VIN VINGAL

132 9 8
                                    

Entry from: VIN VINGAL

Inlove Ako Sa'yo

I've been inlove with her since i don't know when.
Nagulat ako pagkasakay ko sa bus. Bukod sa iisa na lang ang available seat, nagulat ako kung sino ang makakatabi ko.
Siya ba talaga ang makakatabi ko? Ang swerte ko naman.
Nananaginip ba ako? Bakit siya magco-commute? Knowing her, magpapahatid sya sa driver. Nah hindi, she have her own car so why does she need a driver.
Natutulog siya. Nakakahiya kung bigla syang magigising ko sya pag umupo na ako sa tabi nya. Di naman ako makaalis kasi bukod sa mahirap mag abang ng bus ngayon, nagmamadali pa ako since kailangan kong makaluwas papuntang Laguna before mag Christmas. Saan kaya siya pupunta? Magbabakasyon kaya siya.
"Boy, ayun oh, sa tabi ni ateng natutulog, may upuan pa. Aalis na tayo." Sabi ni kuyang kundoktor sakin. Tumango na lang ako tsaka dumeretso papunta sa nag iisang bakanteng upuan.
She's wearing a denim short, white tennis shoes and a pink longsleeves na may design ni Dureami, yung kapatid ni Doraemon. May dala syang isang malaking bag. Maglalayas kaya sya? Mukha namang hindi kasi napakabait ng pamilya nya. Mukhang magbabakasyon nga lang siya mag-isa.
Umupo ako sa tabi niya. Dahan dahan pa para di sya magising. Pagkaupo ko, tiningnan ko siya. Buti naman hindi siya nagising. Grabe napaka ganda talaga niya.
Sobrang ganda talaga ni Jenelle Lopez.
-----------
"Aido Lovin, ikaw ba yan?" Bigla naman akong nagulat ng marinig ko yung nagsasalita. Nanunuod kasi ako ng pelikula sa monitor ng bus. Winter Soldier. Kaya nafocus ako sa panunuod at hindi muna napansin ang napakagandang katabi ko. "Vin."
He, what? She knows my nickname? "Y-yeah. Kamusta?" Really? Kamusta? Way to go Vin.
"Ok lang. San punta mo?" Buti di sya natakot. Baka kasi isipin nya na stalker nya ako at matakot sya sakin. Ayoko naman na mangyari yon. Shete napakaganda nya. Di ako makapaniwalang magkatabi kami ngayon.
Alam nyo kasi, matagal na akong may gusto sa kanya. Since first year college, nung makatabi ko sya sa upuan, Bio1 pa ang subject namin. Yun na lang din ang available seat nun. Nung una pa lang na makita ko sya, nagandahan na talaga ako sa kanya. Magkahawig kasi sila ng crush ko na Korean na si Naeun. Pagkaupo ko, nginitian nya ako at nakipagkilala. Dun nagsimula ang paghanga ko sa kanya. Hinfi kami naging close dahil magkaiba ang group of friends namin. Dagdag pa na naghati ang section namin nung 3rd year for i dont know what the hell is the reason, sa original ako nasama, sya ay sa kabila, though kahit ganun eh magkaka-close pa din kami and we still consider ourselves as 1 block. So ayun nga, nagka-crush ako sa kanya, kasi bukod sa maganda siya, napakatalino nya. Mahilig syang magbasa ng mga libro, which is also my hobby. Iba-ibang genre at author ang binabasa niya, mula sa mga lumang horror novels ni Edgar Allan Poe hanggang sa pinakabagong gawa ni Nicholas Sparks. Napakabait pa. Akala ko nga dati suplada sya pero nagulat ako nung bigla syang tumawa ng malakas sa joke nung kaklase ko. Mukha siyan loka loka habang tumatawa siya pero sa paningin ko sobrang ganda nun. Nakita ko din kung paano sya magpahalaga ng kaibigan niya. Kilala nyo si Keila Mendoza? Yung kapatid ni Ms. Dana, artista sila. Madaming galit kay Ms. Keila dahil daw bitch siya, which is not true. Never will be. Ayun nga, bestfriend sya ni Jenelle. I saw her how ahe depended her friend. Andun ako when that accident happened kaya tinulungan ko sila. Humanga ako sa kung paano niya i-value ang kaibigan nya. Tapos napaka family oriented niya. Nakita ko syang kumakarga pa sa Daddy nya. Napaka-cute nilang tignan.
Tingin nyo siguro stalker ako. Grabe naman. Nagkatain lang naman lahat yun. Di ba nga magkaklase kami? At magkakaclose kaming lahat (pwera siya, slight lang kasi) so nakukwento lang sakin yun, syempre.
Siguro itatanung nyo kung bakit hindi ko sya niligawan. Meron akong tatlong rason para dyan. Una, natatakot akong mareject. Sobrang taas kasi ni Jenelle para sa akin. Di naman yung mala-langit siya, lupa ako na scene. Ewan ba, parang di ako deserving sa kanya. Di ako panget ah? Maitim lang. Basta, hirap i-explain.
Pangalawa, focus ako sa studies. Bait eka.
Pangatlo, i know how she feels for Cloud Mendoza, kakambal ng bestfriend niya. She's inlove with that guy since i don't know. Kaya nga sobra syang nasaktan nung malaman na sila na nung ka-loveteam niya. Sobra syang nasaktan nun at umiyak daw sya for two days. Nalungkot din ako syempre. Ikaw kaya na malaman mong nasasaktan ang babaeng mahal mo, syempre malulungkot ka din, knowing na ibang lalaki ang dahilan nun.
Yes, I'm inlove with her. I'm inlove with her since i don't know when.
Lately ko lang nalaman tong nararamdaman ko sa kanya, mga second year. Kaya nga di ko magawang makipag close sa kanya, baka kasi mahalata yung nararamdaman ko, mahirap na. Kaya nga minsan awkward ako kapag kasama ko sya sa mga group works, projects at mga activities. Tsaka kaya awkward din at bigla akong kinabahan nung malaman ko na sya ang katabi ko. Kaya din di ko sya niligawan. Gulo ko no? Basta.
"Vin". Tawag nya ulet sakin. "Ok ka lang?"
"H-ha? Oo ok lang ako." Badtrip, mukhang nag-monolouge na nan ang utak ko. "Pasensya na, di ako nakapag paalam sayo na uupo ako sa tabi mo. Natutulog ka kasi, nahiya naman ako na gisingin ka. San nga pala punta mo?"
She chuckle before answering me. "I ask you the same question kanina. Papunta akong Laguna, Calamba Laguna, to be exact."
"Really? Papunta din ako dun! Same destination. Calamba"
"Wow!" Napapalakpal siya habang nakangiti. "Akala ko mag isa lang akong ba-byahe. San ka sa Calamba? Dun ako sa Canlubang, sa Asia 1."
Namilog ang mga mata ko. Lord, ano po ba ang nagawa kong maganda at binihyan mo ako ng napagandang blessing? Naluluha na ako. Kalma Vin, wag kang maluluha.
"Seryoso? Dun din ako papunta! Magbabakasyon ako dun. Sa may lagpas ng bakery nila kuya Rojers."
"Bibisitahin ko yung Ninang ko dun. Galing kasi sila ng States, ngayon ko lang makikita. Sabi ni Mommy dun muna ako, since pupuntahan nila ako dun before Christmas."
"Ah ganun ba? Pero ba't di ka nag kotse?" Ahm, Vin, feeling close ka na.
"Hmp, di ako pinayagan ni Daddy mag kotse. Malayo daw tsaka antukin ako. Makakatulugan ko daw ang bhaye baka ma-aksidente ako. Totoo naman kasi nakita mo ko na tulog na tulog." She chuckles. Ang cute syete. "Tsaka nagbaksyon si Kuya Kiko, yung driver namin so i decided na mag-commute nalang."
"Di ka ba natakot mag commute? Delikado kaya lalo na't babae ka."
"I can manage naman. Nakapag commute na naman ako before, kaso ang boring bumyahe mag isa kaya di ko na masyadong ginagawa. Kaya nga, natutuwa ako Vin kasi andito ka, may makaka-usap ako." Sabay ngiti nya.
Ako din, Jenelle, masaya ko. Masayang masaya.
-----------------
Buong byahe, nagkwentuhan lang kami. Sobrang daldal niya. Mostly, puro books lang ang pinag uusapan namin. Andami nyang libro ang alam. Humanga ako sa daming alam pagdating sa libro. Sobrang sarap nyang kausap. Sobrang saya ko naman kapag napapatawa ko siya ng mga jokes ko. Mukha naman na nag eenjoy siya na kausap ako. Napapatawa ko sya. Dahil dun masaya din ako.
Biglang huminto ang bus, dahil narating na namin ang sakayan ng jeep papuntang Canlubang, Calamba, actually 2 pang jeep yun. Hassle. Bumaba na kami, dala ko yung bag ko tsaka yung isang bag nya. Hindi pa nga siya pumayag nung una kasi daw nakakahiya. Sinabi ko na lang na baka mabigla sya sa bigat dahil kakagising lang nya before huminto yung bus. Pumayag naman siya. Buti naman. Pinagtitinginan nga siya ng mga tao eh. Ganda kasi. Nahiya tuloy ako kasi naka shorts lang ako, black na converse shoes at Superman na shirt. Parang di bagay. Ok lang, pogi naman ako eh.
Nakarating kami sa Canlubang at naghanap na kagad ng tricycle. Pagkasakay namin, pinagpatuloy namin ang usapan namin. Sobrang nag enjoy kami sa pinag usapan namin. Mula sa aso nyang si Chuchu hanggang sa mga drawings ko. Naipangako kopa nga sa kanya na ie-sketch ko siya. Dagdag pogi points.
"Vin" sabi nya after huminto ng tricycle sa tapat ng bahay ng ninang niya. "I enjoyed your company. Salamat sa pagsama mo at pag entertain."
"Grabe, ginawa mo naman akong clown. Salamat din. Di naging boring ang byahe ko. Ingat ka."
"Dyan na lang naman ako eh haha. Sige. Salamat ulit Vin. Ingat ka!"
"By Jenelle. Salamat."
Habang umaandar ang tricycle, napatingin ako sa likod. Andun pa din sya. Napangiti ako.
Ang galing ko. Pogi ko talaga.
----------------
"Vin!"
Napatingin ako dun sa babaeng tumawag sakin. Nakasakay sya sa bike. Grabe ang cute nya sa suot nyang gray shirt na may design na Dureami.
"Yow Dureami!" Nakita ko syang nag pout. Napangiti ako.
"Ahh! Stop teasing me!"
"Haha! Sorry na. Nga pala, what brings you here? Pano mo nalaman yung bahay nila tita?"
"Para namang ayaw mo ako dito. Syempre pinag tanong ko. Aayain sana kitang mag-mall. Wala kasi yung pinsan ko. Pero ayaw mo ata kaya ako nalang." Sabi nya habang nakanguso.
"Uy wala akong sinabi. Eto na nga maliligo na ako. Pasok ka muna sa loob?" Aya ko sa kanya.
"Di na. Maliligo lang din ako. Daanan mo na lang ako sa amin. Sige, bye Vin." Sabay sakay sa bike nya.
"Sige. Ingat."
Grabe date ba to? Nah, nagpapasama lang siya. Kailangan magpa pogi ako. Tiningnan ko si Janelle. Napangiti ako, pero may bigla akong naisip.
Wala ba syang load? Di na lang ako ti-next.
-----------------
Nasa may tapat ako ng bahay ng ninang niya. Papalabas na daw siya kaya i decided na hintayin na lang siya at di na pumasok. Paglabas niya, grabe, ang ganda niya. Naka blue tshirt na medyo pa loose na may design na pusa, idunno kung ano ang tawag dun, basta, then pants at red na Keds. Napaka simple lang niya pero ang lakas ng dating niya. She's wearing her best make up, her smile, which makes me fall for her even more.
"Ang ganda."
"Salamat." Humagikgik sya. Nasabi ko ata na maganda siya ng hindi ako aware. "Tara na."
"A-ah? O-ok. Tara na." Buti di na sya nagtanung pa.
Sa SM Calamba kami pumunta. Bibili pala sya ng personal supplies nya kasi naubos na yung baon niya. Sinamahan ko sya habang namimili sya. Grabe andami pala ng gamit ng mga babae.
After niyang mamimili, nag aya saiyang kumain. Tiningnan ko yung phone ko. 1:20pm na pala. Tinanung ko sya kung saan nya gustong kumain. Akala ko sa mga posh restos nya balak kumain, kaya nagulat ako ng mag aya sya sa Jolibee. Nang makapasok kami sa loob ng store, pinaghanap ko na lang sya ng pwesto at ako na lang ang oorder. Nagulat siya ng sinabi kong ako na manlilibre, umayaw siya pero I insist. Walang nagawa sa kulit ko kaya nanahimik na lang siya.
Habang kumakain kami, puro kami tawa. Kung ano anona ang napag usapan namin pero feeling ko di ako magsasawa. Nakakahiya nga sa ibang tao kasi ang lakas ng tawa nung kasama ko, pero keber lang. After naming kumain, inaya ko syang mag Arcade. Akala ko tatangi sya, pero buti pumayag.
Una naming sinubukan ang fire games, yung barilan. Tawa siya ng tawa pag napapatay niya yung mga kalaban. After nun, nagbasketball kami. Ako naman ang tumawa ng tumawa kasi napupunta sa ibang ring yung bola nya kapag nagso shoot. Kaya hampas sya ng hampas sakin. Tinuro nya yung crane machine. Di ako swerte sa mga ganun kaya hinayaan ko na lang siya na maglaro mag isa. Syempre pinanuod ko. Pigil ang tawa ko kapag naiinis sya habang nalalaglag yung mga kinukuha niya. After ng 13th attempt niya, ako naman ang pinatry niya, so ginawa ko. Nagulat ako nung nakuha ko yung malaking Doraemon sa unang subok ko. Tuwang tuwa ako pati din siya. Syempre ibinigay ko sa kanya yun. Namula naman siya at napangiti ako. Huli naming ginawa ay ang magvideoke. Ang ganda talaga ng boses nya nung kinanta niya yung Torete at Roar. Ako naman ay yung I'll Be at Love Bug.
7pm nang makauwi kami. Huminto kami sa may entrance ng village. We decided na maglakad na lang since malapit na lang yun.
"Tuwang tuwa ako kasi nung nagselfie ako yung mamang guard nag-photo bomb pa. Hahaha. Ang saya nung kumakanta tayo." Sabi nya hababg tumatawa.
"Hahaha. Baka type ka ni manong. Pero in fairness, ang ganda ng boses mo. Ulitin natin yun minsan."
"Sure, anytime." Salamat nga pala sa pagsama at panglilibre sakin. Na enjoy ko yung araw na to, super!" Nag double thumbs up pa sya.
"Ok. Pero dapat ako naang mag aaya. Nakakahiya kasi ikaw yung babae tapos ikaw pa ang nagyaya ng first date natin." Sabi ko habang taas baba yung kilay ko.
"Anong date ka dyan?" Natatawa nyang sabi. "Hmm, sige na nga, nanlibre ka naman kaya pagbibigyan kitang tawagin yung date. Oh andito na tayo kila ninang." Huminto kami sa paglalakad. "Salamat ulit sa pagsama. Ingat ka, Vin."
"No, ako dapat ang magpasalamat sayo. Salamat kasi ako yung inaya mong isama kasi wala ka ng choice. De biro lang. Nag enjoy ako kasama ka." Inabot ko yung kamay ko sa kanya. "Meaning nito friends na tayo?"
Natatawa syang inabot ang kamay ko and nakipag-shake hands. "Magkaibigan na tayo. Ire-rephrase ko na lang. Tinatanggap ko na super close friends na tayo. Di na kasi pwedeng bestfriend kasi si Keila at Marion na yun." Tumawa siya ng bahagya. "Mag ingat ka sa pag uwi ah. Baka ma rape ka. "
Kinurot ko sya sa pisngi nya. "Ok lang naman sakin kahit boy friend eh." Nagulat siya sa sinabi ko. Kaya kailangan sbihin ang ultimate palusot. "Joke lang haha. Salamat dahil friends na tayo. Mag iingat ako."
"Sira ka. Ingat ulit." Nakatalikod na ako ng tinawag nya ang pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Itatabi ko to sa pagtulog ko." Sabi nya habang yakap yakap si Doraemon na napanalunan ko.
At dyan, mga kaibigan, ang simula ng pagiging close nmin ni Jenelle.
------------------
Akala ko hanggang Laguna na lang yung closeness namin. After naming umuwi kasi, araw araw na kaming magkausap at magkatext. Nasundan pa ng maraming lakad namin na puro foodtrip at gala. Kahit sa school. Nagulat ang mga kaklase namin na super close na namin. Dati kasi aloof ako sa kanya. Ipinakilala rin nya ako kay Ms. Keila at sa family nya. Nakapunta na din ako sa bahay nila. Napakanait ng Mommy niya pero nakakatakot yung Daddy at Kuya nya. Pero buti nalang at funny ako, nakuha ko din ang loob nila. Akala daw nila manliligaw ako. Gusto ko sanang sabihin na matagal pa po, kaso baka bugbugin nila ako, wag na lang.
Madami din akong nalaman tungkol sa kanya. Mahilig sya sa Icecream na cookies and creaam at kay Doraemon, impluwensya ng Tatay nya, at sa Kpop at books, na impluwenysa naman ng Mommy nya. Nalaman ko din na mahilig syang magbake, manuod ng movies at marami pa. Wala na din syang feelings sa kapatid ni Ms. Keila. Good.
-----------------
Lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Palagay ko ay sya din. Panatag na ang loob niya sa akin. Sa loob ng dalawang taon namin na magkakilala, nakilala ko na agad siya. Alam ko kung masaya sya dahil sa ice cream at kung badtrip sya dahil may nambash na naman sa favorite KPop group niya. Alam ko na din kung kailan ko siya aasarin o kung kailan niya kailangan ng mapaglalabasan ng asar dahil sa prof niya. Ganun din ako sa kanya. Siguro nga panahon na para alisin ang daga dito sa puso ko para mailabas kung ano ang nararamdaman ko.
It's now or never. Kung pumayag, good, kung hindi, atleast I tried.
-----------------------
Nagulat sya ng makita nya ako sa harapan ng building nila na may hawak na gitara at may banner sa likod ko. Hawak hawak niya yung mga rose na ipinabigay ko sa kanya earlier. Hawak niya rin yung mga heart shape na love notes. Good. Mukhang gumana yung first part ng plano ko. Sana dito sa kasunod, hindi maging epic.
Nakapag paalam na ko sa parents niya. Nasa legal age na naman daw kami so pwede na kong manligaw sa anak nila, basta wag ko lang daw sasaktan si Jenelle. Takot ko lang, badboy kasi si Tito Jeydon at Dwayne.
Napaiyak si Jenelle after I strum the guitar. Alam ko may idea na sya sa gagawin ko. Sana naman pumayag siya. Sinimulan kong kantahin yung first part ng kantang Moving Closer, habang kinakanta ko, nagtitilian naman yung mga tao sa paligid ko. Lumapit ako sa kanya when I sang the chorus part and hold her hands. Buti na lang may back up guitarist para sumalo sa guitar part. I am singing while looking in her eyes. Sana tama yung nakikita ko sa mga ngiti niya na gusto din nya ako. Na may pag asa ako sa kanya.
After the song, nagsigawan ang mga tao. Ibinigay ko din sa kanya yung hawak ng isang kakuntsaba ko na isang Doreami stuff toy na may hawak na rose. It's now or never.
Huminga ako ng malalim. "Nung una pa lang kitang makita at makatabi nung first year tayo, nagka-crush na agad ako sayo. Nung una kasi nagandahan ako sa'yo. Pero nung makilala kita, nainlove ako kasi napakaganda ng ugali mo, napakaganda mo inside. Jenelle, napakasaya ko ng makatabi at makasama kita papuntang Laguna. First time kong maka usap ka ng ganun katagal. Naging close tayo. Nagkaroon tayo ng moment." Huminga ako ng malalim. "Your smile is the most brightest thing I've seen. I want to see that everyday the way I like to be the reason why you smile.
Di ko maiipapangakong hindi kita paiiyakin, kasi kapag tumatawa ka sa mga jokes ko, parang waterfalls yang mga mata mo. Di ko din maipapangako na hindi kita sasaktan, kasi di ko kayang magpigil na pisilin yung mga pisngi mong mala-siopao." Hinampas nya ako sa braso ko habang mangiyak-ngiyak pa din. "Di ko din maipapangakong ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko. Mahal ko si Mama at yung kapatid kong babae, tsaka pag nagka anak ako ng babae, mamahalin ko din yun. Ang maipapangako ko lang ay ako. Ako na laging nandyan kapag kailangan mo. Ako na ibibili ka ng ice cream kapag may sumpong ka. Ako na magpapatawa sa yo kapag malungkot ka. Ako na makakausap mo tungkol sa mga libro, na sasamahan ka sa National Bookstore. Ako na makakasama mong manuod ng mga concert na KPop kahit ang papangit nila. Ako na hindi ka iiwan. Ako na mamahalin ka hanggang wakas. Ako na makakasama mo sa pagtanda."
Binitawan ko yung kamay nya. Huminga ako ng malalim habang pinupunasan yung luha niya. Eto na. "Pero bago yan, kailangan ko munang itanong sayo to." Hinawakan ko ulit yung mga kamay nya. "Jenelle Gonzalez Lopez, can I court you? Can I make my promises into a reality? Can I be your man?"
Niyakap niya ako. Nabigla ako pero niyakap ko din siya. "Sira ka, akala ko tatanungin mo ako kung pwede na kitang maging boyfriend. Akala ko nanliligaw ka na."
"Kailangan ko munang magpaalam sayo." Sabi ko habang yakap pa din siya.
"Then the answer is no." Nagulat ako sa sinabi nya. Did I do something wrong? Di nya siguro ako gusto. Magsasalita sana ako nung pinigilan nya ako. "No, you're not going to court me anymore because you're now my boyfriend."
Niyakap ko sya ng mas mahigpit. "You make me the happiest man in the world. I love you, Jenelle."

***END***

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon