Pagkamatay ng Ama ni Mylene

1.3K 31 4
                                    

 Nung araw na yun ay nagpatawag ng pagpupulong ang kanilang kapitan.

"'Mga kababayan ko, sobra-sobra na ang ginawang pagpatay ng aswang sa ating bayan. Kailangan nating magtulungan para maihinto na ang patayang ito. Kung sino man ang makakahuli ng aswang na yan ay gagamtipalaan ko! - Kapitan

Nag usap-usap ang mga tao sa kanilang gagawin para mahuli na ang aswang. Napagkaisahan nila na may mag roronda na grupo gabi-gabi.

- - -  - 

Isang gabi ay nag roronda ang mga kalalakihan at isa sa kanila ay ang ama ni Mylene. 

Naghiwa-hiwalay sila at nang malayo-layo na ang nalakad nila ay nakarinig ng kaluskos ang ama ni  Mylene.

"Mang Berto, ano po ang problema?" sabi ng isa niyang kasamahan,

"Ah, wala.." - Mang Berto

Nagpatuloy ang kaluskos kaya hindi mapigilan ni Mang Berto na sumunod sa kaluskos at hindi na niya namalayan na napahiwalay na siya sa grupo.

Nang marating na niya ang bandang malapit sa malaking puno ay agad na lumabas at nagpakita ang aswang. Kakaiba ang anyo nito. Malaki, mabalahibo, matatas ang mga kuko, nalilisik ang mga mata at matatalim ang mga ngipin.

Nabigla si Mang Berto.

"Ahhh!!! Aswang!! Tulong!" - Mang Berto.

Pero huli na ang lahat. Agad na inatake ng aswang si Mang Berto. 

Kinaumagahan ay nakita ng mga tao ang kalunos-lunos na sinapit na katawan ni Mang Berto. Tulad ng dati ay wala nang lamang loob, putol-putol ang katawan at ang iba ngang parte ay nawawala.

Hindi makapaniwala si Mylene sa nangyari.

"Ang tatay??? wala na??? " sabi niya sa ina niya.

"Oo anak, dahil diyan sa aswang na yan!" - ina niya

"Hindi maari ito nay! Hindi! Taayyyyy.... Huhuhuhu ...." - Mylene

"Magbabayad yang aswang na yan... HAHANAPIN KO SIYA AT PAPATAYIN KO SIYA!    MAGBABAYAD SIYA!", sigaw ni Mylene.

Itutuloy...

- - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Waah? Galit si Mylene. Kailan pa kaya niya mahahanap ang aswang na pumatay sa ama  niya?

Subaybayan niyo po ang mga susunod na mangyayari. 

Thanks for reading! :)        - Vampress10

AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon