Azumi Ann Suizo

215 7 5
                                    

Entry from: Azumi Ann Suizo

To See His Smile Again

"Nasaan na ba kasi yun, dito ko lang yun nilagay eh. Imposible namang ma-- aray!" Napadaing ako sa sakit, natumba ako dahil sa may bumangga sa akin.

"Tss. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh." Sabi ng nakabunggo sa akin.

Sinagot ko naman sya habang pinupulot ang mga gamit kong nagkalat. "Aba mister! Alam ko hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, ikaw din naman ah? Kung nakatingin ka sana di mo ako nabangga." Inis na sabi ko doon sa lalaki.

"Here." Inabot nya sa akin ang gamit kong napulot nya. Medyo gentleman din pala, tinulongan ako kahit papaano pulutin ang mga gamit ko.

"Tha--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makilala ko kung sino ang nakabanggaan ko. Oh em gee! Totoo ba 'to? Nasa harapan ko sya! Gawd!

"Hey Miss!, yung gamit mo oh."

"Ah. Eh. T-thank you."

Napa 'tss' lang sya, sabay lakad. "Sungit ah." Nasabi ko nalang.

Lumingon sya sa akin sabay sabing "Hindi ako masungit." Pagkatapos nyang sabihin nagtuloy tuloy sya sa paglalakad palayo sa akin. Packing tape! Narinig nya pa yun, grabe ha, lakas ng pandinig nya, pero infairness mas pogi sya sa malapitan kahit na walang kaemo emosyon ang mukha nya. Kahit ganun yun, crush ko pa din. Hehe! Naalala ko tuloy kung bakit sya ang naging crush ko, lagi ko syang nakikita sa uni. Iisang University lang kami nag-aaral pero ahead sya sa akin ng 2 years. Mapapadaan muna ako sa building ng department nila bago ako makarating sa department namin. Kaya lagi ko syang nakikita, pero one time no'ng mapadaan ako nakita ko syang may kausap tumigil muna ako saglit para titigan sya tapos bigla syang ngumiti, hindi man ako ang nginitian nya pero yung feeling na nakita mo syang ngumiti. Sheeems! Lalo pa syang gumagwapo.

"Haaaay! Sana makita ko sya ulit na ngumiti." Pabuntong-hininga kong nasabi.

**few days later**

Kakatapos ko lang mag-order, Inikot ko ang aking paningin nagbabakasakaling may mauupuan pa pero puno na, lahat ng mesa ukupado na pero may nakita akong nakaupo ng mag-isa, kaya nilapitan ko. "Hi! Pwedeng makiupo?" Tanong ko sa kanya.

Tutok na tutok sya sa kanyang laptop ni hindi man lang ako tinignan ng sabihin nya na "Sure".

Nang makaupo na ako pinagmasdan ko ang lalaking nasa harap ko na busy sa kanyang ginagawa. Napangiti nalang ako ng makilala kung sino sya.

"Ang ganda ng view"

"Anong maganda dyan e kalsada at mga sasakyan lang nakikita mo." Sabi nya hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Hindi naman kasi ako sa labas nakitingin." Sagot ko sa kanya.

"Eh saang view ang sinasabi mong maganda?" Tanong nya

"Edi yung nasa Front View ko." Sabi ko na ikinatigil nya at tinignan ako. Nginitian ko lang sya.

"Ang lame mo. Tss" Iiling iling na sabi nya at bumalik sa paglalaptop.

"Araw ka ba?"

"What?"

"Tinatanong kita kung araw ka ba, sagutin mo ako ng bakit." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Uulitin ko, araw ka ba?"

"No. Bakit?"

"Kasi, nasisilaw ako sa kagwapohan mo. Hehe." Tinignan nya lang ako.

"Tss. Itigil mo na nga yan, luma na yan."

"Isa nalang.

"Tss."

"Please, isa nalang talaga." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"Okay."

"Camera ka ba?"

"Bakit?"

"Ma'am, eto na po yung order nyo." Sabi ng waiter, nagpasalamat ako sa waiter at binalingan ang kaharap ko sabay sabi ko;

"Kasi napapasmile ako kapag nakikita kita." Nilakihan ko pa ang ngiti ko habang tinitignan ko sya.

"Okay. You can go now."

"Ang cold at sungit talaga ng isang 'to." Bulong ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Pero bago ako umalis nilingon ko muna sya at tinanong,

"Di ba Cloud pangalan mo?"

"Yeah. Bakit?" Nakakunot noong tanong nya.

"Because,

I Cloud you baby
And if it's quite all right
I Cloud you baby
To warm my lonely night
I Cloud you baby" kinanta ko pa sa harap nya.

Napa-tss sya pero ngumiti na din. "Baliw ka din e nu?"

"Hindi naman, hyper lang. Hehe! Sige na, alis na ako. Bye Cloud." Paalam ko sa kanya.

Finally, I saw him smile again. 😊

The End.

A/N: DOCians, pinapahirapan tayo ni Carleeeng sa activity niya! Nakakaiyak! Ayokong mamili eh. Huhu. Pero maraming salamat sa mga pumili sakin. I'm touched, really.

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon