KATHERINE IGNACIO

37 4 1
                                    

Entry from: Katherine Ignacio



#DOCActivity
#MeAndMyBias
[WARNING: Hindi magaling ang nagsulat kaya 'wag basahin]
Hindi na ata sya short story. Hahaha

My Unrequited Love

Gusto nyo ng kwento? Oh sige eto! Ikukwento ko kung paano ko nakilala ang first love ko.

Flashback

Nakapasok ako sa isang sikat na University sa Maynila. First day of school noon noong una ko syang makita.

"Aww!" ang sakit.
"Oh! I'm so sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Are you okay?" sabay pulot sa mga librong nagkalat sa sahig hanggang sa nilahad nya ang kanyang kamay sakin at tinulungan akong tumayo.
"Ah. Medyo masakit pero okay lang naman ako." sabi ko.
"Sigurado ka? Sasamahan kita sa clinic kung gusto mo. Medyo napalakas ata yung tumba mo." tumingin sya sakin ng diretso. Makikita mo talaga sa mga mata nya ang pag-aalala. Hawak nya pa rin ang kamay ko.
"Huh? Naku! Hindi na! Ayos na ayos na ako. 'Wag kang mag-alala." nahihiyang sabi ko at tinanggal na sa pagkakahawak ang kamay naming dalawa.
"Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako. Hindi kita napansin." pagpapaliwanag nya.
"Nagmamadali ka? Ahmm! Mauna ka na. Ayos lang talaga ko dito. Nakakaabala pa ko sayo kung ganun."
"Wag mong sabihin yan, mas uunahin kita. Ako 'tong nabunggo sayo eh. Hindi ka abala sakin, sagot kita."

Medyo napangiti ako. Ang cute nya. Haha

"Haha! Okay nga lang ako. Promise! Tignan mo pa 'to." sabay pakita ko ng muscles ko kahit wala naman talaga
"Haha! Crazy! Wala naman."
"Ah! Hehe mahiyain eh."

Oh god! Ano bang 'tong pinagsasasabi ko?

"Hahaha. You sure walang masakit sayo?" tanong nya.

Hala! Pakingteyp! Bakit ang gwapo nyang tumawa? Hustisya naman oh!

"Miss?"
"Ah...Haha. Ano ulit yun? May sinasabi ka?"

He smiled.

F*ck! Kuya, 'wag kang ngingiti dyan! Maiihi ako! Waah! Huhu

"Ang sabi ko kung sigurado ka ba talagang walang masakit sayo." paguulit nya
"Ah... Yeah. Don't worry. I'm fine now."

Ngumiti ka kasi... Ay?

"Hm. Okay then! I need to go. May klase pa kasi ako." Binigay nya sakin ang mga libro ko.
"Thank you!"
"You're welcome. See you around. Ingat ka!"

He smiled at tuluyan nang umalis.

Sinundan ko sya ng tingin. Hindi ko namalayan na ilang minuto na rin pala kong tulala doon.  Napangiti na lang ako. "Para kang ewan, Kath." sabi ko sa sarili ko at sabay iling.

End

At ayun na nga! At dahil sa pagiging gentleman ng lalaking yun, hindi na sya nabura sa puso este sa isip ko. Naging super duper crush ko sya. Agad agad! As in! Nakakahiya mang aminin pero sya ang kauna unahang lalaking gumawa sakin ng ganun. I'm not prone to boys. Sa province kasi namin, bahay-school-tulog lang talaga ang alam ko. Kahit sa school wala akong na-encounter na ganun. Mga balasubas kasi ang mga estudyante doon. Haha! De joke lang. Medyo snob kasi ako noon pagdating sa lalaki. And that's the reason why, kaya sobra siguro akong na-overwhelmed sa ginawa sakin ng lalaking yun. But, sad to say, yun na ata ang una't huling paguusap naming dalawa. Hindi kasi kami halos nagkikita kahit pa sabihing nasa iisang University lang kami, masyado rin kasing malaki iyon. Kaya minsan, tuwing break time, pumupunta ko sa College nila, nagbabaka sakaling makita ko sya. Para na nga akong stalker noon dahil panay ang sunod ko sa kanya tuwing may libreng oras ako, maging pangalan ng parents nya, kapatid nya, mga tito at tita nya at pati mga pinsan nya, alam ko! Ang creepy ba? Haha don't get me wrong ah? Wala akong ginagawang masama. Hanggang tingin nga lang ako. No worries. Hehe. Defensive ba masyado? Oh well, baka kung ano ano kasi ang isipin nyo. Kailangan kong ipaglaban ang sarili ko. Haha! Anyway, balik tayo! Magkukwento ulit ako.

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon