MARISSE MAGTIRA

446 14 4
                                    

NOTE: Hindi ko na po inedit ang mga 'to. Kung paano po nila ginawa ganun din ang pagkakapost dito. Wala akong binago ni isang tuldok. Hehe. Happy reading! :) 

P.S. Kaway-kaway sa mga nakasama sa mini meet up! :D

Entry from: MARISSE MAGTIRA



MY FUTURE HUSBAND

May nararamdaman akong parang humihinga sa mukha ko, kaya dinilat ko yung mata ko. May nakita akong mukha, natulala ako sakanya, tapos pinikit ko ulit yung mata ko. Nanaginip ata ako. Narinig kong tumawa siya. Dinilat ko yung isa kong mata.

"Good morning babe." Sa gulat ko napatayo ako at tinulak ko siya.

"What's the problem babe?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Niyakap ko yung sarili ko. Kinikilabutan ako, bakit siya nandito? At sa kwarto ko pa.

"Hey, hindi kita ni-rape babe ah." Hindi daw? Sayang. Joke!

"B-bakit n-nandito ka?" Hindi talaga ako makapaniwala. Nababasa ko lang siya sa libro, tapos ngayon nandito siya sa harapan ko at tinatawag pa talaga akong babe. Gusto niya ba ako patayin sa kilig?

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naglakad siya papalapit sa'kin, lumayo naman ako.

"Diyan ka lang." Sabi ko sakanya. Baka kapag lumapit siya hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka... Never mind.

"Kumalma ka lang babe. Ok? I know na nakakagulat talaga ang kapogian ng babe mo pero, hindi ka pa ba nasasanay tuwing umaga?" Jusko, kung ganyan ba naman araw-araw malamang nga hindi na ako matulog para titigan 'yang mukha mo! Teka, sinabi niya ba na hindi pa ako nasasanay tuwing umaga? Tuwing umaga?! So maraming umaga ang nakikita ko siya at wala akong maalala?

"Anong date ngayon?" Ano bang nangyayari? Hindi naman pwede na lumabas siya ng libro.

"June 13, 2016" Wala akong maalala sa mga ginawa ko kahapon. Anyare?!

"Babe are you okay? Hindi ka naman ganyan dati kapag gumigising ka. Ako lang 'to." Siya LANG daw?! Kung alam niya lang kung anong nararamdaman ko ngayon. 'Saka Hindi daw ako ganito kapag gumigising dati. Tinignan ko siya, nakatingin lang din siya sa'kin. Yung mga tingin niya jusko! Pinapangarap ko lang dati 'yan.

"Paano ba ako dati? I mean kapag gumigising ako anong ginagawa ko?"

"Usually, ikaw ang nagigising ng maaga tapos makikita kita sa kusina nagluluto. Then, sasabihin mo "Good morning babe" And, you will kiss me." Kiss him? Na-imagine ko naman na ginagawa ko 'yon. Omg!

"You're smiling babe." Napatigil ako sa pagi-imagine ko. Wow mali ba 'to?! Baka napapahiya na ako sa mga nanonood dito ah!

"Silly you. 'Wag ka na mag-isip ng kung anu-ano, ok? Pinapakaba mo 'ko." Lumapit siya sa'kin, take note sa mukha ko tapos... Kiniss niya yung ilong ko. Sayang! (Hahahahahaha)

"Tara na, nagluto ako ng favorite mo." Hinawakan niya yung kamay ko tapos sabay na kami lumabas ng kwarto.

Nakakahiya, kanina pa kami nag-uusap tapos lumalapit pa siya sa mukha ko baka bad breath pa ako tapos baka may mga muta pa ako. Ang chaka ko pa naman kapag nag s-selfie ako na WOKE UP LIKE THIS!

Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"Bakit?" Tinignan ko si Dwayne.

"Uhm, mag c-cr lang ako." Lumapit nanaman siya sa'kin. Nakakainis to lapit ng lapit baka bad breath nga ako eh. Todo sara tuloy ako ng bibig ko.

"Babe, kahit bad breath ka pa, kahit puro muta ka pa, kahit sinasabe mo na panget ka sa mga selfie mo na woke up like this. Maganda ka pa din para sakin." Hay jusko! Totoo ba talaga 'to? At infairness alam niya lahat ng naisip ko ah.

"Kumain ka ng madami ah." Tinitignan ko lang siya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato. Hindi ko parin talaga alam kung ano ang nangyayari, kung paanong nandito siya, at totoo siya.

"Kain na babe." Gusto ko siya kagatin. Charot! (Hahahahaha)

Habang kumakain kami hindi ko pa din maiwasan tignan siya. Ano kaya kami? Magjowa? Mag-live-in? Baka mag-asawa na kami?! Nabilaukan naman ako sa pinag-iisip ko!

"Oh babe ayos ka lang? Eto tubig."

"Oo ayos lang ako, may naisip lang." Nakakahiyang itanong sakanya kung ano ba kami? Mamaya kaka assume ko flirtationship lang pala meron kami at baka mas masaklap kabet pala ako.

"Ang dami mo atang iniisip ah. Kasama ba ako diyan sa mga iniisip mo?" Kung alam mo lang hindi ka lang kasama. IKAW MISMO!

"Ganito lang talaga ako kapag umaga. Hehe. Kain na ulit tayo."

"Pagkatapos natin kumain puntahan na natin yung anak natin." Nabilaukan ulit ako. Parang mamamatay ata ako sa sinabi niya.

"Babe! Oh tubig. Ano ka ba hindi ka naman nabibilaukan lagi ah, dahan-dahan lang sa pagkain."

"A-anong sabi mo k-kanina? A-anak? N-natin?" May anak kami?!

"Oo si chichi." Chichi? Kapangalan ng aso ko 'yon ah.

"Si chichi... yung aso?" Nakatingin lang siya sakin.

"Hindi aso si chichi babe."

"Hindi aso?!"

"Babe pusa si chichi. Ok ka lang ba talaga?"

"P-pusa? Sabi ko nga, pusa siya." Ano ba 'tong pinag-iisip ko! "Ok lang ako, medyo antok lang. Pero ok lang talaga ako, don't worry." Ano ba talagang nangyayari! Wala akong alam.

Lumapit siya sa'kin. Si boy lapit talaga siya.

"I love you babe." Nilapit niya yung mukha niya... As in malapit na talaga! Woooh! Nilagay ko yung kamay ko sa leeg niya, tapos bigla siyang... Tumahol? Napadilat ako bigla. Kayakap ko yung aso ko.

"Chichi?" Tumahol naman siya.

Panaginip lang lahat ng iyon? Si chichi aso na ulit siya hindi na siya pusa? Kaines!

Lumabas ako ng kwarto baka makita ko siyang nagluluto... Pero wala.

---

Naglakad-lakad kami ni chichi sa labas, para makalimutan ko siya. Ang sakit umasa akala ko totoo na, hindi man lang ako pinaisang kiss. Kaasar!

"Chichi naging pusa ka ba?" Hindi ako pinansin ni chichi. Tumakbo siya. Lokong aso paghahabulin nanaman ako.

"Chichi! Bumalik ka dito."

Nakita ko may lalaking may hawak kay chichi. Tinignan ko yung lalaki may hawak na pusa... Omg! Pakisampal nga ako back to back! Baka panaginip nanaman 'to.

"Aso mo ba to miss?"

"O-oo, aso ko nga." Kinuha ko si chichi. Nakatitig lang ako sakanya

"Kapangalan niya yung pusa ko." Chichi pangalan ng pusa niya? Omg talaga! Yung pusa pangalan chichi! Yung sinasabi niyang anak namin sa panaginip ko?! Totoo na siya ngayon, hindi na 'to panaginip.

"D-dwayne?" Tinignan niya lang ako.

"Kilala mo ko miss?" Tumango lang ako.

"Ako kilala mo ba?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya ako maigi.

"Hindi, pero you look so familiar..."

"Really?"

"You look like my future wife."

*****THE END*****

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon