyari.
"Anak, mag-aalmusal na tayo!". sigaw ng kanyang ina,
"Pababa na po!" sabi niya.
- - - -
Habang kumakain ay napag-usapan nila ang nangyari kagabi.
"Naku ang aswang na yan, mahuli ko lang.. papatayin ko talaga yan!", sabi ng tatay niya.
"Ba't ba kasi dito napili ng aswang na yan mangulo sa baryo natin. eh wala naman yan noon ah." sabi ng ina niya.
"Aswang?" sabi ni Mylene.
Mag-iisang buwan na siyang hindi umuuwi kaya hindi niya alam ang tungkol sa usap-usapin sa baryo nila.
"Oo, hindi mo pa alam? Yan yung pumapatay dito sa baryo natin". sabi ng ama niya.
Naalala ni Mylene ang sinabi ni Sheila kagabi.
"Aswang? Yung nakasalubong niya kagabi na pamilyar ang mukha?". sabi niya sa sarili.
- -- - - --
Lumabas si Sheila sa bahay nila dahil parang may pinagkakaguluhan ang mga tao.
"May biktima na ulit?" sabi ng isang ale.
"Oo, kulang-kulang na daw ang katawan ng matagpuan ng mga tanod dun sa gubat, wala na din daw laman loob ang katawan". ani ng kausap ng ale
"Grabe na talaga yang aswang na yan." sabi ng isa pa.
Narinig ni Mylene ang usapan ng mga kapit-bahay. Babalik na sana siya sa loob ng may narining siyang sumigaw.
"Mylene! Huuyy.. bumalik ka na pala!" sabi ng lalaking papalapit sa kanya.
"Huy, Fritz ... Ikaw pala." sabi ni Mylene.
Si Fritz ay kababata ni Mylene. Malapit sila sa isa't-isa at parang aakalain na ng ibang tao na mag syota sila. Si Fritz ay hindi nakatapos ng pag-aaral kaya wala pa siyang makitang trabaho sa ngayon.
" Ikaw ha, hindi ka nagsasabi na uuwi ka." sabi ni Fritz
"Alam mo?" - Mylene
"Oo, nakita kaya kita kagabi." - Fritz.
"Ha? Nasaan ka? Wala nga akong tao nakita kagabi eh maliban kay Shiela at yung .... " - Mylene.
"Ano?" - Fritz
"Wala.. kami lang dalawa ni Sheila magkasama pauwi kagabi. Ikaw? Nasaan ka at ba't mo ako nakita?'' - Mylene.
"Ah'? nakita kita nung nasa tindahan ako malapit sa babaan ng bus - sabi ni Fitz na parang .nag-aalangan.
"Ba't mo ako hindi nilapitan. Ikaw ha.. baka magtampo ako.." - Mylene.
"Assuuss... OA mo huh! Hahaha ." - Fritz
"Ikaw talaga! Tara pasok tayo tamang-tama lang pagdating mo, nag-aalmusal pa ako at alam ko rin na malakas ka kumain. Haha." - Mylene.
"Ah, hindi na.. busog na ako eh.. Marami na ako nakain. at tsaka hindi ako malakas kumain nuh!" Fritz
"Oh sige, bahala ka." - Mylene
"Uwi muna ako, marami pa akong gagawin eh." - Fritz
"Mag-ingat ka ha!" - Mylene.
"Bakit naman ako mag-iingat? Hahaha" - Fritz
"Sabi nga ng iba may aswang diba?" - Mylene.
"Ah, oo nga nuh.. marami na daw din yun napatay ah." - Fritz
"Yan ang sabi ng mga tao, kaya mag-iingat ka para hindi ka matulad sa mga naging biktima ng aswang na yun."
"Oo na, uyy.. caring daw siya." - Fritz
"Tsee.. Hahaha.. Lakad na. Baka hinahanap ka na ng nanay mo." - Mylene
"Oh sige, bye! Kita nalang tayo mamaya!" - Fritz
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Oh, ayan ...Nakilala na natin si Fritz na kababata ni Mylene. Hekhek. Abangan pa ang mga susunod na storya ni Frits.
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
Aswang
HorrorAlamin na ang lagim na bumabalot sa Baryo San Juaquin. Sino kaya ang may kagagawan sa mga patayan na nangyayari? Ilang buhay pa ang mawawala? Sino ang susunod? Ikaw kaya?